Isang linggo ang nakalipas, hindi padin nag paparamdam si Lenard sakin. Hindi ko siya tinetext kasi baka sabihin ako pa nag hahabol sa kanya.
Isang linggo na din akong nakakasalamuha ng mga lost soul, nung isang araw dalawa yung lumapit sakin. Sarap sa feeling na nakakatulong ako at nagagampanan ko ang tungkulin ko.
This is just a normal day. Wala kaming pasok ngayon sa school. I decided to go to the mall. I have watched a trailer of a movie, sobrang ganda niya. Naisip ko panuorin ko siya. Tutal sanay naman na ko manuod ng sine magisa. Sobrang busy kasi ng family ko. Yung mga kapatid ko nag aaral, si mama busy sa work, si papa busy sa business namin.
Nang makarating na ako sa mall pumunta na ko sa sinehan, bumili ako ng ticket ko at popcorn. Nang makapasok na ko sa loob, umupo ako sa balcony. Ilng minuto lang nag simula na yung movie.
"Nag eennjoy ka ba sa movie?" Nagulat ako ng nagtanong ang katabi ko.
"Yes po." Sumagot ako at nilingon ko siya. Inaantay ko lang siyang mag salita.
"Sorry I forgot the letter." Ani niya.
"Ohhhh. Lost soul. Wait, ikaw yung lalaki din dun sa front door namin at nakausap ko diba?" Tanong ko.
Tumango lang siya.
"Can you come with me?" Sabi niya.
"Saan punta? Tsaka nanunuod pa ko oh." Angal ko.
"After this, punta tayo ng arcade." Sagot niya.
Natuwa ako bigla pumalakpak lang naman ang aking mga tenga sa aking narinig. Hanggang sa matapos namin ang movie. Lumabas na kami ng sinehan at pumunta na sa arcade.
"Namiss ko dito!" Galak na galak ako. And he smiled at me. Iba yung ngiti niya, nakakaloko. Hindi ko maipaliwanag pero dedma na.
Nag laro lang kami, nag eenjoy ako sa paglalaro. Naglaro ako ng basketball dalawa kami, para kaming mga bata na nag uunahan pa sa bola. Naglaro din kami ng Time Crisis, well as expected mas magaling siya sakin. Kumanta din kami sa karaoke, infairness ganda ng boses niya. Ang lamig. Kinanta lang naman niya yung "You are the Reason" ohhmyyy. Nakakainlove ang boses niya.
"Saan mo pa gustong maglaro?"tanong niya sakin.
"Teka lang. Napapagod na ko." Hinihingal na ko.
"Sige kain muna tayo. Saan mo gusto?" Tanong niya sakin habang naka ngiti. Bakit ang killer smile niya shettt.
"Ahhhmm. Ano kahit saan?" Sagot ko ng mahinahon.
"Sige kaen tayo sa Jollibee. Alam kong di mo ito aayawan. Hahahahaha" sabi niya.
Pumunta na kami sa Jollibee siya ang umorder sa counter at syempre siya ang magbabayad. Malamang ako babae. Ilang minuto ay dumating na siy sa lamesa dala ang mga pagkain.
"Omooo! Bakit ang daming pagkain?" Gulat na gulat ako sa pagkain na sa harapan ko. Isang one piece with rice, coke float, spagetti, ube pie at isang burger.
"Ayokong magutom ka." Sabi niya at bigla siyang sumubo ng kanin.
Nakooo. Nakakaloko ka ha. Pero ienjoy natin ito. Treat na din ito sa sarili ko. Nang mag simula na akong kumain, napansin ko na hindi siya kumakain.
"Ayaw mo ba ng pagkain? Kung ayaw mo naman hanap tayo ng gusto mong kainan." Sabi ko sa kanya.
"Hahaha. Hindi hindi. Im fine. Go ahead. Kaen lang ng kaen. Don't mind me. Oh by the way I need to buy something. Can you wait for me here?" Sagot niya sakin.
"Hmm. Sure sure no problem." Sagot ko naman sa kanya.
Well, hindi ko maintindihan kasi ayaw niyang kumain, pero ako dahil gutom ako kumain lang ako ng kumain tutal yun ang sabi niya sakin. Umalis na din siya dahil may bibilhin daw siya.
Isang oras din ang inantay ko. Akala ko nga hindi na siya babalik. Nang aakma na kong umalis nagulat ako ng bigla siyang dumating.
"Tara hatid na kita sa inyo?" Pag aayaya niya sakin.
"Ahmm. May bus naman pauwe samin. Okay lang ako mag commute." Paliwanag ko.
"Ano ka ba? Masyadong gabi na at delikado sa daan. Sa ayaw at gusto mo hahatid kita." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko, nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko para bang may kuryenteng dumaloy dito. Hindi niya ko binitawan hanggang makarating kami ng parking area. Binuksan niya ang passenger seat at pinaupo ako dito. Agad naman siyang umikot sa driver seat. Pinaandar na niya ang kotse.
Ilang minuto ang nakalipas nakarating na kami sa bahay namin.
"Thanks for the ride, oh by the way? What's your name?" Tanong ko.
"Call me Mr. Blue."
"Oh Mr. Blue! Alright byee!" Paalam ko sa kanya.
Dumeretso na ako sa kwarto namin. Kinabahan ako bigla at di ko maipaliwanag na kaba, I just realized something. Diba lost soul siya? Bakit niya nahawakan yung mga game station sa arcade? Bakit siya naka order sa jollibee? Bakit niya nahawakan yung tray ng food? Bakit siya nakakapag drive? Ohmgod!
Nawala akong sa aking iniisip ng may tumatawag sa phone ko.
"Iris! Where are you!!!!" Rinig kong galit na galit siya sakin.
"Ohh shet Lenard!! Can you lower down your voice! Nasa bahay lang ako. Bakit ba?" Sagot ko sa kanya.
"Papa mo nasa ospital, pupuntahan na ako diyan. Antayin mo ako!!" Sabi niya sabay baba ng phone.
Ano nangyari? Bakit nasa ospital si papa. Chineck ko ang phone ko. Ang damng messages at missed call si Mama at si Rein also Lenard. Nag aalala na ko. Hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Bumaba na ko ng sala paran antayin si Lenard, hindi padin ako mapakali sobrang nag aalala na ko.
Ilang minuto lang ay dumating na si Lenard. Agad naman kaming dumeretso sa ospital. Nang makarating na ko sa ER, nakita si Mama at Rein humahagulgol si Mama at kinakalma siya ni Rein, tumakbo ako para makita si Papa. Pero ng hawakan ko si Papa, ang lamig na ng kamay niya. Pilit kong siyang ginigising ngunit hindi na siya gumagalaw.
"Paaaaa! Bakit naman ganito! Ang duga mo naman e! Bakit ka nawala agad!! Paano na kami nila Mama! Paaa! Gumising kana. Bakit ka ganyan!!" Paulit ulit ko siyang ginigising pero wala na talaga.
"Maam. Doon muna po kayo sa labas, aayusin lang po namin ang bangkay." Sabi ng isang nurse.
"Hindi pa patay papa ko! Buhay pa siyaaa!!!" Ani ko. Lumapit na si Lenard sakin at inilabas ako sa ER. Napayakap ako kay Lenard, sobrang sakit na wala na si Papa. Im not ready for this. Sana ako nalang yung namatay.
"Saan kaba galing Iris!" Pagalit na tanong ni mama.
"Im at the mall." Sagot ko ng walang kabuhay buhay. "Pupunta lang ako ng Cr." Paalam ko kay mama.
Sinundan ako ni Lenard at habang nag lalakad kami.
"Sino kasama mo doon!!?" Pagalit niyang Tanong.
"Wala kana doon. Diba nga dapat alam mo yon? Kasi You're My Protector? Isang linggo ka nawala tapos ngayon magagalit ka sakin?" Ani ko.
"May nilabag akong rules ng pagiging Protector, and as a consequence, isang linggo akong nasa quarters lang." Paliwanag niya.
"I don't care kung ano mang consequence yan." Dumeretso ako sa loob ng cr.
-----
BINABASA MO ANG
IRIS
General FictionIris" Goddess of the Rainbow and messenger of gods. Iris was both a personification of the rainbow and a divine messenger. The Ancient Greeks combined these two functions in Iris, since, as a meteorological phenomenon, the rainbow appears to connect...