One week later.
The EVENT.
----
Nasa bahay ako, nag aayos na para sa event mamayang hapon. Yeah. Hanggang gabi ang event ng org namin. Nag rent ako ng hair and make up stylist. Syempre ayoko naman na panget ako sa event diba. Panget na nga ako e. Dapat paganda naman. Hahahaha.
Narinig kong may nag doorbell. Agad kong binuksan ang pinto.
"Ms. Iris Caballero. Package po. Please sign in here." Sabi ng delivery boy.
"Kuya kanino po galing? Wala naman po akong pinapadeliver or biniling gamit?" Sabi ko na my halong pag tataka.
"Nautusan lang po ako maam." Sagot niya.
Agad kung pinirmahan ang papel ng katunayan na narecieve ko na. Isang box na nakabalot sa kulay blue at my ribbon pa itaas. Nang aking binuksan ang package. Hindi ako makapaniwala.
"Ito yung sa D'A Clothing na sling bag!!" Napasigaw kong sabi.
Nagulat ako sa pag kakasigaw ko. Napatingin sakin yung make up artist pero dinedma lang niya ko.
Pero paano to? Sino naman mag papadala nito sakin? Bigla kong naisip yung lalaki sa store. Pero napaka imposible!! Paano nangyare? My halong pag tataka tlga ako ngayon. Pero ganon padin. Natuwa ako dahil nakuha ko na ang gusto kong bag. Pero kung sino man ang nagbigay neto. Thank you.
Ilang oras din itinagal ng pag mamake up sakin. Hanggang sa natapos na din. 5pm na ng hapon. Si papa ang mag hahatid sakin sa event. Dahil maaga sya nakauwe from work. Tsaka tutal naman business namin yon so hawak niya orad niya.
"Your'e so beautiful anak." Sabi ni mama.
"Maliit na bagay Ma! Mana lang sayo." Sagot ko.
"Your so pretty ate! I want to be like you." Singit ni Casi.
"Oh baby. Dont grow too fast." Sagot ko sa kanya.
"Let's take a picture." Pag aaya ni papa.
*Click click click*
"Let's go nak. Baka malate ka pa." Pag aya ni papa sakin.
Agad akong sumunod sa labas. Nag paalam na din ako kay mama, casi at rein. Dala ko din yung bag na pinadala kanina.
Kinakabahan ako na nag eexcite. Habang nasa biyahe ako papunta ng event nag prapractice ako ng kanta namin. Para naman di ako mapahiya mamaya.
Ilang minuto lang ang lumipas. Nakarating na kami sa CAD (EVENT HALL). At rinig na ang party song dumadagundong sa buong paligid.
"Bye nak. Enjoy." Paalam ni papa. Kumaway ako sa kanya at umalis na din siya.
Eto na. Papasok na ko sa loob ng CAD. Sobrang lakas ng tugtog.
*Insert - Shout out to my Ex*
Natatanaw ko na si Jach at Vy. Ang gaganda nila tonight. Palapit na ko sa kanila. At kumakaway na din sila sakin.
"Are you ready for later?" Tanong ni Vy sakin.
"Ako paba? Im always ready." Tapang kong sumagot.
Nagsimula na ang event.
"Good evening Ladies and Gentlemen. We gather here to celebrate the Gawad Marketista. I hope you enjoy this party."
Ang daming hinandang activities ng officers ng marketing. Sobrang nag eenjoy ang lahat. At dumating na din ang pinaka hihintay naming tatlo.
"And now, please welcome our three queens singging Million dreams. Lets give them a round of applause." Pagpapakilala samin ng MC.
Nag simula na kaming kumanta. Ang smooth ng pag kakanta namin. Worth it yung pag practice sa studio. Napapangiti kami sa isa't isa dahil ramdam namin ang mga audience ay nakikisabay sa pag kanta.
Natapos na ang kanta namin, nag palakpakan ang mga tao sa CAD. nakahinga na din kami ng malalim.
Nagsimula na ang party party. Hatawan sa dance floor. Ilang minuto din ako nakipag sabayan sa kanila. Pero napapagod din ako. (My hugot to ah!!)
Kumuha ako ng maiinom. At pumunta. Sa isang garden sa labas ng CAD. Ang ganda sa garden may mga lights and ang gaganda ng mga bulaklak.Umupo ako sa isang bench dun ako namahinga dahil sa pagod sa pag sayaw.
Habang iniinom ko ang dala kong juice. My nararamdaman ako kakaiba. Natatakot nanaman ako baka isa nanaman sa mga multo na kinakausap ako. Napapikit ako. Dahil ayoko ng makakita pa ng mga taong humingi ng saklolo.
Naramdaman kong my umupo sa tabi ko. Dahan dahan Kong binukas ang mga mata ko. Nagulat ako my lalaki nakaupo sa tabi. His wearing a blue americana. Sobrang pormal ng suot niya. I think isa siya mga estudyante ng school namin pero ngayon ko lang siya nakita. Hanggang sa tinitigigan ko ang mukha niya. Parang kilala ko siya? Teka nga!! Biglang umiinit ulo ko!
"Hoooy!! Ikaw yung lalaki sa D'A Clothing. Yung umagaw ng sling bag! Yung ganito oh!" Sabay pakita sa kanya ng bag kong dala.
"Let me explain. Ok? Could you please be quiet. Kahit ilang minuto lang." Sabi niya sakin.
I decided to be quiet. And listen to him.
"I was with you on the very first day. One year ago. Nasa coffee shop ka, may aksidente nun, nabangga ng sasakyan yung babaeng tumawid. At kumaway siya sayo diba. Kasi alam niya na matutulungan mo siya, pero anong ginawa umalis ka. Hanggang after one year nangyari nanaman, yung babaeng naaksidente sa motor, humingi siya ng tulong sayo. Kaso naramdaman niya na ayaw mo kaya bigla siya nawala. And lastly yung bata, she is a victim of rape, andito padin siya, pero tinakbuhan mo nanaman siya." Kwento niya sakin.
"Pero...." Aakma akong sasagot pero pinigilan niya ako.
"Im Lenard, im half immortal and half human. My mission is bantayan ka. Im a Protector. Ipapaliwanag ko sayo lahat. Hindi ako makahanap ng timing para mag pakilala sayo. Ako din pala yung bumabangga sayo. I didnt really mean it. Sinusubukan ko lang kasi kung makikita mo ako or mararamdaman mo ako. And na prove ko na ngayon kasi im talking to you. Pero nung mga unang araw ng pag bangga ko sayo nararamdaman mo ako pero hindi mo ko nakikita. At yung pumunta ng bahay niyo para ibigay ang mga kendi sa kapatid mo, ako din yun. And yeah, if your'e asking me why I choose to argue about the bag just to know kung handa kana. And as a gift, pinadala ko sayo yung bag." Tugtong pa niya.
"Iris Caballero, handa kana. Oras mo na para gamitin.... "
Pinutol ko na ang sasabihin niya.
"Alam mo kuya! What the hell in this world na nakakausap ko ang mga multo? Like. Who am I? Im just a simple human." Paliwanag ko.
"Your'e not just a human, you have this supernatural powers like me. Parehas tayo, you are half immortal and half human. You have one mission in life. Tulungan mo ang mga taong namatay na. You're a Messenger from Heaven to help people in Earth." Paliwanag niya.
"Paano ko naman magagawa yon? Nakikita ko lang naman sila? Nag mamakawa sila sakin, humihingi ng tulong?" Pagtataka kong tanong.
"Oo, humihingi sila ng tulong, pero do you ever asked kung anong tulong naibibigay mo? Iris you are the goddess of rainbow and the messenger of heaven to earth. Gusto mo ba talaga malaman ang mission mo? Sumama ka sakin." Paanyaya niya sakin.
Naguguluhan na ako. Gusto ko ng malaman kung anong totoo. Eto na ata ang susi para malaman ko ang lahat lahat, para matahimik na din ang pag iisip ko. Pero naguguluhan ako? Im half imortal and half human? Wtf? Did my family know about this? Ano ba to? My powers ba ko na pwedeng lumipad? O kaya bumuhat ng mabibigat na bagay? Sobra na ang pag iisip ko. I think it's time to know myself.
----
A/N: Hope you enjoy reading ❤️ Guys kung may mga suggestions kayo. Please comment lang kayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/182012879-288-k759326.jpg)
BINABASA MO ANG
IRIS
Ficción GeneralIris" Goddess of the Rainbow and messenger of gods. Iris was both a personification of the rainbow and a divine messenger. The Ancient Greeks combined these two functions in Iris, since, as a meteorological phenomenon, the rainbow appears to connect...