CHAPTER 15
Blue's POV
After class daw kami pupunta sa bahay nila Mars. Nakow! Kaka excite. Finally ma mi meet ko na din yung Parents niya. Hehe
Si IH hindi pumasok bakit kaya? Tssss. Nakow nakow! Baka tuluyan ng nagtampo saken o di kaya ... O____O tumalon na sa swimming pool na may .... electric current? Tapos sumabog yung katawan niya at nagkalat na yung mga bituka, gall bladder, esphagus, etc. niya at kinaen ng mga sea snake.
*Shet! Si BLUE kadiriii lang!,, Eeeww. Pasintabi po sa mga kumakaen. Hahaha*
Biglang nag snap si Mars sa harap ko. "Hoy! Mars!!!! Sino yang iniisip mo?"
"Aa. wala... si ano kase ... si Kevin nagyaya mag bike sa park mamaya." *Blushing*
Bigla niya akong inalog alog. As always hilong tulilong nanaman ako.
"Uwaaaaa!!!!!!!!! Ingget much! *Sniff* Buti ka pa may love life. Ako nga wala na e. Uwaaaaa!!!!"
Binatukan ko siya. "Magsitigil ka nga jan. Loka! Ang ganda ganda mo kaya! Siguradong makakahanap ka din ng bago. Pustahan tayo. Pag nalaman nila na single ka ulit. May pila na sa bahay nyo at baka magka stampede pa dahil sa mga manliligaw mo." Niyakap niya ako.
"Talaga Marrrrs! Thank you talaga. Kung wala ka baka siguro tumalon na ko sa London Bridge hehe!"
Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Sabay pinitik ko yung noo niya.
"Subukan mo lang at ako mismo ang lulunod sayo!"
.......................................................................
Paglabas namin ng Mahogany may Black Porche Car na huminto sa harap namin. *____* Hanep! Alam ko mayaman sina Ayesha pero hindi ganito yung iniisip ko. My Gawd! So sossy...
May bumaba na lalaking naka suit. Foreign look. Binuksan niya yung pinto for us. Tapos ngumiti pa. Wow Foreignoy!
Habang nasa biyahe kami hindi ko mapigilang magtanong dahil grabe ang yaman ata nila. Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng kaibigan na kagaya ni Ayesha. Shocks!! Buti na lang naging mabaet ako sa kanya hihihi
Nakatingin lang sa bintana si Ayesha. Mukha siyang malungkot at parang ang lalim ng iniisip.
"Ahhhmm .. Mars .. tatay mo ba si Bill Gates?"
Lumingon siya saken at ngumiti ng pilit.
"Mars. Kung ano yung nakikita mo ngayon gusto ko lang malaman mo na kung papipiliin ako gusto ko yung simpleng buhay lang ... kasama ang mga mahal ko."

BINABASA MO ANG
THE REASON WE "JUST" MET <\3 [On-Going]
Novela JuvenilHi Ako Si Blue. NBSB ako. At choice ko yun. Pero paano kung dumating ang isang Minion at isang Green Eyed Monster sa buhay ko??? Will I give in or stay in place? Ito na ba yung hinihintay ko na "Magmahal at Mahalin?" <3