INTRODUCTION

71 2 0
                                    

Madami akong gustong sabihin dito. Madami pa talaga akong gustong pasalamatan bukod dun sa mga napasalamatan ko na sa previous books ko. Madami akong gustong iparating sa inyong mga readers. Pero tsaka na lang at sa Facebook na lang siguro at baka maubos lang ang pages nitong book. Medyo manipis lang kasi ang book na ito di ba? Pamphlet nga ang tawag nung isa sa Facebook kasi nga ay manipis daw ito. Dami din nagsasabi na naging cheap daw ang papel nitong book dahil sa parang newsprint na daw ang ginamit dito. Pero para sa information ng lahat ay imported nga itong papel na ginagamit namin ngayon. Ito daw ay kasing level ng papel ng Twilight books. Pansinin niyo naman minsan. Smell if there is any difference.

Salamat ulit sa mga nagme-message sa akin na nagustuhan nila yung mga previous books ko. Salamat din sa mga nagme-message sa akin ng mga kung anu-ano lang. Kahit anu-ano lang yon ay alam kong binigyan niyo ko ng pansin kahit seconds lang. Madalas ako sa Facebook pero di ko binubuksan yung chat mode dun kasi nga ay medyo mahirap mag-type kung sabay-sabay ang mga ka-chat mo. Isa lang kasi ang gamit kong kamay pag nagco-computer ako. So gusto ko man banggitin lahat ang mga names niyo ay wag na lang at sa dami nito ay siguradong may makakalimutan ako at baka magkatampuhan pa tayo.

Salamat dun sa mga nag-send ng mga materials para sa fillers nitong libro kasi nga ay madaming pinatanggal sa akin ang publisher. Madami kasi sa mga pinadala niyo ay di din pwede i-print dahil sa medyo bastos yung iba. Pero okay lang naman kung for private viewing lang kaya thanks na din. So yun mga dudes, dito ko ilalagay yung mga pinapadala niyong mga letters, pictures, jokes at yung mga kung ano-ano lang. Sana mag-enjoy kayo dahil sa nag-enjoy din naman ako dito kahit paano.

THE PANTI FACTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon