NERD!!!
That was how some describes me until I met her.
Ibang-iba s’ya sa ibig sabihin ng iba.
Hindi ko sinubukang pasukin ang mundo n’ya
pero hindi ko namamalayang napasok ko na pala ‘yon.
She changed me until something has changed between us.
It was a shocking revelation.
I don’t want to believe but it happened.
Pero sa kabila noon mahal ko s’ya.
Ako ba ang biktima o s’ya?
O mas tama bang itanong kung sino ang salarin?
C.J.L.
MhireJed
Manggagamit, tuso, walang sinisino, walang inuurungan, matalino sa ibang paraan at higit sa lahat walang kasing sama. Ganyan nilang i-describe si Alexis De Guzman o mas tamang sabihing si Lexi De Guzman—ang babaeng nagpatibok ng aking puso at gumulo sa nananahimik kong isipan. Kung tatanungin n’yo ako kung sumasang-ayon ako sa description na ‘yon mariing hindi ang isasagot ko dahil hindi ko s’ya ganun nakilala. O mas mabuting sabihing hindi n’ya ganun ipinakilala ang sarili n’ya sa akin. Pero ‘yong totoo talaga hindi naman s’ya masamang tao. Biktima lamang s’ya ng sitwasyon. Biktima din s’ya. At ako? Sabi nila biktima n’ya naman ako. Pero hindi ko sasabihing isa nga akong biktima dahil sa kanya natuto akong ipakita kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Ako nga pala si Daniel Arcos Jr., mabait at masunuring anak (sabi nila puppet ako nila mama at papa), matalino at malakas ang confident (pero pagdating kela mama at papa mahina ako), tahimik at seryosong tao na hindi marunong mag-enjoy. Ganan akong i-describe ng lahat ng mga kaibigan at kakilala ko. Pero nong makilala ko si Alexis nagbago ang description na ‘yon.
Third year college ako ng magkrus ang landas namin ni Alex. She became my classmates in two of my subjects—psychology and politics. Kapansin-pansin talaga s’ya dahil bukod sa hindi s’ya nakikinig eh malimit s’yang tulog o di kaya nama’y gising nga pero alam mong wala sa klase ang atensyon. Pero pagdating ng exams himalang pasa naman s’yang palagi. Malimit ko s’yang maging seatmate at malimit din s’yang manghiram ng ballpen na ginagamit n’ya para lang magvandal sa armchair ng inuupuan n’ya. She would always smile at me and would tap my back and say “Salamat huh. Sa lahat ng nerd na nakita ko ikaw 'yong pinakang cute.” Nakakapanuyo talaga s’ya ng lalamunan. Tapos kapag kasama ko s’ya nararamdaman ko na parang nakipaghabulan ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang ganda n’ya kasi at may mala-anghel na ngiti na nakakatunaw ng damdamin. Wala naman talaga dapat akong balak na pasukin ang mundo n’ya. Pero hindi ko inexpect na unti-unti ko na palang pinapasok ang mundo n’ya sa simpleng pagpapahiram ng ballpen sa kanya.
“Mr. Genius!” tawag sa’kin ni Alex habang dala ko ang tray ng pagkain na inorder ko. Pinaypayan n’ya ako at inalok na maki-share sa table n’ya. Instead of rejecting her offer, ewan ba kung bakit mas pinili kong tanggapin ‘yon. That was the first time I ate with her. And that first ay nasundan pa ng second at halos hindi mabilang na eating together and having fun together.
She’s full of stories about everything around her but not about her life. She would tell me about the state of the government at kung paano naging mas mahirap ang buhay ng mahihirap. Tapos ako makikinig lang and would nod or smile at some point. Natuto akong mag-cut ng class because of her at ang mas malala natuto akong magshift ng course. From business management I took up the course na talagang gusto ko ang Secondary Education. No one knows even my friends about me shifting a course except her. Dahil sa ginawa ko naging masaya ako. ‘Yong baduy kong porma nagbago dahil sa kanya. Tinuruan n’ya akong maging ako talaga. Natuto akong mangatwiran at magsinungaling tungkol sa mga bagay-bagay na alam kong ikakapahamak ko. Definitely she’s one of a kind. And definitely I fall for her in that instant. She makes me feel that I am so important, that I am loved, and that she needs me more than anything else in this world. Kaya naman nong nagdecide ako na lagpasan ang level namin bilang magkaibigan pumayag din s’ya. And that was the happiest moment of my life – to be her man.

BINABASA MO ANG
ONE SHOTS STORIES COLLECTION [Under Construction]
RomanceThis is the collection of my One Shot Stories... Feel Free to read , vote and comment... ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, record...