MY PET DOG

38 1 0
                                    


Nabanggit ko na sa inyo dati na mayroon akong alagang labrador. Chandra ang name nito. Nung nabili ko siya nung baby pa siya ay Chandra na ang name na nasa papers niya. Champion breed ang lahi nito. Ang nanay at tatay niya ay parehong nananalo sa mga international competition. Kaya si Chandra ay matalino at madalas ko siyang kausapin kahit na hindi naman siya sumasagot ng kahit kahol. Sabi kasi ng kanyang veterinarian at ang mga nababasa ko din sa mga pet books, dapat daw ay lagi natin kinakausap ang ating mga pets.

Jay: Chandra, alam mo ba yung nangyari sa Egypt?

Chandra: Pakainin mo na ko.

Jay: Nagkaroon dun ng parang People's Power.

Chandra: Gutom na ko.

Jay: Nag-resign yung kanilang leader. 

Chandra: Kailan mo kaya ako papakainin? 

Jay: Tapos Libya naman ngayon ang magulo.

Chandra: Yahoo! Ayan na kukuha na ata siya ng pagkain.

Jay: Buti na lang malayo tayo sa Libya noh?

Chandra: Tagal naman gutom na ko.

Ok din naman kausap si Chandra, bigyan mo lang ng pagkain makikinig na sa yo. Para din mga friends natin minsan, pakainin lang natin sa McDo, makikinig na sa mga kwento natin. Kaya ako si Chandra na lang kinakausap ko pag may problema ko. Tipid pa. Dog food lang ang katapat.



THE PANTI FACTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon