I love him.
I really do.
But he gave me up.
Why?
I don’t really know.
Sinubukan ko s’yang kalimutan.
I thought I have forgotten until we meet again.
He was my ex.
Then I met another.
Sino nga ba ang langit ng puso ko?
C.J.L.
“Ronave, we both need this, I’m asking for space.” That was his first line nong nagdecide s’yang makipagbreak sa’kin during their graduation ball and his congratulatory party. He couldn’t say the words break up kasi nangako s’yang hindi n’ya kailan man sasabihin ‘yon. Kaya nga para hindi na s’ya mahirapan ako na ang nagsabi noon na hindi n’ya tinutulan. Masakit, syempre kasi marami kaming pinangarap para sa isa’t isa. Marami rin kaming mga pangakong binitiwan na hindi na natupad pa. Sabi ng barkada ko nakipag-break s’ya kasi hindi daw s’ya karapat-dapat sa’kin kasi may kaya ang pamilya ko, matalino ako at maraming koneksyon ang pamilya. Kasalanan ko ba ‘yon? Tsaka uso pa ba ‘yon ngayon? But anyways, kung anumang tunay na dahilan kung bakit n’ya ko hiniwalayan noon eh hindi ko alam. Ang tanging alam ko humingi s’ya ng space at pinagbigyan ko naman. Sobrang mahal ko s’ya kaya ako pumayag. Pero sa kabila noon umasa akong muli kaming magkakabalikan pero hindi na s’ya muli pang nagparamdam hanggang sa maka-graduate na ako ng high school at magsimula ng mag-aral ng kolehiyo.
Ako nga pala si Ronave Bayanay Sanchez, isang sopistikadang babae na mula sa angkan ng mga Certified Public Accountant. Kaya naman target ko ring mapabilang doon. Ayoko namang maputol sa’kin ang bagay na iniingatan ng pamilya namin. Kailangang kasama din ako sa top 3 ng CPA passer. Target ko maging involve pa rin sa mga school activities katulad noong high school ako and I believe with my ability and capability magiging active pa rin ako dito sa University na pinapasukan ko. Dito sa University na ‘to pumapasok ang ex-boyfriend kong si Jovertson John Atienza through scholarship. Yup Jovertson John (JJ for short) ang pangalan ng lalaking labis na nagpaluha sa’kin. Kung itatanong n’yo kung nagkikita kami dito malaking OO ang isasagot ko sa inyo. ‘Yon nga lang he wouldn’t even smile at me. ‘Yong tipong parang wala man lang kaming pinagsamahan. But anyways dahil hindi n’ya ako pinapansin at dahil medyo nakapag-move on na rin naman ako sa kanya (echuz lang hehe) eh hinahayaan ko na lang ‘yon. Kaya kapag nagku-krus ang landas namin para na rin lang s’yang invisible na nilalagpasan ko (oh diba taray, nakiki-uso na ako sa kanya).
My freshmen life has been a success dahil naging aktibo pa rin ako sa mga Univesity Organizations. Napagsasabay ko naman ang studies ko at ang curricular ko. Masaya ako in all fairness at sapat na ‘yong ganun. Then a certain guy came into my life…Angelo De Lantar is his name. Junior student na rin s’yang katulad ni JJ. I don’t know but he’s so into me sabi ng mga kaibigan ko. Nagstart s’yang manggulo in my remaining two months as a freshmen student. Then nagpatuloy pa ‘yon hanggang sa maging Sophomore student na ‘ko. ‘Yon bang everytime na pwede n’ya kong guluhin eh manggugulo s’ya just to say how much he likes me. Nakakapanayo s’ya ng balahibo. Hindi dahil mukha s’yang ghost kundi dahil I just don’t like him confessing about his freaking feeling. Gwapo s’ya at hindi maikakaila ‘yon pero it such that parang awkward lang ‘yong feeling kapag andyan s’ya. I’m sure narinig na ni JJ ang balita tungkol dun sa panggugulo n’ya sa tahimik kong buhay. Minsan naiitanong ko sa sarili ko kung ano kayang nagiging reaksyon n’ya doon. Pero dahil nga alam kong wala naman s’yang pakialam sa’kin eh pinipigil ko na rin lang ang sarili kong umasang nagseselos din s’ya. Oopps… Ito ba ‘yong tinatawag na medyo nakakapagmove on? O ‘yong tipong nasasaktan pa rin sa tuwing maiisip na wala na s’yang pakialam sa’kin pero nagpipretend na wapakelz? Anyways, hindi naman kasi ganun kadaling makapagmove on pero sooner or later I’m pretty sure magiging used na rin ako sa ganitong life style.
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS STORIES COLLECTION [Under Construction]
DragosteThis is the collection of my One Shot Stories... Feel Free to read , vote and comment... ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, record...