CHAPTER 10

41 1 0
                                    

Isang buong araw akong busy sa school ngayon dahil may pinag hahandaan aking event ako ang naka assign para sa design ng stage.

"Tara na. Bukas na ulit natin tapusin ito." Ani ng president namin.

Gabi na ng makalabas kami ng school. Nagulat ako ng nakaabang na si Lenard sa gate ng school.

"Sumakay kana ihahatid na kita." Ani nito na walang emosyon.

Bakit ka ganyan Lenard!

Sumakay na ako ng kotse niya. Hindi na ko nakipag talo dahil hindi rin ako mananalo sa kanya. Never akong mananalo sa kanya.

"Lenard?" Mahina kong tawag sa kanya.

Parang hindi niya ako narinig, hindi man lang niya ko kinakausap. Sobrang nakakamatay ang hangin sa loob ng kotse niya.

"Lenard?" Tawag ko ulit sa kanya. Ngunit wala padin siyang imik.

Naiinis na ako. Para na akong tanga dito.

"Le..." Naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Bakit?"

"Ahh ehh, wala lang." Mahina kong sagot sa kanya.

Gustong gusto ko na siyang sigawan. Parang hindi ko kayang ganito kami ni Lenard. Napalapit na ako sa kanya. Isang malaking question mark sakin bakit ganito ang inuugali niya sa harap ko. Nasasaktan ako dahil ang cold niya sakin.

Nakarating na ako ng bahay. Aakma na sana akong bumaba pero pinigilan niya ako.

"Iris. Kung ano man ang nararamdaman mo para sakin, pigilan mo. Hindi maaring mangyari na mag kagusto ka sa iyong Protector. Maari natin ikamatay ito." Nakatingin lang siya sa manubela at ako ay nakatingin sa kanya.

"Pero Lenard? Oo, aaminin ko gusto kitang makilala pa. Gusto ko lagi kitang kasama, gusto ko na ikaw yung kasama ko, gusto ko kapag nasa tabi kita. Pero paano ko mapipigilan ang nararamdaman ko?"

"Kung nag tataka ka bakit ang cold ko na ngayon sayo dahil ayoko dumating ang point na mahulog na ang loob mo sa akin. Kaya ako nawala ng isang linggo noon, dahil may nilabag akong rules diba? Isang rule na hinding hindi dapat nilalabag, yun ay ang mainlove ka sa Messenger mo. Oo, Iris, nahulog ang loob ko sayo. Sa taglay mong kabaitan at kagandahan, pero kailangan kong tanggapin na kailanman hindi hindi ka pwedeng maging akin."

Ramdam kong tumutulo na ang luha ko. Bakit ang sakit para sa akin? Bakit hindi ko matanggap. Bakit parang nasasaktan ako? Hindi ba talaga pwede? Hinawi ni Lenard ang buhok ko, hinarap niya ang mukha ko sa kanya. Akala ko mapapaniwala ko ang sarili ko na, "this is just a mission and nothing will be between us" pero bakit hindi mapigilan, sumabog na ako.

"Tandaan mo Iris, mas okay ng hindi maging tayo atleast kasama mo ako hangga't nabubuhay ka. Special ka sakin, dahil ikaw lang ang nag iisang babae na nagpasaya sakin ng ganito." Ramdam ko na lumapit ang mukha niya sa mukha ko, hinalikan niya ang noo ko, resulta ng lalo kong pag iyak. Niyakap niya ako at pinapatahan.

"Tama na Iris. You don't need to suffer." Inayos niya ang buhok ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Sige na Iris pumasok kana sa inyo."

Hindi na ako nakapag salita, bumaba na ako ng kotse. Para akong naging pipi sa mga sinabi niya. Ni hindi ko mabuka ang bibig ko parang wala akong lakas ng loob.

----

Nagising ako ng tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Tumayo na ako at umupo sa harap ng salamin. Mugtong mugto ang aking mga mata. Naalala ko lahat ng sinabi ni Lenard kagabi. Lahat ay bumabalik sa isip ko. Naluluha nanaman ako ngunit agad kong pinunasan ang mga luha ko.

*Knock knock*

"Iris? Gising kana ba? Mag grocery ka nga." Ani ni mama.

"Sige ma! Baba na din ako saglit lang."

Naligo na ako at nag ayos, bumaba na ko sa kitchen kung saan andoon si mama.

"Oh bakit namumugto ang mata mo?"

"Wala to ma! Puyat lang."

"Ahh ganon ba. Eto pala ang mga bibilhin mo." Sabay abot ng listahan.

Agad na akong nag tungo sa grocery. Binili ko lahat ng nasa listahan. Nasa counter na ako para mag bayad ng makita ko si Lenard na parang may inaatay. Nang matapos na iplastic ang mga ipinamili ko, binilisan ko nag pag lalakad. Ayoko sana makita ako ni Lenard ngunit nagkamali ako.

"Iris!" Rinig kong tinawag niya ako. Napahinto ako at nilingon siya. Lumakad siya papalapit sakin.

"Bakit?"

"Hatid na kita pauwe."

After last night ganyan lang inugali niya sakin ngayon na parang walang nangyari? Kung sa kanya wala lang yon, sakin sobrang meaningful noon, parang durog na durog ako kagabi, para akong batang iyak ng iyak dahil nadapa. Pero bakit siya parang wala lang.

"You know what? Nakapunta ako dito mag isa kaya, kayang kong umuwe mag isa. Please.. i don't want to see you, leave me alone."

"Iris---"

Lumakad na ako palayo well, hindi niyo ako masisisi dahil sa ginawa ko. I need justice sa nangyari kagabi. Hindi laro ang magmahal, at don't play with feelings.

------

Today is our event and im proud na natapos namin ito. Actually dito na na kami nag overnight para mas mapabilis ang pag aayos. Mamayang gabi na ang event. Isang big event to para sa course namin, dito iproproduce namin ang mga product na ginawa namin.

"Are you ready for later Caballero?" Tanong ni Damian sakin.

"Of course but a little bit nervous." Ani ko.

Nagulat ako ng hinawakan ni Damian ang balikat ko at pumantay sa mukha ko.

"Don't be. Andito ako, sabay natin i-prepresent ang product natin. Okay ba yon?" Sabay wink ng mata at a bit smile.

Sinundot ko ang noo niya resulta ng paghawak niya dito. Kita ko sa mukha niya na medyo nasaktan siya.

"Hahahahahaha! Im sorry Damian! Not my fault." Sabay halakhak. Tumawa naman din siya sa kalokohan naming dalawa.

"Uyy. What's with you guys? First time in the history Mr. Damian and Ms. Caballero is laughing out loud like no one is here." Singit ni Dy. "Baka makita kayo ni Delos Reyes niyan." Dagdag niya sabay ngiti na nakakaloko.

"Eh ano naman kung makita kami ni Delos Reyes?" -Damian

"Whooowww. Haba ng hair ng bff namin ah." Nakigulo si Vj ganon din si Jach na nakikitukso samin.

Tawanan lang kami ng tawanan dahil sa kalokohan namin lahat. Im so happy that I have this classmates, hindi lang basta classmates they are family to me.

Habang tumatawa ako napalinggon ako sa gilid ng stage, nawala ang ngiti sa aking mukha ng makita ko siya. He just ruin my mood. Pero nagulat ako ng umalis din siya kita ko sa mukha ang dissapointment. Pero? I don't care actually. Dahil sa nangyari noong gabi na nagtapat ako sa kanya. I realized na dapat hindi na pinagsisiksikan ang sarili ko sa kanya. And after all, Im her messenger and his my Protector that's all. Wala ng hihigit pa doon. I'll just protect my heart.

-----

A/N. Thank you for reading.

IRISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon