SSP
Nandito sila Maris at Iñigo sa bahay ko ngayon. Kausap ko din si Donny through call na walang humpay sa mga habilin nya.
"Lock the door. Pati bintana nyo. Walang lalabas."
"I know, Donny! I know what to do. Tsaka nandito naman sila Maris at Iñigo para samahan ako. Anyway, may lead ka na ba pano nila nalaman?"
I heard him sighed. "Wala pa. Pupuntahan ko kayo dyan mamaya."
Nagpaalam na sya saka pinatay ang tawag. Ako naman ay namomroblemang naupo na lang sa sofa.
Naramdamn kong tumabi sakin si Maris. "Paano na yan, Shar? Nakakainis naman kasi sino bang mga tsismosa na nakabisto sainyo! Gusto mo sa bahay ka muna?"
"Hindi na Maris. Baka madamay ka din dito."
"I think nalagay ko na sa kotse ko lahat. Let's go, dun na muna tayo sa condo ko. Kailangan na natin makaalis dito bago pa may mga reporters na pumunta dito." Sabi ni Iñigo na agad namin sinunod.
I send a message to donny na dun na sya dumiretso sa condo ni Iñigo mamaya.
Nang makarating ay mabilis kaming pumasok sa unit ni Iñigo. Mabuti na lang at tahimik lang si Dwayne at nakikisama.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Kainis! Dapat pala nag doble ingat pa ako!
I received a call na nagdala ng matinding takot sa sistema ko.
"Sharleng, are you okay? You look pale. Nahihilo ka ba? May masakit ba sayo?" Maris immediately asked ng makita ang itsura ko.
"Ano bang nararamdaman mo, Shar? I'll get you a medicine." Sabi naman ni Iñigo na karga ang anak ko at nililibang ito.
Umiling naman ako sa dalawa. "No thanks, guys. I'm fine. Sagutin ko lang 'to."
Pumunta ako sa terrace para makalayo din sa dalawa.
"Have you seen the news? It's going viral, Sharlene!" Agad na dinig kong pagalit na sabi sa kabilang linya
Huminga ako ng malalim at di pinahalata ang takot. "Yes, I already knew. So what? May paki ka ba?"
"Sharlene for goodness sake! Your identity is already revealed to the media! Ano ba tong gulong pinasok mo? Matapos mo kami pagtaguan ng one and half year, bigla namin 'to mababalitaan? Umuwi ka dito ngayon na at dalhin mo ang anak mo."
"No! Hinding hindi mo ako mapapauwi. I can handle myself as well as my baby, mom."
Tumawa ito ng mapakla. "Really? Nagmamalaki ka na ba? May ipagmamalaki ka na ba? Ito ba yung Donny Pangilinan na nakabuntis sayo? Look. Nagawan nya ba agad ng paraan?"
"Magagawan ko ng paraan to mag isa. Nakaya ko na ng wala kayo kaya kakayanin ko to ng wala kayo." Nagtitimpi kong sabi at saka pinatay ang tawag.
Napamassage na lang ako sa noo ko dahil sa pamomroblema.
Paano ko to malulusutan ngayon?
"SHARLENG, NANDITO NA SI DONNY!"
I don't know why the moment I heard that he's already here, I wanted to cry. I'm actually crying na nang makalapit kay Donny at wala sa sariling nayakap ito habang umiiyak.
"Hon, dun muna tayo sa kitchen? I'll cook. Dalhin mo si Dwayne. Samahan nyo ko." I heard Iñigo said. I know he just want us to have time na makapag usap ng kami lang.
This situation is stressing me out big time!
"Hush, Sharlene. I'm here. Stop crying." Mahinahon nitong sabi habang yakap din ako
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake
Romansa"What happened between us that night was a mistake. But of all my mistakes, that's the only one I would gladly accept in my life. Our perfect mistake." - Donny to Sharlene