CHAPTER 1

2.4K 59 3
                                    

DP

"Donny, get ready! Lalabas ka na in a few minutes!" My handler said tsaka lumabas agad sa dressing room ko. Siguro ay may iba pa itong kailangan kausapin o asikasuhin.

Tumango lang ako sa kanya at lumabas na din ng dressing room. Sinalubong anaman ako agad ng mga kasama kong magpe-perform din ngayon. They're also my bestfriends.

Binunggo agad ako ni Turs na syang nauna sa paglapit sakin. "Hey Dude, party after this?"

Ayan si Turs. Kung party-goer ako, MAS ang isang yan. Napakababaero din at higit sa lahat, sya ang laging nauuna mag aya samin sa mga gimik.

"Seriously, Turs? Di pa nga nag uumpisa yung performance ng isa satin, yan agad ang bungad." Iñigo said na busy sa kaka-ayos ng kwelyo ng suot nyang polo. Ito naman si Iñigo ang pinaka matino, well, medyo. And it is because may girlfriend sya. And that's Maris. Pero never pa nya napakilala samin yang girlfriend nya. Ewan ko ba dyan. Lagi nya lang dinadahilan na kinakahiya nya kami at natatakot na baka ibreak sya ng girlfriend nya. Tss.

I smirked. "Sure! Later our performance here. You guys know the drill.." saglit na nagkatinginan ang mga kaibigan ko tsaka natawa na lang din ng nakakaloko dahil alam na nila ang dapat gawin. "Tatakas tayo."

"May alam akong bagong bar. Maganda daw dun. Try natin! And ofcourse, your treat, Donny!" Robi said tsaka naunang umalis ng mabilis sa harap ko dahilan para di na ko maka alma pa.

Sakto namang nadinig ko na tinatawag na naman ako ng handler ko. "Donny! Ikaw na next!"

"..Donny Pangilinan!"

Pakilala sakin ng Host sa event na yun. Pagkalabas ko pa lang mula backstage ay isang napakalakas na hiyawan agad ang bumungad sakin. Sari saring boses at komento din ang naririnig ko mula sa kanila. Natatanaw ko mula sa stage kung nasaan ako ang mga naglalakihang tarpaulin na may pictures ko.

"I can't get enough
This feelings all we got
Please don't give this up
Cause girl you're all I got~"

Pagsimula ko sa kanta ko. I actually wrote the majority lines in this song. This is for my girl. Oh no, scratch that. This is for a girl that I love for so many years. But I don't understand why I can't even talk to her. Hindi ko sya malapitan. Babaero ako pero napaka torpe ko pagdating sa kanya. Si Iñigo lang ang nakakaalam nito. I can get all things I want, except sa kanya.

"When you're not around me you just lose my mind
Infatuated by you, yeah, this ain't no lie
When I see your face my heart goes like my mind
Cause babe you're all mine, yeah you're mine~"

Yes, I badly want her to be mine. But what can I do? When it comes to her, natotorpe ako. She's so gorgeous plus her attitude, the aura and any qualities that every guy wants their girl to have.

"Different kind of love
That's what it is yeah
Think I'm conflicted
I just can't get enough
Losing my senses
That's your effect babe~"

Sa dami ng babaeng nasa harap ko ngayon, sigurado akong lahat sila ay willing maging akin. Pero yung mismong gusto ko ay ayun, ni hindi ko malapitan. Tsk.

Ilang minuto pa at tinapos ko na ang kanta. Nagsalita lang ako saglit, nagpasalamat sa fans at mabilis na umalis sa stage. Nang makita ko ang barkada, nagkatinginan lang kami. Alam na namin ang dapat gawin. It's time to: TAKAS!

SSP

"Oh hellooooo, baby! Your gorgeous ninang is already here!" Dinig kong bati ni Maris sa anak kong nananahimik sa crib nito.

Perfect Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon