THE NEVER ENDING STORY WITH MELANIE

89 1 0
                                    

As promised dun sa last book ko, eto na naman ang aming never ending na sana nga ay mag –end na ito na kwento namin ni Ma'am. Parang ang sarap bumalik sa pagka-grade three kung si Melanie ang magiging teacher ko. Kahit half day lang sa umaga at half day lang sa hapon ang pasok mo, siguradong parang buong araw na pasok ang magiging pakiramdam mo. Basta ganun at okay na okay lang talaga kung buong araw kang nakatitig sa teacher na kamukha ni Melanie. Siguro lang ay lagi akong walang maiintindihan sa mga tinuturo niya dahil sa malamang ay lagi lamang akong magde-daydream sa kanya. Grade three pa lang so wala pang wet dreams, hehe!

Kaya malaking tulong din pala kung ang mga teachers natin ay magaganda sa ating paningin. Hindi tayo maiinip at tingin ng tingin sa oras at magtataka kung bakit napakabagal ng oras na tila nakalimutan ng mag bell. Imaginin niyo na lang na kung sexy at maganda ang mga teachers natin na katulad ni Melanie ay madaling araw pa lang ay nasa school na ko at hindi na ko kailangan pang marinig ang boses ng nanay ko na gumigising sa akin tuwing umaga.

Pero yun nga at mahirap pala din talagang magka girlfriend o manligaw ng isang teacher. Bukod sa di ko sila pwedeng i-date kung saan-saan ay napakataas din ng kanilang moral values. Yung tipong kung may gagawin kang kahalayan eh mag-e-excuse ka pa. Ganun talaga ang pakiramdam ko kay Melanie kung kaya kahit na pakitaan ko siya ng mga discount cards ko sa wallet ko ay di siya natitinag. Palagay ko nga ay di pa niya alam na may mga discounts sa mga lugar na gusto ko siyang pagdalhan, hehe!

So since ok lang naman daw sa kaniya na ikwento ko siya basta daw di ko sasabihin ang kaniyang real identity, eh talagang ikukwento ko dahil sa sayang naman kung ako lang ang kikiligin sa kanya. Kaya siguro napapadalas ang aking pag jingle tuwing magkasama kami ni Melanie. Nakakainis lang kasi talaga, parang feel ko kasi na wala akong panalo sa laban ko. Parang nakikipag Jack n Poy lang ako sa salamin. Wala talaga akong panalo. So read on na lang kayo mga dudes sa continuation ng aming kuwento.

As mentioned dun sa last book, matapos magka-boyfriend ni Melanie sa isang mas manyak sa akin, eh naging very much na good friends again kami ni Ma'am. Putragis kasing Eric yun, ang lakas ng loob na yayain sa motel si Melanie at unahan pa ko! Yun yun eh.. inunahan pa ko! Buti na lang mga dudes at di pumayag si Melanie di ba? Kung pumayag siyang sumama ay sa malamang na wala na kong ikukuwento sa inyo at wala na din akong pagpapantasyahan at wala na din kayong mababasa tungkol sa kanya. Sigurado kasi akong madi-disappoint kung malalaman kong hindi ako ang makakauna sa kanya. Imaginin ninyo naman na sa tagal-tagal na super tagal kong pagyayaya sa kanya ay iba pa pala ang makakauna. Di talaga ko papayag nun! First come, first served!

After kasi ng last kwento ko sa inyo ay naging constant textmate ko na naman siya. Ang saya kasi ng pakiramdam di ba pag yung crush mo ay lagi kang tine-text ng mga wala lang. Kahit nga tulog na ko o kaya ay nakapikit pa lang ang isang mata ko at nag text siya ay siguradong gigising ako para lang mag-text sa kanya ng "ZZZZZ". At kung kaya pa at di pa tuluyang bumagsak ang mata ko ay magte-text pa ko ng "gudnyt.. I love you!"

Pero yun lang at di naman ako umaasa na mag-text pa siya ng "I love you too!" So parang one way text lang talaga. Ok na din naman siguro yun at least may hint na si Melanie kung ano ang kahindik-hindik kong nararamdaman sa kanya.

Ikuwento ko na lang muna siguro sa inyo yung eksena namin nung Christmas season na kung saan nag spend kami ng mga konting kilig-kilig moments na sana ay kilig-kiligin din kayo ng kahit konti. Hehe!

Gaya ng dati ay nagsimula din ang lahat sa isang tawag ko sa kanya sa cellphone. Bihira ko siyang tawagan dahil sa pag kausap ko siya sa phone ay nagiging speechless ako at madalas niya tuloy i-hang up ang phone. Akala niya choppy-choppy ang signal.

Jay: Ma'am, seven days na lang Christmas na, baka pwedeng mag-date naman tayo para ma-feel ko na ang Christmas!

Melanie: Date? Why me? Wala ka na bang ibang mabola?

THE PANTI FACTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon