DEDICATION

96 2 0
                                    

As usual ay dine-dedicate ko itong book na 'to sa lahat ng mga gels na nakipag-flirt sa akin. Dun sa mga nakasama kong mag- coffee at naghanap ng magagawa matapos namin mag-coffee. Sa lahat ng mga sumampal sa akin at tinawag akong manyak. Sa lahat ng mga niloko ko at lumuko sa akin. Sa lahat ng mga bumasted sa akin at nagpasakit ng aking puso at puson. At dun sa lahat ng mga nagturo sa akin tungkol sa buhay at kung paano ma-survive ito. Salamat din sa lahat ng nagbibigay sa akin ng mga advices kahit na di ko naman sinusunod ang mga yun.

Sa lahat ng mga gels na inintindi ako – na kahit na ganito ako, minahal ako, binreak ako, minahal ako, binreak ako, minahal ko, binreak ako - parang pirated DVD lang ang dating paulit- ulit. Siyempre kasama na dun yung mga tunay na inalagaan ako at pinahirapan ako. At yung mga natakot at nag-backout sa mga invitations ko, heheh!

Dedicated din itong book na ito sa mga cute at sexy, dun sa mga with smooth, straight and silky hairs. Sa mga mahihilig magkagat labi, dun sa mga malalambot ang kamay, mga chinitas at tisays, mga sungki, sa may mga twang magsalita, sa mga magaganda at malalaki ang mga futures and behinds. Dun sa mga magagaling mag-kiss at di kiss and tell. Dun sa mga mahihigpit mag-hug. Dun sa 5 meters pa lang ang layo ay naamoy mo na ang bango niya. Sa mga naka- lingerie at bikini na napakagandang tingnan para sa ating mga nature lovers at active sa ating beautification drive. Yun lang, pero maliligo na kaya muna ko at umiinit na ang pakiramdam ko! Climate change!

Mother dear, dedicated ko din sa 'yo ito kahit di mo na nga talaga binasa yung last book ko. Wala lang, baka kasi mabasa mo ito. Sabihin ko lang sa 'yo na I love you very much at sa dami-dami ng puwede kong maging nanay ay ikaw ang naging nanay ko – no choice kasi... hahaha pero Ma, no regrets naman talaga. ☺

THE PANTI FACTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon