CHAPTER 6

48 2 0
                                    

Lenard's POV.

Ako'y natutuwa dahil, nakikita kong handa na Iris sa kanyang tungkulin. Bilang kanyang protector, nakakaproud siya dahil kinakaya niya hindi normal na mission lang ito. Dahil napaka hirap nito.

Naka isa na siya. Natutuwa ako dahil masaya si Iris na nakakatulong sa iba. Lalo na sa mga lost souls na may mga bagay pa na gustong sabihin sa mga naiwan nila.

Masaya akong nakikita siya na masaya sa ginagawa niya. Para bang may liwanag na bumabalot sa kanya. Para siyang kumikinang. Samahan mo pa ng napakaganda niyang buhok na may kulay ash brown. Tinitignan ko ang kanyang mga mata na kulay brown.

My mom died after she gave birth on me.

After my Father died ako na pumalit sa kanya as a Protector. Kung hindi lang siya iniwan ng babaeng messenger niya hindi sana siya mamatay. Oo! Tama. Kapag ang isang Protector ay iniwan ng messenger ikamamatay din niya ito.

I also have a brother, but pinatay ko na siya sa isip ko. He doesn't exist in my life.

Dumaan ako sa matinding training bago ako isalang sa totoong buhay. Ang mga messenger na nakatakda sa mga protector ay mga hindi mag kakilala. Which means I dont have any knowledge about Iris's background.

Habang pinagmamasdan ko bawat galaw niya noon, doon ko palang nakilala siya. Ang pamilya niya, ang pag aaral niya. Hindi ko pa masyadong gamay ang pag uugali ni Iris, pero alam kong mabait siya dahil hindi pumili ng basta basta para sa isang nalaking tungkulin.

----

Nasa isang park ako nakaupo sa bench pinag mamasdan bawat dumadaan, mga batang nag lalaro, mga taong nag jojogging. Nasa isip ko lang, buti pa sila they live happily. Oo masaya naman ako sa ginagawa ko, pero ang hindi masaya yung ako lang mag isa. Siguro minsan sa quarters sa heaven nakakasama ko yung mga ibang protector. Pero minsan nalang ako nandoon, dahil madalas na ko dito sa earth.

Habang pinagmamasdan ko ang mg tao, naramdaman ko na may umupo sa aking tabi. Nakikita ko sa gilid ng aking mata na may isang lalaki. Iba ang pakiramdam ko.

"Nice to you. Mr. Protector." Bungad niya sakin.

Hindi pa din ako lumilingon.

"Bakit ka nandito!?" Naiinis na ko pero kalmado lang ako.

"Just to remind you Mr. Protector. Be careful, I might kill your messenger." Sabi niya na may halong pag babanta.

Nang lumingon ako sa kanya bigla nalang siyang mawala parang bula. Kilala ko siyang kilalang kilala!!

Dahil sa sinabi niya agad akong pumunta kela Iris dahil alam kong delikado ang buhay niya.

-----

Iris Pov.

Earlier.

Narinig kong my nag doorbell sa main door. Pumunta ako para malaman kung sino, baka kasi si Lenard. Ayy teka? Bakit? Hindi ahh. Hindi ko sinasadya mabigkas ang pangalan niya. Ano ba Iris! Tumigil ka sa kakaisip doon.

Agad kong binuksan ang pinto, pero nagulat ako sa nakita ko.

"Sino po sila?" Tanong ko sa lalaking naka black leather jacket na at my puting tshirt sa loob nito.

"So you are the messenger?" Bigkas niya. Kilala nya ako? Baka lost soul siya?  Natuwa naman akoo dahil baka mag papatulong siya sakin.

"Do you need help? May sulat ka bang ipapabigay?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm. Naiwan ko kasi. Pero babalik ako at ipapakita ko sayo." Sagot niya sakin. Biglang nalang siyang umalis, hindi na ko nakapag tanong pa. Hinayaan ko nalang siya siguro di niya talaga dala ang sulat.

Umupo na ako sa sala at binuksan ang tv. Nanunuod ako ng biglang may nag doorbell nanaman. Naisip ko baka yung lalaki na ulit yon at dala na niya ang sulat.

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako ng may yumakap sakin. Isang yapak na parang ayaw niya ako mawala. Sobrang higpit ng yakap niya. Pero bago pa ko mag padala sa emosyon na ito.

"Hooy. Lalayo ka o susuntukin kita?" Pagalit kong sabi.

"Im sorry. Im just worried." Sagot niya.

"Worried? Look? Im fine. Ang O.A. mo lang makayakap kala mo naman may masamang nangyari sakin." Sabi ko sa kanya.

"Simula ngayon. Dapat lagi na tayong mag kasama." Nagulat ako sa sinabi niya.

"What the? Your freaking me out. Daig mo pa parents ko ah. Para akong my guard niyan." Sabi ko.

"Have you forgotten? Kapag namatay ka, I rather die too." Seryoso siya ng sabihin niya ito.

Iniisip lang ba niya ang sarili niya? Myghaddd!

"Wow ha! Eh ikaw huwag mo nalang kaya ako kausapin? I mean. I don't need a protector. I can handle it." Pasungit kong sabi.

"No you can't. Huwag na huwag mong gagawin yan. I also rather die." Sabi niya.

"Pinag sasabi mo dyan. Bahala ka nga." Akma na kong isasara ang pinto ng bigla niyang pinigilan ito.

"Just be careful." Sinabi niya ito ng mga walang kabuhay buhay. Lumakad na siya papalayo sakin.

Bakit parang nalulungkot ako? Bakit parang gusto ko siyang pigilan? Gusto ko siyang hatakin pabalik. Gusto kong yakapin niya ulit ako. Huminto ang mundo ko, hindi na ako nakapag salita. Hindi ko na namalayan na malayo na siya sa patingin ko.

Pumasok na ko ng bahay at dumeretso sa kwarto ko. Napapaisip padin ako ng sobra. Itext ko kaya siya? Mag sorry ako? Teka? Parang bumababa ang pride ko? What the?

*Knock knock*

"Sino yan? Bukas ang pinto pasok." Sabi ko.

"Hi Iris" bati niya sakin na parang galak na galak pa.

"Anak ka ng tokwa! Ayy teka? Ikaw yung na sa waiting shed, yung bata. Tinakot mo ako ha! Paano mo nalaman bahay ko?" Tanong ko sa kanya.

"Alam ko lang. Hmmm. Bakit parang malungkot ka?" Tanong niya sakin.

"Ako malungkot? Bakit ako malulungkot. Pwede ba? Dapat ako nag tatanong sayo. Bakit andito ka? Do you have a letter?" Ani ko.

"Yes I have! And please give this to my mother. I know she's still sad about what happen. And im greatful, that the man who rape me is in the prison now." Paliwanag niya.

"Baby girl, huwag ka malulungkot sa heaven ah. Madami kang playmates doon. Madami ding pag kain doon." Sabi ko

"Iris! Ikaw nga itong malungkot e? Huwag mong iniiba ang usapan!" Sabi niya.

"Kulit mong bata ka. There are things that kids shouldn't know." Ani ko.

"Nakooo. You're just sad kasi umalis na si Lenard tapos gusto mo pigilan siya? Tapos gusto kayapin ka niya ulit. Tapos gusto mo na bumalik siya." Panunukso niya.

"Parang ganon na nga." Nakatingin ako sa kawalan ng bumalik ako sa katotohanan. "Hoyyyy! Bakit mo alam? Ikaw bata ka ha! Angdami mo ng alam." Sabi ko habang Kinikiliti ko siya.

"Hahahahah! Stop it." Agad ako huminto na din. "Iris! Thank you for everything. I need to leave for now. See you soon." Pag papaalam niya.

"Ganon ba. Visit me again ha. If ever makabalik ka." Sabi ko.

Lumabas na siya ng kwarto. At ako nantiling palaisipan padin kung paano ko kakausapin si Lenard.
----
A/N. Thank you for reading. ❤️

IRISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon