SA BAHAY NAMIN

36 1 0
                                    


Actually, tungkol lang sa kwarto ko ang aking istorya. Ok naman kasi ang aming bahay dahil sa pagpasok mo pa lang dun ay alam na alam mo na, na napaka-organize at napaka-malinis ang taste ng may-ari nito. Talagang napaka-ayos sa lahat ng bagay ng nanay ko. (Sana nga lang ay mabasa niya pa ito.) Kung baga sa labahin, hiwalay na hiwalay ang mga puti sa dekolor. Kung baga sa mga delata sa kitchen cabinet, me sariling lalagyanan ang mga Century tuna, corned beef at 555 sardines. Medyo magagalit nga ang nanay ko pag kumuha ko ng tubig sa ref at hindi ko naibalik ito. Ganun siya ka-organize. Hindi ka makaka-alis sa dining table namin na hindi magkatabi ang kutsara at tinidor pagkatapos mo kumain.

Sa loob naman ng kwarto ko, kabaligtaran ang makikita mo. Parang may magnanakaw na nakapasok sa loob at naghalungkat ng mga gamit ko. Swerte mo na kung maglakad ka sa loob nito na wala kang matatapakan na mga gamit ko. Ayokong-ayoko kasi na me nag- aayos o naglilinis ng kwarto ko. Kahit kasi nakakalat ang mga gamit ko ay alam ko kung saan ko ito kukunin pag kinailangan ko.

Sabi nga ng nanay ko parang ahas daw ako. Kung saan- saan ko kasi iniiwan ang mga pinaghubaran kong damit. Nilalabas ko lang ang mga marurumi kong damit pag napansin ko ng

konti na lang ang mga malilinis kong damit. At takot na takot nilang damputin ang nagkalat kong mga briefs, lalo na yung may guhit na brown sa gitna! Hehe!

So bakit ko nga ba kinukwento sa inyo ang itsura ng room ko? Kasi sabi nila ay makikita mo daw ang ugali ng isang tao kung ano ang itsura ng bahay nito. Ang linis ng bahay namin di ba? Wag ka lang papasok sa room ko.

THE PANTI FACTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon