WWF -Philippines, Wrestling na Tayo!

45 1 0
                                    

Ayoko na sanang ikwento sa inyo ito at baka pagbintangan niyo na naman akong babaero. Kung mapansin niyo ay nili-limit ko na nga ang mga kwento ko tungkol sa kamanyakan at dinadamihan ko ang mga kwento makabuluhan naman sa ating buhay. Actually, ang hirap talagang sumulat ng kwento na masasabi mong nakapagpabago ito sa iyong buhay. Meron kasing mga pagkakataon na kailangan na yata nating kumilos para sa ating kapaligiran. Isa ang aking pamilya sa libo-libong naapektuhan nuong bumaha dulot ni Ondoy. Pero ano nga ba ang ginagawa ko para ma-prevent na ulit ang pangyayaring ito? Wala. Wala talaga eh.

Pero baka sakaling may magawa na ko ngayon sa tulong ni Rachel. At sino nga ba si Rachel?

Siya yung humarang sa akin nung minsan akong naglalakad sa CyberMall at hinahanap ang tindahan ng CD-R King para bumili ng external na hard disk para ma-preserve ko naman ang mga dinownload kong mga porno. Putragis at lampas na pala ng 500 Gig ang porno collection ko Hehe!

Siyempre pa at hindi ko naman papansinin si Rachel kung hindi may face at body value ito. Nakita ko lang kasi na may naka- pin na nameplate siya sa may dibdib kung kaya't nalaman kong Rachel ang name niya.

Rachel: Excuse me sir, Can I have a few minutes of your time? I'm from WWF Philippines.

Jay: Wow. Favorite ko nga yan WWF dati. Fan ako ni Triple H tsaka ni Shawn Michaels. Yung kanilang Suck it! Heheh Sama mo na din si Bret Hart.

Rachel: Uhm sir, WWE na ngayon yun. Kami po yung organization na tumutulong para sa conservation ng ating environment.

Jay: Kaya pala panda na yung logo niyo.

Rachel: Sir, si Chi-Chi po yan. Sir, can I have 10 minutes of your time? Usap lang po tayo tungkol sa WWF Philippines po.

Swerte na naman ang araw ko. Imbes na masayang lang ang oras ko eh gusto pang makipag-kwentuhan sa akin ni Rachel. Maganda si Rachel. Di naman stunning pero maputi, over puti. Naka-black siya ng damit, disenteng tingnan pero di ko mabistahan kung sexy kasi ay kagalang-galang nga siyang tingnan. Napansin ko lang na sa sobrang puti niya, same color na sila ng logo ng WWF na panda Hehe!

Jay: Sige, tutal wala din naman akong gagawin. Kuwentuhan mo na lang ako at baka makatulong pa ko sa environment natin. Pero wag mo na kong pupupuin huh. Mukhang konti lang naman ang tanda ko sa 'yo.

Rachel: Sige Sir, no problem. Ano nga pala name niyo?

Jay: Jay, just call me Jay.

Rachel: Sige sir Jay, upo po tayo dun sa table ko.

Jay: Uhm. Dyahe naman dito ang daming dumadaan. Treat na lang kaya kita sa Krispy Kreme at dun tayo sa loob mag-usap.

Rachel: Di pwede sir, walang magbabantay ng booth namin.

Jay: Eh wala naman mawawala dyan sa booth niyo. Sino ba naman ang magnanakaw niyang mga brochure niyo? Eh pinamimigay mo na nga ayaw pa nilang kunin. Hehe!

Rachel: Sir, may donation box kasi dun sa table. Baka po may magka-interest.

Madami kasing dumadaan talaga dun sa pwesto ni Rachel at sa kagustuhan kong mailibre siya ng donut ay kinausap ko yung sikyo na nakabantay malapit sa table niya at pinakiusapan ko na bantayan niya iyon habang nagde-date na kami ni Rachel Hehe! Buti naman at pumayag din si sikyo.

THE PANTI FACTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon