A New Life

44 4 0
                                    

1.

Unang araw ngayon nang pasukan namin. Masaya ako nang makita ko ang aking malapit na kaibigan na si Leon.

"Huy! Musta ka na? Long time no see ah" ang masayang sabi ni Leon.

Matagal na din kaming magkaibigan ni Leon at kaibigan ko din siya last year kaya masaya ako dahil naging kaklase ko ulit siya.

"Ok lang naman ako ikaw kamusta kana?" masayang sabi ko sakanya. Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang bell.

"Tara na baka malate pa tayo!" Sabi niya sakin at bigla niyang kinapitan ang kamay ko at tumakbo kami patungo sa aming classroom.

Pag dating namin sa classroom ay dali dali kaming umupo at nag usap.

"Huy may kilala kaba dito?" Pabulong na sabi sakin ni Leon.

"Oo halos lahat dito kilala ko" pabulong na sagot ko.

Ako nga pala si Nathan, hindi ako gwapo at medyo matalino hindi rin ako mahilig mag pabida sa room lalo na pag maraming batos. Hindi rin ako mapayat at matyo sapagkat ako'y mataba at matangkad.

Sayang kung mapayat lang sana ako may jowa na sana ako. Hahaha Oo wala pa akong jowa kasi NGSB ako.

Pero marami na din akong nagustuhan na babae pero duwag ako eh. Pag aamin ako iniisip ko na pare parehas lang sila nang sagot sakin.

At isa pa sa mga rason ko ay ang kadahilanan na ako'y bata pa at masyadong pang bata para sa mga relationships.

"Huy! Kanina kapa dyan nakatulala!" Naiinis na sabi sakin ni Leon.

"Sorry may iniisip lang ako eh" nakangiting sabi ko.

Iimik na sana si Leon nang biglang may dalwang babaeng pumunta sa classroom namin. Ang ganda nila siguro mga transferee sila dito.

Dalisay Na KagandahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon