Iris POV
Bigla akong nagising sa doorbell. Tumayo ako para tignan kung sino. Nakita ko si Casi sa pintuaan at my parang kausap pero wala akong nakikita tao ni anino.
CASIIIIIIIIII!!!!! WHO ARE YOU TALKING TOO! AND WHO GAVE YOU THAT!!!"sigaw ko kay Casi,at my nakita akong hawak nyang isang basket ng mga candies.
Isinara na ni Casi ang pinto at umupo sa couch at mukhang tuwa tuwa sa mga candies. Agad akong bumaba ng living room.
"Who gave you that?" Tanong ko sa kanya.
"Nothing." Tipid na sagot nya at mukhang nag tatampo dahil siguro nasigwan ko siya.
"Im asking you Casi. Who gave you that!" Ulit kong tanong sa kanya.
"Hmmp!! The man from the outside. I dont know his name. He just gave me this then he left. I didnt get a chance to say thank you." Sagot ni Casi na ikinagulat ko.
Wala naman akong nakitang tao na kausap ni Casi kanina. Pero sino yun? Kung walang tao saan naman makukuha ni Casi ang mga kendi na yon, napaka imposible na may tao pa ng ganon oras. Masyadong gabi na. At bakit di sya nagpakilala. Napaka creepy. Di ko alam kung ano magiging reaksyon ko sa sinabi ni Casi. Pero nanatili akong matatag na para bang walang kinakatakutan.
"Casi. Lets sleep na!" Pag aaya ko kay Casi.
"Okay. But promise me to play with me tomorrow." Aba natututo na to ha! Marunong na sumagot.
"Okay fine. Let's go." Tipid kong sagot.
--
Umagang kay Ganda! Ramdam ko ang sikat ng araw na dumampi sa aking mukha. Pababa na ko sa ng hagdan ng maamoy ko ang toasted bread. Agad akong dumeretso sa kitchen.
"Ma! Is it toasted bread?" Masigla kong tanong kay Mama.
"Alam mo naman na. Tinanong mo pa?" Sagot ni mama na may pagka sarcastic.
"Ay wow ma ha!"
Ganito lang talaga kami ni Mama para lang kaming magkapatid. Biruan lang namin iyon.
Umupo na ko sa dining table ng dumating sa kitchen si Casi. At dahil bother ako kagabi pa sa mga candies nya nag tanong ulit ako.
"Casi? Where did you get the candies last night?" Tanong ko.
"I told you ate. A man came and gave it to me." Mukhang naiinis na siya.
"Iris, sinong lalaki sinasabi ni Casi?" Pag aalalang tanong ni Mama.
"i really dont know Ma. Nagulat ako kagabi my nag dodooorbell, at nakita ko si Casi na binuksan ang pinto na tila ba my kausap sya. Then lumapit ako kay Casi at nakita ko na syang may hawak na mga kendi." Sagot ko na my halong pag aalala.
"Seriously? Bakit di man lang ako nagising? I'll check the cctv kung meron tlga tao kagabi." Sambit ni Mama.
Agad umalis si mama at dumertso sa small office nya dito sa bahay, sumunod din ako para malaman ko ang totoo. Pinapanuod namin ang cctv ng main door namin.
"Iris look. Bakit ganito? Putol yung time from 10:15 to 10:30. Nawala yung 15mins. Paano nangyare to?" Nag tataka si mama.
"Ma. I really dont know. Impossibleng mawala ang 15 mins dyan. Ma. Nakakatakot." Sagot ko na my halong takot.
"I'll tell your dad about this, baka my sira ang cctv. Pero sa ngayon watch your sister baka mamaya magpapasok ng di natin kilala. Mahirap na. I'll also call thr guards to warn them." Mahinahong sagot ni mama.
--
Another morning. Late na ko nagising. Magpreprepare na ko for school. I need a two hours allowance to prepare. Kasama na dito ang biyahe ko papasok.
Nasa labas na ko at sumakay na ng kotse, si Papa ang magdridrive ngayon dahil day off ng driver nya. Sumabay na din samin si Rein. Magkaiba kasi kami ng school pero halos same lang din ng way.
Ng makarating na ko ng school agad akong sinalubong ni Jach at Vy. Ipinakita nila sakin ang magiging program ng event ng org namin sa susunod na linggo. Tuwang tuwa sila dahil kakanta kami sa event, my special number kaming tatlo.
"Magpractice na tayo. Anong gusto nyong kanta?" Tanong ni Jach. "Vy, nakabili na kami ng gown ni Iris. Silver gray yung akin at black naman kay Iris." Dagdag pa nya.
"Wala pa kong napipili. Siguro dapat color white nalang din ung gown ko para terno tayong tatlo sa performance natin." Sagot ni Vy.
"So? Girls, what you want to sing? I suggest lets do the Million Dreams. I bet people will love that song. Lalo na kung maganda blending natin tatlo." Sabi ko.
"For sure. Sige yun nalang. Kanya kanya muna tayong practice. Para bukas ayusin natin blending." Sabi ni Vy.
Dumeretso na kami sa room. At nagsimula na ang klase. Hanggang sa nagsabi na ang Prof namin na class dismiss. Maaga syang nagpalabas ngayon. Nag paalam na ko kay Vy at Jach, na mauuna ko dahil dadaan pa ako sa bilihan ng cake.
Nang makarating na ako sa Red Ribbon umorder ako ng isang whole roll ng triple chocolate roll, wala naman okasyon pero binilin ni mama na bumili ako. Mahilig kasi si mama sa mga pastry kaya di nakakapagtaka na, minsan nag papabili sya nito.
"Triple chocolate roll for Ms. Iris."
Narinig ko na ang pangalan ko. Agad kung kinuha ang cake sa counter at lumabas ng store.
Nagulat ako na may biglang sumalpok na kotse sa motor. Malakas ang banggaan. Yung nasa motor isang babae at isang lalaki mga duguan sila. Halatang sobra ang galos na natamo nila. Ang dami ng tao, nag kakagulo. Lumabas ako ng store para makiusisa. Sinisilip ko kung ano nangyari. Pero hindi na ako lumapit sa mismong aksidente.
"Iris. Tulungan mo ko. Di ko pa oras." Nagulat ako sa nag salita. Isang babae na naka pink polo shirt at pants. Malinis siyang tignan.
"Gumilid po lahat. Layo po tayo." Nabaling ang atensyon ko sa mga dumating na mga medic at pulis sa na sabing aksidente.
Ng ibalik ko ang atensyon ko sa babaeng kumausap sakin, bigla syang nawala. Nang makita ko ang mga naaksidente, may babaeng nakasuot ng pink na polo at pants. Nagulat ako sa mga nakita ko. Kinakabahan nanaman ako. Parang nagyari na sakin ito dati. Bakit ako kilala ng babae? Bakit siya humuhingi ng tulong sakin? Bakit ko siya nakikita?
Agad akong umuwe ng bahay. Kinakabahan padin ako. Naalala ko nanaman yung nasa coffee shop ako noon at may babaeng kumakawayat nakangiti sakin. Ang daming pumapasok sa isip ko. Kinakabahan ako, natatakot na din ako. Dapat ko na bang sabihin kay Mama ang lahat? Kaso baka hindi ako paniwalaan ni Mama. Sabihin niya guni guni ko lang. Sasabihin pa niya na huwag ako manunuod ng mga nakakatakot na palabas.
Pumasok ako ng kwarto ko para mag ayos ng sarili ko, nakatingin ako sa salamin para mag lagay ng mga kung ano ano sa mukha ko. Nagulat ako ng may napansin ako sa gilid ko. Agad nnman kumakabog dibdib ko. Dahan dahan akong lumingon sa likod ko para alamin kung ano nakita ko. Pero ng nakaharap ako sa likod ko, wala naman tao.
Nawalan ako ng konting kaba. Binilisan ko na ang pag aayos para makatulog na din ako. Para sa rehersal namin bukas.
---
A/N: sorry po sa mga typo. Wait for the next update. 💙 Sana magustuhan niyo. ❤️
BINABASA MO ANG
IRIS
General FictionIris" Goddess of the Rainbow and messenger of gods. Iris was both a personification of the rainbow and a divine messenger. The Ancient Greeks combined these two functions in Iris, since, as a meteorological phenomenon, the rainbow appears to connect...