CHAPTER 3

1K 43 2
                                    

"So, what now?" tanong ni Donny kay Sharlene na syang kaharap nya ngayon. Nasa kusina sila ngayon, nakaupo ng magkaharap habang sumisimsim ng kape si Sharlene.

Certified coffee lover kasi ito at saktong hindi sya nakapag coffee kaninang umaga at dahil sa likas na makapal ang mukha, humingi sya ng coffee kay Donny at sinabing ang bastos nito para di alukin ang bisita.

The nerve of this girl.. inis na sambit ni Donny sa utak.

Nilapag ng dahan dahan ni Sharlene ang baso at saka ito tumikhim. "Actually, I just went here because of my bestfriend. Ayaw nyang tigilan ang pambubulabog at pamemeste sakin hanggat di ko to gagawin. So yeah, that's why we're here. I just want to inform you that you have a child. a son."

"You know what, I can't still believe. At ayoko talagang maniwala." napapailing kong sabi

Huminga sya ng malalim. "Remember when you attend a party Last- oh, I bet you don't. Laman ka nga pala ng mga parties so it's impossible na matandaan mo pa yun."

Napasimangot ito sa sinabi nya. Hindi ito sumagot at hinayaan lang na magsalita ulit ang dalaga.

"Basta, we met in a party. We're both drunk and then ayun na. Nagawa na natin si Dwayne."

"So you're a party goer too?" nakataas ang kilay na tanong ni Donny.

Tumango naman si Sharlene bago magsalita ulit. "Yeah.. kinda."

"So there's a possibility that I'm not his Father."

Mabilis namang tinignan sya ng masama ni Sharlene dahil sa sinagot nito. Pabagsak nyang nilapag ang dalawang kamay sa table na kinagulat ni Donny at nakatayo na din ito mula sa pagkakaupo kanina. Kung nakamamatay ang tingin ay pwede ng paglamayan ang binata ngayon.

"Sinasabi mo bang may iba pa kong lalaki na naka sex??" galit nitong sabi at dinuro pa ang binata. "Hoy Donny Pangilinan! May hiya pa kong natitira sa katawan para dalhin ang anak ko dito at ipakilala sayo kung may iba pa kong lalaki! And for your information, maganda lang ako pero di ako tulad ng ibang babae na kung kani-kankno tumatabi! I'm just a party goer but I never let any man touch me. Ikaw pa lang! And it's because I accidentally got drunk so much! Kung hindi ako nalasing masyado, walang mangyayari satin so don't you dare tell me na iba ang ama ng anak ko."

Opss.. I think I offended her. Donny thought to himself

Mabilis na tumalikod sa kanya si Sharlene papuntang sala at kinuha ang baby bag na bitbit nya kanina. "You know what, thank you na lang sa pagpapatuloy samin. Okay lang naman kung di mo matanggap si Dwayne. Hindi nya kailangan ng walang kwentang ama na katulad mo!"

"Hey, wait! I'm sorry. Sharlene, I'm sorry okay? I didn't mean to offend you!" pagpigil nya dito na ngayon ay hawak na ang braso ni Sharlene

"Bwiset ka!"

"Okay, bwiset na ako. Please calm down. Mag usap tayo ulit." pagpapahinahon nito dito.

Huminga naman ng malalim si Sharlene para pakalmahin ang sarili nito.

"Kainis. Pasalamat ka sa kaibigan ko kaya nandito kami. Kinaya ko namang mag isa sa 9 months na pagbubuntis ko pati na ang 9 months matapos ko maipanganak si Dwayne eh. Kinaya ko yun ng wala ka."

He doesn't know why but he felt a pang of pain in his chest dahil sa mga salitang binitawan ni Sharlene sa kanya. It is not just a pain. There's a guilt. Hindi pa man nya napapatunayan talaga na kung sya talaga ang ama ni Dwayne ay pakiramdam nya napaka walang kwenta nya na agad. Siguro ay baka lalo sya manlumo kapag napatunayang sya ang ang ama ng bata.

Bumuntong hininga sya at umupo sila sa sala saka sinimulan ulit ang usapan.

"So, anong gusto mo mangyari?" tanong nya dito at tinaasan naman ito ng kilay ni Sharlene.

Perfect Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon