Akalain mong na-in love ako...
Well lahat naman ng tao nai-in love...
Pero am I really too late???
or...
Am I really that coward???
Hindi ko ‘yon inasahan pero nangyari.
Sayang ba ang tamang term o duwag?
“Paano ba kakalabanin ang tadhana
para ilaan n’ya lang sa’yo ‘yong taong
hindi mo inakalang kokompleto sa buhay mo?
Gusto n’ya ako.
Tahasan n’yang sinasabi sa maraming tao.
Pero…
“Paano ba kakalabanin ang tadhana para ilaan n’ya lang sa’yo ‘yong taong hindi mo inakalang kokompleto sa buhay mo? Paano ba? Mahirap daw ‘yon eh. Kabaliwan daw ‘yong tanong na ‘yon dahil kahit ano pa daw gawin kapag tadhana na ang sumalungat wala ng laban ang sinuman. Weehh? Kasinungalingan!Tayo kaya ang gumagawa ng sarili nating tadhana. Ipupusta ko pa ‘yan. Hahaha”
Easy go lucky, alaskador, friendly, matalino (sana kung nagsiseryoso sa pag-aaral) at maniwala kayo GWAPO, hahaha. ‘Yan si Mike Axiel Jimenez, ‘yan ako. Pero hindi nga malikimit talaga akong kunin sa search at dahil talagang may angking lakas ng karisma eh ayon marami-rami na ring title na nahakot ko. Mayabang na kung mayabang pero ‘yan ang totoo. Hindi ko nga lang maintindihan sa sarili ko kung bakit NGSB pa ako hanggang ngayon. Ah! Hindi pa pala talaga ako na-i-in love pero crushes medyo marami-rami rin, hahaha. Pero LOVE? Bakit nga ba wala? Hindi naman ako choosy talagang wala lang talaga ei. Ooppss…naalala ko na siguro dahil sa kapitbahay kong SO INTO ME. Oo! Napaka-vocal n’ya talaga kahit sa campus alam na alam na patay na patay sakin ang isang makulit, mabait, matalino, chubby yet pretty gal. Oo! Maganda naman talaga s’ya lalo na kapag nakangiti at ‘yong mga mata n’ya nangungusap (‘yan ang best asset n’ya). Kahit malimit ko pa s’yang asarin I never saw her get mad at me kahit pa minsan nakakasakit na ang pang-aalaska ko sa kanya andyan pa rin si Abigail Morato—ang kapitbahay kong sobrang daldal—at patay na patay pa rin sa’kin. S’ya ang number 1 fan ko sa lahat ng bagay, president ng fans club ko at halos lahat ng pwedeng club na gawin n’ya para sa’kin ei nagawa na n’ya at gagawin n’ya. Syempre kung may number 1 eh may number 2 ang bestfriend kong si Art Santiago ang vice-president ng mga fans club ko at syempre supporter ko rin sa lahat ng bagay. Gwapo din ang bestfriend kong ‘yan kanino ba magmamana ei di sa’kin, hahaha. Magkasundong-magkasundo ang dalawang ‘yan kaya malimit kung pagtambalin dahil marami silang katangiang nagkakatulad.
“Bakit mo ba ako ipinamimigay? Sige ka ‘pag na-inlove nga talaga ako d’yan kay Art laking kawalan mo.” pabirong saad n’ya na hinagalpakan ko lang ng tawa at sinundan pa ng pang-aalaska. Nakakaasar ang tawa at pangungulit ko (alam ko ‘yon) pero bakit nga ba hindi ko ipinagsawalang bahala ko lang ang pagbabago ng anyo n’ya at ng bestfriend ko ng mga oras na ‘yon.? The next thing na nangyari two days akong hindi inimikan ng bestfriend ko at pinahingi ako ng sorry kay Abigail so I was forced to say sorry to her. As I give her a flower as sign of peace offering, I seriously looked into her eyes and at that very moment I felt something has change at nong nginitian n’ya na akong muli at pinisil ang kamay ko parang may kung anong lumukso sa puso ko na hindi ko maintindihan. That moment, nakita ko na nagliwanag ang mukha n’ya na parang isang anghel. Oo! Parang isang anghel.
Hanggang sa lumipas ang mga araw at na-realize kong love na pala ‘yong nararamdaman ko para sa kanya na dinadaan ko lang sa pang-aasar. Gusto kong magtapat sa kanya pero umurong ang dila ko, dinaga ang dibdib ko, in short naduwag ako. At lalo na ‘yong natabunan nang lumapit sakin ang bestfriend ko at seryosong hiningi ang tulong ko upang tuluyan n’yang maligawan si Abigail. Oo! Nagpapatulong s’yang ligawan ang taong hindi ko inakalang mamahalin ko. I’ve no choice but to help him dahil para ko na s’yang kapatid. Martir ba ‘yon? Ayos lang! At least malapit pa rin naman ako sa taong mahal ko na kahit pa ang ibig sabihin noon ei chaperon lang ang labas ko sa kanilang dalawa. Masakit?Oo naman, sobra. Minsan na nga lang magmahal nilalakad ko pa para sa iba. Hindi naman nagbago si Aby ng trato sa’kin. S’ya pa rin ‘yong dating Abigail Morato na number one fan ko kahit pa inilalakad ko si Art sa kanya. S’ya pa rin ‘yon bago ang gabi ng panibagong search na sinalihan ko. As usual panalo na naman ako. Naiuwi ko na naman ang titulo bilang Mr. University Personality. Title holder ulit at todo suporta ang dalawa kong super fan. I should be happy dahil nga nanalo ako pero nong makita kong magkahawak kamay silang dalawa at hinagkan ni Art sa pisngi si Aby kasabay ng pagthumbs up, pakiramdam ko natalo ako. Nakaramdam ako ng maraming karayom na tumutusok sa puso ko. Oo, karayom at ang sakit. Napakasakit pagmasdan ng bestfriend mong masayang kasama ang dating patay na patay sa’yo na ngayon ay mahal na mahal mo pero pag-aari na ng iba ang puso. Ngumiti ako—pilit na ngiti na alam kong hindi nila napansin. Title holder ulit ako pero sa puso ni Aby nawala na ang titulo ko at ‘yon ang napakasakit ‘yong tipong sa sobrang sakit pakiramdam ko mauubusan na ko ng rason para sa lahat.
Pare-pareho na kaming license doctor ngayon. At hanggang ngayon sila pa rin ang number 1 at 2 fan ko. At hanggang ngayon sila pa rin at siguro hanggang sa mga susunod pang panahon. At ako? Bukas hanggang sa susunod pang mga bukas ei mananatiling durog ang puso. Akalain mo ‘yon na-in love ako sa taong hindi ko akalaing kokompleto nasana ng buhay ko kung mas maaga kong narealize at kung mas nagging matapang lang akong magtapat.
“Axiel!” tawag sa’kin ni Abigail habang tahimik akong nakatambay sa coffee shop ng mama n’ya kaya’t napalingon ako. “We’re engage!” aniyang muli sabay pakita ng singsing. Ayon oh! Wala na talaga!
“Congrats!” maigsing tugon ko na pakiramdam ko ei bumara muna sa lalamunan ko bago ko tuluyang masabi.
“Thanks!” sagot n’ya na sinabayan naman ng kararating lang na si Art. “Ikaw kalian mo ipapakilala sa’min ‘yong ikinukwento mong babaeng umisnatch d’yan sa puso mo.!” Dagdag ni Art.
Ngumiti lang ako at kinindatan lang sila pareho tulad ng dati.
“Bestman ka huh.!” Muli sabay na saad ng dalawa.
“Oo ba! Basta ba maganda ang made of honor eh bakit hindi!?” tugon ko na sinundan ko pa ng halakhak na sinabayan naman nila. Bakit ganon?Ang sakit-sakit pa rin. Plastic ako kung sasabihin kong I’m happy for them kaya hindi ko na lang sasabihin ‘yon.
“I DO!” tugon ni Abigail na bakas sa mukha ang sobrang kasiyahan ganun din ang bestfriend kong si Art.
Bakit ganonna naman? Mas masakit ngayon! Durog na durog ako ng mga oras na ‘yon. Andun na naman ‘yong mga karayom. Bakit ba kasi hindi ko nasabi sa kanya noon na mahal ko s’ya ei di sana ako ang Title Holder sa puso n’ya kung ginawa ko ‘yon. Pero ano pa bang magagawa ko ei sila ang nakalaan para sa isa’t isa. At ako?Panggulo lang ako at sa mga search lang ako magiging title holder. Ipupusta ko pa sana kaso talo na ei. Kasi kahit ano pang armas ang hawak ko pag tadhana na ang kinalaban ko wala na akong laban. Oh, mas tamang sabihing hindi nga pala ako lumaban kaya natalo ako.
THANK YOU FOR READING
VOTE!
COMMENT!
SHARE!
C.J.L.
-MhireJed-
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS STORIES COLLECTION [Under Construction]
RomanceThis is the collection of my One Shot Stories... Feel Free to read , vote and comment... ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, record...