TINA.. AGAIN AND AGAIN

78 1 0
                                    


Siguro nga ay isa sa mga kuwentong inaabangan niyo ay kung ano ang nangyari sa amin ni Tina matapos ang aming makabagbag damdamin na ending nung last book. Siyempre nalungkot din naman ako ng mga ilang araw.

Pero ganun talaga minsan, dapat bitawan mo ang isang bagay para ito ay gumaan. Ewan ko lang ba at kung bakit binitawan ko na nga eh parang may nag-welding pa ng mga kamay ko at ayaw itong mahiwalay dun sa mga binitawan ko na.

Hindi na sinasagot ni Tina ang mga text at calls ko sa kanya pero naalala ko na meron pa palang paraan para ma-kontak ko siya sa Facebook. Alam kong madalas siyang mag Facebook kasi ang Wall niya ay laging may post ng mga horoscopes at kung ano-anung mga games tulad ng Farmville at Cityville. Di naman siya naka on-line parati sa chat kung kaya't naisip ko na lang na i-private message ko siya. Cut ang paste ko na lang yung aming conversation para may idea kayo kung ano ang aming naging usapan at para di kayo maguluhan sa susunod kong mga kuwento. Take note na mga isang linggo din bago natapos ang aming exchanges ng mga private messages dahil sa hindi magkatugma ang aming oras na naka-online.

Jay: Uy.. muzta na? ok ka lng? Reply ka naman.. miss na kita kahit galit ka. Sige na.. isang reply lang. pleeassseee.. di ka na nga reply sa text.. di ka pa reply sa call.. kahit isang k lang dito masaya na ko.

Tina: k

Jay: Hahaha.. talagang k lang? wala ng kasunod? Sira ba keypad mo? Sige hope all is well sa 'yo. Kamustahin mo naman ako.

Tina: musta ka?

Jay: Buong araw kong inaantay reply mo tapos yun lang ang message mo? Musta ka lang?

Tina: Yun lang talaga.. naiinis kasi ako sayo eh.

Jay: Tagal naman mawala ng galit mo. Bakit ka ba nagagalit? Ano bang kasalanan ko? Mag-isang buwan na nung huli tayong nagkita ah.

Tina: Ewan ko sa yo! Di ka kasi mag seryoso sa buhay mo! Pinaglalaruan mo lang ako.

Jay: Anu naman pinaglalaruan? Tara labas tayo.

Tina: Ayoko na please. Ayoko na mag coffee o mag dinner kasama ka.

Jay: I-treat kita ng frozen yogurt. Sarap yung sa Red Mango. Isinusulat ko nga yung name mo sa kamay ko pag kumakain ako nun.

Tina: Ba't naman?

Jay: Baka kasi makalimutan ko sa sobrang sarap! Heheh

Tina: Hayy, ewan ko sayo.

Jay: Sunduin kita dyan sa Friday huh around 8pm?

Tina: Ano ka ba? Ayoko na talaga!

Jay: Ok thanks! See you! 

Tina: Saturday na lang. 

Jay: Ok.


Ayun at buti na lang ay pumayag pa din si Tina na makipagkita sa akin. Sa palagay ko ay ayaw naman niya talagang makipagkita sa akin at baka gusto niya lang makatikim ng Froyo. Hehe! Sa Eastwood kami nagpunta para medyo may homecourt advantage ako dahil sa kabisado ko ang kasulok-sulukan ng bawat lugar dito.

Bumili nga kami ng Froyo at pinakita ko nga ang kamay ko kay Tina na may nakasulat na pangalan niya.

Tina: Ok ka din ah.. talagang sinulat mo yung pangalan ko. 

THE PANTI FACTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon