MUKHANG NAKATALI SA PUSO NG NAKARAAN

40 0 0
                                    

She’s a mysterious girl.

I am a very jolly guy.

I got curious.

I thought it was just curiosity.

Sinubukan kong mapansin n’ya.

Akala ko bigo ako.

Pero…

C.J.L.

MhireJed

Wake up today thinking of you, another night and I made my way through. So many dreams still left in my mind it could never come true… Nitong mga nakaraang araw malimit akong nagigising dahil sa kantang ‘yan. Hindi naman s’ya malakas ngunit hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit parang alarm clock s’ya na gumigising sa’kin. Sa tuwing sisilipin ko naman ang pinagmumulan ng kantang ‘yon tanging saradong pinto at maliit na awang ng bintana ang nakikita ko. Dati-rati tahimik ang umaga ng paupahang apartment naming ‘yon pero simula ng dumating ‘yong bagong umuupa doon eh nagbago na.

Ngayong gising na ako wala na akong balak na matulog pang muli. Makulit, maingay, pasaway at malukong tao, ganyan ako i-describe ng mga pinsan ko at mga borders namin. Syempre pa gwapo ako. Hindi na ‘yon bago dahil aminado naman ako doon. Ikaw ba naman ang anak ng dating modelo at beauty queen. Ako ang lalaking may pagkakahawig kay Chris Tiu at may boses na katulad naman ng kay Erik Santos, ‘yon nga ang malimit na mapansin sa’kin. Pero syempre ka ang isang Kervin Alex Logos ay may iba pang trademark na pagkakakilanlan tulad ng galing at hilig ko sa pagpinta. Hindi pagyayabang ‘yon dahil lahat ‘yon eh totoo.

Marami kaming pinauupahang bahay/apartment (at marami pang slash kung anong tawag doon) at isa ‘yon sa pinagkakakitaan ng pamilya namin. Halos lahat ng mga borders namin eh kilala at ka-close ko na maliban nga lang dun sa bagong border na katapat lang ng kwarto ko ang inuupahan. Minsan ko lang s’yang makita dahil most of the time nagkukulong lang ‘yon sa apartment n’ya. Minsan naman wala s’ya sa apartment. ‘Yon ngang iba naming borders kinakantyawan ako dahil hindi ko man lang daw ‘yon malapitan. Eh paano ka ba naman lalapit sa babaeng minsan mo na nga lang makita eh halata namang walang interes na makipag-usap. Sandra Acero, ‘yan ang pangalan n’ya na kay mama ko pa nalaman. S’ya na yata ang natatanging babaeng border namin na sa tuwing masisilayan ko eh palaging black na damit ang suot at halos black lahat na animo’y sa araw-araw na ginawa ni Papa God eh nagluluksa. Hindi man lang n’ya ako pinapansin na pakiramdam ko nakakabawas ng kompyansa sa sarili. Sa gwapo kong ito eh ini-snob n’ya lang ako. Tsk! Tsk! Hindi ko pa rin s’ya nakikitang ngumiti eh paano ko ba makikita eh minsan ko nga lang nga s’ya makita. Hindi lang naman ako ang nakakapansin noon pati mga borders  namin at syempre pati na rin si mama eh napapansin ‘yon. Minsan namang nagtama ang paningin namin at doon ko napansin sa mga mata n’ya na animo’y kay bigat ng kanyang dinadala, ‘yon bang punong-puno ng pinag-halo-halung emosyon. Parang pinaghalo-halung lungkot, pagkabigo, sakit, pait at iba pang nakakadurog ng puso—ganun ang pakiwari ko sa mga titig ng mata n’ya. Pinili ko s’yang ngitian pero walang nagbago sa reaksyon n’ya sa halip ibinaling n’ya ang tingin sa ibang direksyon.

Haist! Mababaliw talaga ako sa curiousity ko dahil sa animo’y misteryoso n’yang pagkatao. Kaya naman kapag wala akong pasok sa trabaho pinipili kong tumambay sa labas ng bahay namin at maniwala kayo sa edad kong twenty-five, nagawa ko pang magpapansin (kumbaga sa mga babae nagpapa-charming). Umaasang lalabas s’ya ng apartment, titingnan ako o mapapansin man lang, ngingitian at sasabihan ng ‘Kervin sobrang gwapo mo’ (hehehe ‘yong huli kahit hindi na n’ya gawin basta mapansin n’ya lang ako sapat na ‘yon) pero bigo ako. Akalain mo ‘yon walang binatbat ang kagwapuhan at kaingayan ko sa kanya (nakakasakit na s’ya ng damdamin huh, hehehe). Hindi ko napansin na sa ginagawa kong ‘yon eh hindi lang pala plain na curiousity ang ibig sabihin noon. Pakiramdam ko ito na ‘yong pinakahihintay ko. This handsome guy is starting to fall for that mysterious girl.

ONE SHOTS STORIES COLLECTION [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon