The Pangilinan Family except Solana with Sharlene was gathered in the living room, sa kautusan na din ng mga magulang ni Donny. Kalmado silang lahat na nakaupo at nakaharap sa isa't isa.
"So, what are we going to talk about?" Benjamin asked and broke the silence
Ella nodded, "Oo nga, mom and dad. Kailangan ba talaga kami dito?" She asked at sandaling sumulyap ng nakangiti kay Donny at Sharlene na magkatabing nakaupo sa isang may di kahabaang sofa at agad ding binalik ang tingin sa mga magulang. "Kasi parang yung dalawa lang naman ang kailangan nyong kausapin."
"I know right, ate." Natatawang pag sang ayon ni Hannah na may mapang asar ding tingin sa dalawa
Bahagyang napangiti ang padre de pamilya ng mga Pangilinan at tumikhim. "Actually, you're right Hannah and Ella. Tungkol naman sa kay Sharlene at Donny ang pag uusapan natin. But I still want you guys here," he said at tinignan ang tatlong magkakapatid, "because we'll be needing your help."
Nanatiling tahimik ang dalawa habang nakikinig sa pinag uusapan at magiging usapan nila sa mga oras na iyon.
Kumunot ang noo ni Hannah sa nadinig, "help for what?"
Sandaling nagkatinginan ang mga magulang nila sa isa't isa saka nakangiting tumingin sa kanila.
"About Donny and Sharlene's wedding." Sabay nilang sinabi na nakangiti at para bang isa lang iyong bagay na napaka daling gawin at walang magiging epekto sa buhay ng dalawa.
Nakakabinging katahimikan ang namayani ng ilang minuto sa pagitan naming lahat dahil sa sinabi ni tita.
Kasal? namin ni Donny? Teka lang, seryoso? Bakit biglaan? Bakit nakapag decide na di man lang ako tinatanong kung gusto ko? Not that I don't want to marry him, tho. Hays
Isang malakas na tili ni Hannah ang bumasag sa katahimikan na namayani sa aming lahat kanina. Agad naman syang pinatahimik ni ate Ella na halata din ang sobrang pagpipigil na makitili kay Hannah dahil sa tuwa or maybe sa excitement.
"Hannah, you crazy! Dwayne and Solana are already sleeping!" Pag saway nito kay Hannah na nanahimik naman pero naglilikot na at may di mawala ang napakalaking ngiti sa labi
"I'm sorry, I'm sorry!" She apologized, "Oh my god, I'm super duper excited! Wait, I'll go get some water to drink lang ah." At agad na syang tumakbo papuntang kusina
"Ate Hannah looks more excited than ate Shar and Kuya Donny." Naiiling na sabi ni Benj habang natatawa sa inakto ng ate nya
I looked at them. Tita and Tito are smiling like Benj, ate Ella looks so happy too like Hannah.
Ako din, masaya ako. Pero kinakabahan ako.
Naramdaman kong may kamay na pumatong sa kamay kong nasa kandungan ko ngayon. I don't have to look at him, alam ko na ang ipinahihiwatig nya.
"Are you okay? Promise, I don't have an idea too na ito ang pag uusapan natin ngayon." Maingat nitong sabi ng pabulong sakin, "If you don't want, pwede ka namang magsabi. I'll support you."
Agad akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi nya. "No! I mean, di naman sa ayaw ko."
"You aren't ready?"
Di ako makasagot sa kanya dahil maski ako, hindi ko alam kung ano ba talagang pumipigil sakin. Ang dami kasi eh. Napakaraming rason sa isip ko na pwede kong i-consider para masabing hindi pwede, hindi pa ko pwedeng ikasal sa kanya.
Nandyan na si Dwayne, bakit pa ba ako nagdadalawang isip? Dahil ba sa company? Dahil kay mom? Dahil baka lalo ko lang masira career ni Donny? Dahil hindi ko naman sya mahal? Baka lahat..
I looked at him at saktong sa mga mata nito ako natuon. I can see such emotions like sadness, disappointment, at tila umaasang sasagot ako ng hindi sa tanong nya pero pilit nya iyong di pinahahalata dahil nakangiti sya sakin na parang sinasabing okay lang iyon, okay lang sya, okay lang sa kanya kung tatanggi ako.
Akmang magsasalita ako nang madinig ko ang pangalan ko.
"Sharlene, hija?" Tita Maricel asked
Napalingon naman ako agad sa ina ni Donny na tumawag ng aking pangalan. "Y-yes, tita? i mean, m-ma."
"You don't look happy. More like you're shocked and.. worried?" Maingat nitong sabi sa napansin nito sakin. Ako naman ay nagulat sa sinabi nya. "Is there any problem, hija?"
Nakita kong napatingin na din sina tito, Benj, Hannah at ate Ella. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ngingiwi sa uri ng pagtingin nila sakin ngayon.
"Ahh—"
"Ate Sharlene, don't you wanna marry my kuya?" There's a hint of disappointment on Hannah's voice as she carefully asked me that question.
My eyes widened at marahas na pag iling ang ginawa ko para maipakitang di iyon ang ibig sabihin ng reaction na nakita nila sa akin.
"No, i-its not like that." maingat at dahan dahan kong sagot. hindi ko maiwasan ang mailang dahil sa uri ng titig ng mga matang nakapukol sa akin ngayon.
Donny's dad cleared his throat dahilan upang mawala sa akin ang buong atensyon nila. bahagya akong nakahinga ng maluwag ngunit ramdam na ramdam ko pa din ang tensyon sa sistema ko. i can feel Donny's stare too at natatakot akong salubungin iyon dahil ayokong makita ang emosyon na possibleng makita sa mga mata nya. like disappointment
"hija" pagtawag nito sa atensyon ko. agad akong napatingin dito at seryoso itong nakatingin sakin na hindi naman nakakatakot.
"y-yes po?"
he smiled, "I do understand your reaction." he smile more and slighlty nodding his head like he's assuring me that it's fine to speak for myself. "we are sorry for making decision without your consent and knowledge. kayo lang din naman ang iniisip namin, and we just thought na napag uusapan nyo na yan ng anak namin because of Dwayne."
nabigla man ay pinilit kong ngumiti. "its okay po, tito. i mean, p-pa. im sorry din po for my reaction. im just so shock." nag aalangan kong sabi
i felt donny hold my hand again and i can feel an apology coming from him na mukhang susundan ng pagtutol sa mga magulang nya kaya bago pa sya magsalita, inunahan ko na syang magsalita.
"May mga iniisip lang po ako kaya bukod sa nagulat ay naging ganoon ang reaction ko but then i realized that i an so selfish because I just think of myself." nilingon ko si Donny na halatang may gulat na rumehistro sa mukha habang nakatingin sa akin. i smiled at him, a genuine one saka ulit tumingin sa pamilyang pangilinan. "May Dwayne na kami. at may image si donny na kailangan protektahan at linisi—"
"But Shar, you dont have to forc—"
I cut him off, "who says im forcing myself here?" tanong ko sa kanya na nakataas ang kilay. "so, as i was saying, we have Dwayne already and our mess should be cleaned. i know, this was just a mistake. what happened to us was totally a mistake." napangiti na lang ako dahil may ibang memorya na nag pop out sa utak ko. tumingin ako sa kanila ng nakangiti. "But that mistake bring us a blessing. A very special blessing."
Tumikhim si Donny. "So, what was that mean?"
Donny's family had the same smile on their faces. A smile of happiness, satisfaction, excitement.
I looked at Donny who's i know is just pretending that he didn't understand what i wanna say because i can see happiness and hope in his eyes.
I chuckled, "Are you sure you really had no idea?"
He looked away. "yeah. tell me now, ano ba ang ibig mong sabihin doon."
tss, pabebe hahahahahahaha
lumapit ako lalo sa kanya. i kissed the tip of his nose and whispered, "Let's get married, Mr. Pangilinan."
(finally, nadugtungan na din ulit hahahahahah sorry super tagal. patience is a virtue guys. kidding, i've been very busy at iniwan na din kasi ako ng phone ko huhu. may nagbabasa pa ba? paramdam kayo ha hahshahah see y'all on my next update! thankyouuuu ❤)
sorry for the typos and grammatical errors. kung nahahalata nyo, i dont do proofread guys hehe
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake
Storie d'amore"What happened between us that night was a mistake. But of all my mistakes, that's the only one I would gladly accept in my life. Our perfect mistake." - Donny to Sharlene