Parang ayaw pa lumabas ni Sharlene mula sa kotse ni Maris at kung pwede lang ay tumakbo na lang sya palayo.
Parang gusto ko ng magback out ah! Sabi nito sa isip nya.
“Hoy Sharleng, baka naman gusto mo na lumabas sa kotse ko?” nakataas ang kilay na tanong ni Maris sa kanya.
We're currently here at a condominium where Donny is staying.
“Gusto mo ba samahan na kita?”
“No! No, I'm fine. We're fine, Maris. Kaya ko na 'to. May work ka pa diba?” maagap nitong sagot sa kaibigan. Ayaw na kasi nitong dumagdag pa sa pagkakabusyhan nito ngayong araw.
“Okay lang naman yun, Shar ano ka ba. Anything for you and my inaanak!”
Umiling lang ito saka nya nginitian. “Okay lang talaga. Kaya ko na to. Kailangan mo magtrabaho, bruha ka! Pano na future nyo ng jowa mo?” natatawa nitong sabi
“Hay naku! May jowa pa pala ako? Sorry ah. Di ko kasi feel.” and Maris rolled her eyes.
Napailing naman ito sa inasta ng kaibigan. “nag jowa ka ng sikat na singer e. Panindigan mo yan!”
“So kasalanan ko pa? Hmp! Sige na nga, bumaba ka na ng kotse ko!” pagtataboy sa kanila nito.
Natatawa lang syang bumaba sa kotse ni Maris habang ito naman ay inabot ng maayos sa kanya ang isang baby bag na naglalaman lang ng diaper, gatas at iba pang gamit ng anak nya na para lang sa araw na iyon.
“Yung inaanak ko ah! Baka madulas ka sa paglalakad. Medyo shunga ka pa naman. Ano oras kayo uuwi? Tawagan mo ko para masundo ko kayo agad! Kapag nagkaproblema, tawagan mo din ako agad. Ako dapat una mo tatawagan ah? Magsabi ka sakin kapag may di ka nagustuhang ginawa sayo ng lalak—”
“Oh, shut up Maris! Nakakahiya ka. You're so loud!” at napansin nga nitong medyo nakatingin na sa kanila ang ibang tao na nandun din malapit sa pwesto nila.
“Sus! Okay lang, konti lang naman sila e.”
“siraulo! Sige na, papasok na ko sa loob.” nakangiti nyang paalam sa kaibigan at saka kinakabahang pumasok na.
Dumiretso naman agad sya sa front desk para itanong kung saan ang kay Donny Pangilinan. At first, mukhang nagdalawang isip pa ang babaeng kausap nito. Pero nagawa din nya itong mapilit at mapaniwala na napakahalaga ng pakay nito kay Donny. Which is partly true. Importante pa to sa career nya no! Anak nya 'to!
Agad syang nag tungo sa condo unit ni Donny. Sana nandito yung lalaking 'yon!
Akmang kakatok pa lang ay bigla namang bumukas ang pinto ng unit at agad na bumungad sa kanya ang lalaking syang pakay nya ng pagpunta doon. At mukhang lalabas lang ito saglit dahil hindi naman sya naka ayos ng husto.
Taka itong tumingin sa kanya at kabuuan nya. “Hey ahh.. Ms?.. Mrs—”
“Donny Pangilinan.”
“Y-yeah?”
“We need to talk.”
Mukhang nagulat ito dahil sa sobrang seryoso na pagkasabi ni Sharlene pero agad ding nakabawi habang ang dalaga naman ay walamg paki sa kung anong iisipin nito sa kanya. Basta ang mahalaga sa kanya ay mapag usapan nila ang anak ora mismo.
“We're already talking. What do you need?” seryoso din nitong sagot sa kanya.
Gosh, ganito ba ang ugali ng isang sikat na celebrity na dahilan ng kaharutan ng mga kabataan ngayon? Inis na sabi ni Sharlene sa isip nito.
Tinaasan nya ito ng kilay. “Hindi mo man lang ba muna kami papapasukin ng anak mo?”
Nanlaki naman ang mata ng binata sa narinig nito.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake
Romance"What happened between us that night was a mistake. But of all my mistakes, that's the only one I would gladly accept in my life. Our perfect mistake." - Donny to Sharlene