CHAPTER 6

1K 46 5
                                    

SHARLENE

NASA stage ako ngayon sa isang restobar, kasalukuyang nagpe-perform sa harap ng mga taong nandito.

Mabuti na lang close ko si bakla na manager dito at pinayagan ako kahit minsan lang magperform. Hindi ko din naman kasi maiwan iwan ang anak ko. Nakakahiya kay Maris naman din kung lagi ko syang bubulabugin.

Looks like we made it
Look how far we've come my baby
We mighta took the long way
We knew we'd get there someday ~

Nakapikit pa ako ngayong binibigkas ang bawat linya ng kanta. Nakakamiss! Parang dati lang halos araw araw pa ako nagpe-perform. Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat.

They said "I bet they'll never make it"
But just look at us holding on
We're still together still going strong

But I don't regret what happened between Donny and I, and I'm not saying too that I want it. I never thought giving birth to my son will change everything. He changed my life in an instant. He makes me feel so happy that I never thought I would feel. Yung happiness na kahit sarili kong pamilya ay di kayang ibigay sakin.

You're still the one I run to
The on that I belong to
You're still the one I want for life
(You're still the one)
You're still the one I love
The only one I dream of
You're still the one I kiss good night

Kaya I will do everything just for my son. Kahit pa iyon ay ang makipaglapit sa ama nya.

I stopped myself from rolling my eyes because of the thought na ako pa ang makikipaglapit kay Donny. I do know him, matagal na. He have this image na dapat tularan ng mga kabataan but hell! They don't know the real him. Glad that I do. He's a jerk. A real jerk. A handsome jerk. When we're in highschool, he used to bully me sometimes. Lagi nya ko tinatawag na tomboy because I'm a bit boyish back then.

Ang sarap lang tadyakan ng itlog nya.

Tapang tapang sakin ang payatot naman. Hmp.

Im so glad we made it
Look how far we've come my baby

Tinapos ko na ang kanta at agad na bumaba sa stage kahit di pa sila tapos magpalakpakan. Hinanap agad ng mga mata ko ang bakla kong kaibigan. Gusto ko na kasi magpaalam at umuwi na agad. Miss ko na anak ko.

Nang makapagpaalam ay agad akong lumabas ng venue. Nagulat ako ng biglang may umakbay sakin. At dahil nga di ko yon inaasahan, napilipit ko ang kamay ng mismong may ari 'non. Defense mechanism.

"Ouch, what the fuck?! Bitaw!"

I was shocked to hear that voice.

"Donny? Gago ka tinakot mo 'ko!"

"And you hurt me. Ganyan ba talaga kayong magkaibigan? Mga mapanakit."

"It's your fault!"

"At ako pa talaga ah?"

"Natural! That's my defense mechanism because you scared the hell out of me!"

"Whatever."

"Ano ba kasi ginagawa mo dito? And what's with that.. look?" Naka cap and mask kasi sya ngayon

"Disguise. Para di makilala. Let's go!" He said and hold my hand saka ako hinila

"Hoy! Makahila ka naman. At teka nga, anong let's go?"

"I want to see my son. Kaya sasabay ako sayo umuwi. Tara na sa kotse."

I rolled my eyes. Makautos naman tong kupal na 'to.

Sumakay ako sa kotse nya at tinuro ang daan pauwi sa bahay pero bago kami dumiretso ay dumaan muna kami sa mini stop. Bumili sya ng pagkain at iilang stocks kahit na sinabi ko naman na may maluluto pa naman ako doon sa bahay. Puro lang naman din kasi cup noodles and mabibili don. Sira talaga 'to. Balak yata kami purgahin sa noodles.

Nang makarating sa bahay ay naabutan ko si Maris na mukhang haggard habang buhat buhat ang tuwang tuwa na anak ko. Hindi ko tuloy mapigilan matawa sa itsura nya lalo na ng agad syang lumapit sakin at kunwareng humahagulhol.

"Sharleeeeennnngggg! Hindi na kinaya ng powers ko si baby Dwayne. Ang haggard ko na! Nakakaiyak talagaaaaaaa! Napakaligalig na nya bakit ganon? Tignan mo! Tignan mo kung gano—uy, hi Donny!"

Tinawanan ko naman sya ng malakas. "Kung gsno ka kapangit? Sus. Nahiya ka pa tapusin." Tinuon ko naman ang pansin ko kay Donny. "Sige na. Makipaglaro ka na sa kanya."

Tumango naman sya and whispered thank you to me saka tumango din kay Maris at lumapit na kay Dwayne na halata namang natuwa lalo ng makita si Donny dahil gumapang agad palapit dito.

"Wow, lumelevel up kayo ah! Nadadala mo na sya dito. Yiee." Pang asar ni Maris habang kinikiliti pa ang tagiliran ko

Pinanlakihan ko naman sya ng mata. "Manahimik ka nga! Sya ang kusa sumama. Ayusin mo sarili mo, ang haggard mo masyado."

"Oo na alam ko! Hmp!"

Maya maya pa ay nagpaalam na din naman si Maris na uuwi na dahil may mga aasikasuhin pa daw sya. May ibaot pa sya sakin kanina na condom para daw proteksyon pero binato ko na yun pabalik sa kanya. Gaga talaga. May dala dala talaga yun lagi na condom. Pampaswerte daw sa wallet nya. Hindi sa kanya.

Dahil wala akong magawa sa kadahilanang hindi ko na kailangan magluto nang bumili kami bago umuwi, umupo na lang ako sa may kahabaang sofa at nag open sa mga social media accounts ko.

May mga iilan akong nakikita sa nga friends and mutuals ko na posts about Donny. How they love and adore him, and how they wanted to know him personally etc., Yung iba gusto pa sya jowain. If you guys only knew..

"M-ma" bigkas ng anak ko habang tatawa tawa pa at nakakapit sa binti ko.

Natuwa naman ako sa ka cute-an ng anak ko kaya binuhat ko sya at inupo sa lap ko. Nasa sahig kasi sila ni donny kanina naglalaro. Tumabi naman si donny sa tabi ko.

"Ano? Pagod na baby namin? Hmm?" Malambing kong tanong sa naka ko as if nakakaintindi na talaga ito ng lahat ng sinasabi ko. "pinagod ka ni daddy?" 

Humikab naman ito at sinandal ang ulo sa dibdib ko habang mapungay na ang mga mata

Narinig ko ang mahinang tawa ni donny sa tabi ko. "Pinagod mo masyado." Bulong ko sa kanya habang hinahaplos ang likod ng anak ko.

He shrugged. "Tuwang tuwa e. Malikot na din kasi."

Dahil tulog na si dwayne ay tinulungan ako ni donny palitan ng damit ang anak namin at saka sabay na kumain bago sya magpaalam na umuwi na. Ako naman ay naglinis na din ng sarili saka natulog.

Kinabukasan ay nagising ako pati na ang anak ko sa tunog ng phone ko. Ang aga aga naman nito mambulabog. Mabuti na lang at di si dwayne katulad ng ibang baby na kapag naaalimpungatan ay umiiyak. Bumabalik lang ulit ito sa pagtulog o kaya naman ay maglalaro mag isa at gigisingin ako.

"Hello." Sagot ko sa caller na di ko kilala dahil di ko tinignan at basta lang sinagot.

"GIRL, SHIT! GUMISING KA NA! MAG OPEN KA NG TWITTER MO O KAYA KAHIT ANONG SOCIAL MEDIA ACCOUNT MO BILIS!" nagulat naman ako sa sigaw ni Maris. Ano ba naman to. Tsk

"Bakit ba?" Irita kong tanong

"BASTA! BILISAN MO! BASAHIN MO LATEST ARTICLE ABOUT DONNY!"

"Oo na ito na."

Napilitan ako mag online ng dahil sa pangungulit ni Maris at ganun na lang ang gulat ko ng mabasa ang pinaka headline pa lamang ng article.

Fuck! This can't be.. this can't be!!!!

Perfect Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon