THE BIG GULP

57 1 0
                                    


Kuwento ko lang sa inyo itong isang kuwentong medyo nakakahiya mang ikuwento pero sa dahil sa hindi nyo naman ako kaano-ano ay ikukuwento ko na din. Nagsimula ang lahat Papa Jack nung minsan akong pumunta ng Subic mag-isa upang tumingin ng mga second hand trucks na gagamitin sa aming kumpanya. Hindi tungkol sa mga trucks ang kwento ko. Hindi din tungkol sa Subic kung di tungkol lang ito nung pabalik na ko sa Manila.

Nag bus lang kasi ako kung nuon kung kaya't nagmamadali akong umuwi at bago ako sumakay ng bus ay bumili ako ng hotdog sandwich at isang Big Gulp Big Uhaw na Pepsi sa 7-11. Kaysa sa gabihin ako ay sa bus ko na lang planong kainin ang hotdog sandwhich. Pumwesto ako dun sa pinakalikod na bus para walang umistorbo sa pagkain ko ng delicious hotdog sandwich. Wala naman pala gaanung sakay yung bus kasi nga ay Tuesday nuon at alanganin ang oras. Mabilis kong naubos ang hotdog, mga sampung kagat lang. Inubos ko na din yung Big Gulp pero napakalaki pala ng size nito na parang isang litro na din ang laman. Nahirapan akong ubusin ito at nang naubos ko na ay medyo pumikit na ko sa bus. Sarap kasi matulog di ba lalo na kung busog ang tiyan mo.

Pero matapos ang 15 minutes ay nakaramdam ako ng jingle. Putragis kung bakit ko kasi pinilit ubusin yung Pepsi. Nasa gitna pa lang kami ng expressway kung kaya't alam kong hindi ako aabot sa stopover ng bus. At parang wala atang balak mag stop over ang bus kasi nga yung kundoktor eh natutulog na din.

Matapos ang another 15 minutes ay hindi ko na mapigil ang gustong jingle na lumabas sa akin. Nakita ko ang cup ng Big Gulp. Ang laki nito di ba? Naisip ko na kasya! Kaysa yung sa akin. Walang matatapon! Hehe!

Ayun at dahan dahan ko na ngang ibinaba ang zipper ng pantalon ko at tinakip ko yung Big Gulp sa harap ng pantalon ko. Sabay jingle! Ahhhhh... Ok lang! Ang laki kaya ng Big Gulp! Hindi kayang punuin ito ng jingle ko.

Matapos ang makilig-kilig na pagtatapos ng aking jingle ay inilagay ko dahan-dahan ang mainit-init na Big Gulp sa floor ng bus at dahan-dahan ko na din inayos ang pantalon ko. Safe Hehe! Naisakatuparan ko ang aking pagnanasa na maka-jingle ng matahimik at walang nakakakita. Kahit yung dalawang mag sweetheart sa harap ko ay walang nahalata.

Ok na sana ang lahat pero sa di inaasahang pangyayari ay biglang pumreno ng malakas ang bus! Putragis buti na lang at nakakapit ako at sarado na ang zipper ng pantalon ko!

Ang hindi ko inaasahan ay biglang tumumba din pala yung akong Big Gulp at tumapon ang laman nito.. pucha ang dami! Ang dami talagang tumapon! Yung Pepsi kanina ay naging parang Mountain Dew na! Hahaha! Kakahiya talaga sa mga pasahero na nasa harapan ko. Sigurado ko na naamoy nila ang mapanghe kong jingle Hehe! Yun lang ang kuwento. Patay malisya ko siyempre. Hindi ko nga alam kung kanino yung Big Gulp na yun eh. Moral of the story. Jumingle ka muna kung mahaba ang biyahe mo.

THE PANTI FACTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon