READING IS FUN!

46 1 0
                                    

Nakakalungkot na malaman na pakonti na ng pakonti ang mga pinoy na nahihilig sa pagbabasa ng mga libro. Umattend kasi ako ng presscon ng NBDB, yung National Book Development Board tungkol dun sa kinumisyon nilang latest SWS survey na ang pinaka binabasa ng mga Pinoy ay mga romance at religious/inspirational books lang. Actually sa totoo lang ay di ko gaano maintindihan ang kanilang mga pinagsasabi dun sa kanilang presscon dahil sa medyo nakaka antok kasi ang mga data na pinapakita nila. Hindi lang naman ako ang nakatulog during the presscon. Siguro ay mga seven naman kami.

Sayang naman kasi di ba at madami naman mga libro na karapat-dapat na mabasa. Wag na natin pag-usapan ang mga Panti books kasi naman ay wala talagang social relevance kayong mapupulot dito pero sana naman ay napasaya kayo nito. Sa tingin ko kasi ay mali ang approach ng mga schools sa pagtuturo sa atin para ma appreciate natin ang book readings. Ang mga pinababasa sa ating mga books ay either boring o gagawin ka pang tanga.

Ang natatandaan ko kasi ang una kong binasa nuon ay ang:

"See Bantay! See Bantay Run! Run Bantay Run!"

Boring di ba? Eh kung ganito sana ang ginawa nila.

"See Bantay! Woowww! Look at that cute doggie!!! Azkal!!!!" "See Bantay Run! Whhooossshh That was fast!! Amazing! Oh!

Oh! Oh! Oh!"

"Run Bantay Run! C'mon Bantay! Run! They'll catch you up and cook you! Oh my God, they'll eat you! You can do it! Good dog!" Ahhhhhh!!!!

Oh di ba? Mas interesting basahin? Sayang at naumpisahan na natin ang pagiging boring. Kaya naman ang mga bata mas gusto pa nila manuod ngayon ng mga Cartoon Network at anime. Gusto nila makaranas makadinig ng mga "KABOOOMMM!!! AAIEEEEE!!!!! IMBA!!!!!!! TOMO!!!!!!.

Eh kung ginamit natin yung natutunan natin nung grade one tayo. Paano yun kung manliligaw ka.

Jay: See Alexa.

Alexa: See Alexa Run. 

Jay: See Alexa! See Alexa! 

Alexa: Run! Run!

Jay: See Alexa Run! 

Alexa: Run Alexa Run! 

Jay: OK! Good-bye!

Parang ang sagwa lang di ba? Isa pang nakakatamad basahin ay ang mga history book natin di ba? Di ko na ito binabasa lahat at tinatandaan ko na lang ang mga dates. Iyon lang lagi naman ang lumalabas sa mga exams palagi. Taon-taon naman, palagi lang panahon ni Magellan, yung mga Spaniards, yung mga Amerikano, yung mga Hapon, Independence day ang mga nababasa natin. Hayy.. time to move on! Iwan na yan mga history na yan at di na naman natin mababago yan! Uulit at uulit din yan! History repeats itself! Antayin na lang natin.

Pagdating naman natin sa subject na Literature, ano naman ang pinababasa sa atin? Mga nakakatamad at boring din basahin. Puro Shakespeare at kung anu-anung mga classic readings daw. Siguro ay di din naman binasa ng mga teachers natin yung mga books na ganun. Actually, kahit nga si Melanie na isang napakagaling na teacher ay inamin sa akin na di din daw siya ginaganahan na magbasa ng mga ganun. Marami pa din siguro silang mas kapani- pakinabang na gagawin sa mga buhay nila kesa intindihin nila ang mga ganitong mga bagay.

"From fairest creatures we desire increase, That thereby beauty's rose might never die. But as the riper should by time decease, His tender heir might bear his memory:"

Putragis! NOSEBLEED!! Wala akong maintindihan tapos pipilitin tayong intindihin at bibigyan ng mga meaning ang mga salita. Heheh, paano naman tayo gaganahan magbasa niyan.

Isa pa sa di ako ginanahan basahin ay ang ating mga lokal na nobela na dapat mong pag-aralan para lang makapasa ka ng high school. Yung "Ibong Adarna", "Florante at Laura", "El Fili" at "Noli". Wala tayong magagawa at dapat pag-aralan ito at di ko talaga maintindihan kung bakit. Buti na lang at may lumabas na mga comics version nito at di na ko nahirapan basahin ito from cover to cover. Pero in fairness maganda ang kuwento ni Padre Damaso. Naging idol ko siya noon!

Kung mapansin nyo ay madami din namang mga reader awareness program ang mga private sectors para ma-enganyo yung mga kabataan na magbasa. Meron mga read-along projects na kung saan ang mga artista ay magbabasa ng mga kwento para sa mga bata. Parang mali di ba? Para mo lang ine-encourage yung mga bata na makinig at di na magbasa. Pero sa mga kagaya natin na kahit ano eh babasahin kagaya nitong binabasa niyo ngayon. Bow ako sa inyo! Padamihin natin ang lahi natin! Wag mag family planning para dumami tayo! Mabuhay tayo!

THE PANTI FACTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon