After namin kumain sa cafeteria ay pumasok na kami sa aming huling subject. Hanggang sa nagdismiss na ang prof namin.
"Girls. I need to go. ingat kayo pag uwe ok?" Paalala ko sa kanila.
Lumabas na ako ng room at pumunta muna sa Cr. May pupuntahan ako ngayon, hindi ko alam kung may patutunguhan ba ako, pero umaasa ako makikita ko si Papa. Pumasok ako sa isa sa cubicle.
"I hate myself!" Rinig ko mula sa labas ng cubicle ko. Umiiyak siya sa galit. Dahan dahan akong lumabas ng Cr. Nakita ko siyang nakaupo at nakasandal sa pader, umiiyak siya at sumisigaw na "kasalanan ko to" agad ko siyang nilapitan, pero ramdam ko ng kakaiba siya.
"Kailangan mo ng tulong?" Ani ko sabay luhod sa harap niya. Alam kong lost soul siya kaya hindi na din ako natakot.
"Iris!!" Tinawag niya ang pangalan ko at yumakap sakin. Iyak siya ng iyak.
"Iris... Hindi.. ko... sinasadya..!" Sabi niya habang humihikbi.
"Ano bang nagyari?" Tanong ko.
" Hindi ko sinasadya! Akala ko kasi pipigilan ako ng boyfriend ko pero hindi, nadulas lang naman ako Iris. Hindi ko tlga balak magpakamatay. Aakma lang naman sana ako pero... Di ko sinasadyaaa!" Paliwanag niya at hindi padin siya tumitigil sa pag iyak.
Narinig kong nag kakagulo na sa labas, naririnig ko ang mga estudyante na sumusigaw. May mga pulis at ambulansya na din akong narinig. Agad akong lumabas ng Cr para malaman kung anong nangyayari.
Nakisiksik ako sa mga taong nakapalibot sa open ground namin. Nakita ko ang isang patay na babae, narinig ko na nag pakamatay daw ito, tumalon sa 4th floor ng building na nakaharap samin. Agad kong tiningala ang building na pinangyarihan, nakita ko isang babae na umiiyak, siya yung babae sa cr. Sinenyasan ko siya na bumaba at mag uusap kami.
Andito kami sa Mini Forest ng school, nasa dulong part ng school namin kaya wala masyado makakakita sakin dito.
"Im sorry. I can help you pero hindi ko kayang ibalik ang buhay mo. Isa akong messenger at ang mission ko ay tumanggap ng sulat at ibigay sa mga naulila nila."
"Hindi ko matanggap Iris. Hindi ko sinasadya! Kasalanan niya ito! Pag babayarin ko siya."galit na galit niyang sabi.
"Hindi tama ang mag higanti. Oo masakit na, bigla ka nalang nawala sa mundo. Pero siguro may mission ka pa pero hindi na dito sa lupa."
"Hindi pa akong handang ibigay ang sulat sayo Iris, siguro baka sa susunod na. Salamat." Nagulat ako ng bigla siyang nag laho. Pero sana matahimik na siya. Nakakalungot din na dahil sa lalaki nagawa niya yon. Hindi man niya sinasadya ngunit binalak pa din niya. Hindi mo talaga alam kung ano mang yayari sayo. Kung kelan ka mawawala sa mundo.
Lumabas na ako ng school, tinawagan ko si Lenard para samahan akong hanapin ang lost soul ni Papa. Sinabi kong mag meet nalang kami sa isang coffee shop.
Nakarating na ako ng coffee shop nandoon na din si Lenard, umupo na ako sa harap niya.
"Lenard, saan ko pwede hanapin si Papa." Tanong ko sa kanya.
"Hindi mo kailangan hanapin ang Papa mo Iris dahil siya ang kusang lalapit sayo."
"Pero?.. paano? Ilang linggo na hindi pa siya nag papakita sakin?" Pag aalala ko at nahahalata na ni Lenard ang pag ka inis ko.
"Chill ka lang Iris. Sabi ko sayo siya ang kusang lalapit sayo."
Aakma na sana akong tumayo ng hinawakan niya ang braso ko.
"Saan ka pupunta?"
"Hindi ko alam. Bitawan mo ako."
Agad naman niya akong binitawan, lumabas na ako ng coffee shop, naguguluhan ako kung saan ako pupunta. Gusto ko na makita Papa ko. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko itanong bakit niya kami iniwan ka agad. Sa kakaisip ko kay Papa, hindi ko namalayan na nasa gitna na ako ng kalsada, bumalik lang ako sa katinuan ng marinig ko ang isang truck na malapit na sakin. Napapikit nalang ako, naisip ko na, wala din naman na akong kwenta dahil sarili kong ama hindi sakin nagpakita, walang kwenta messenger.
Nagulat ako ng may yumakap sakin at napahiga kami sa gilid ng kalsada. Akala ko mamatay na ko, handa pa naman na ako mamatay. Minulat ko ang aking mata ng makita ko si Blue.
"Bakit mo ko niligtas?"
"Nothing. You can't die first." Ani nito.
Inalalayan niya ko para makatayo. Nag dudugo ng kaunti ang aking siko ganon din ang aking binti na may galos. Inabutan ako ni Blue ng panyo ng aabutin ko na ang panyo nagulat ako na may kumuha nito.
"Anong ginawa mo sa kanya! Diba sabi ko sa inyo huwag na huwag mo siyang lalapitan!!" Galit na galit si Lenard at sinuntok siya si Blue ng walang alinlangan.
Pinipigilan ko si Lenard pero sobrang lakas niya, hindi gumaganti si Blue sa kanya. Hinahayaan lang ni Blue na dumapi sa kanya ang mga suntok na binibigay ni Lenard. Hanggang sa napagod si Lenard, at bakas sa mukha ni Blue ang bugbog na inabot niya.
Hinatak ko si Lenard palayo kay Blue.
"Ano bang ginagawa mo Lenard!! Siya ang nagligtas sakin!! Bakit mo siya binubogbog!!"
"Ang tigas ng ulo mo Iris!! Sabi kong lumayo ka sa kanya!! Dahil baka siya nag pumatay sayo!! Naiintindihan mo ba!!"
Nagulat ako sa sinabi ni Lenard. Baka siya nag pumatay sakin? Kaya ba sinabi ni Blue kanina na "You can't die first". Teka? Naguguluhan ako? Palabas lang ba ang lahat ng ito?
Lenard bakit ka ganyan? Sobrang protective mo na, bakit parang feeling ko di kalang Protector ko. Ibang iba ang pakiramdam ko kapag ikaw kasama ko, masaya ako na pinag tatanggol mo ako. Pero hangga't kaya ko pipigilan ko ang nararamdaman ko. Hindi pwedeng ma-fall sayo. In fact, this is just a mission, nothing will be between us.
Hinatak na ako ni Lenard pasakay sa kotse niya, ihahatid na niya ako pauwe. Hindi kami nag iimikan. Hanggang sa pag baba ko. Hindi kami nag uusap.
Dumeretso na ako sa kwarto ko. Nakakapagod na araw ito. Hinayaan ko nalang na makatulog ako.
---
Fieldtrip
5am in the morning ginising ako ni mama.
"Iris. Samahan mo ko maghatid sa mga kapatid mo." Pag aaya ni mama.
"Ma. Inaantok pa ako. Ikaw nalang." Bumalik ako sa pag tulog.
--
"Iris! Tulungan mo kami, hindi na kami makahinga ng mga kapatid mo. Iris!!"
Nagising ako ng mapanaginipan ko si Mama at mga kapatid ko. Kinakabahan ako ng sobra. Yung tibok ng dibdib ko hindi biro. Sa sobrang pag aalala ko, tinawagan ko si mama! Pero hindi niya sinasagot, mga ilang minuto ang lumipas hindi ko tinigilan ang pag tawag kay mama, hanggang sa sinagot na niya ang tawag ko.
"Iris! Anong problema? Nasa bag ko ang cellphone ko kaya di ko nasasagot tawag mo."
"Ohhh ma!! Are you okay? Sila Rein nasan na?"
"Hinatid ko na sila kanina Iris, nang nakaalis na ang bus nila umalis na din ako at dumeretso sa isang coffee shop." Paliwanag ni mama.
Agad naman ako kumalma na nalaman kong okay sila. Pinatay ko na ang tawag kay mama. At naghanda na sa pag pasok sa school.
*Ding dong*
Binuksan ko ang main door namin at bumungad si Lenard.
"Hatid na kita." Walang emosyon niyang sinabi.
"Kaya ko pumasok mag isa..." Hindi na niya pinatapos akong magsalita ng sabihin niya na. "Huwag kang masyadong matapang Iris. Hindi mo kaya."
Wala akong nagawa. Kinuha ko ng bag ko at nilock ang bahay namin, sumakay ako sa kotse ni Lenard papunta ng school. Nang makarating na ako ng school bumaba na ko ng kotse niya. At dumeretso sa gate. Lumingon ako sa likod ko, nakita ko ng umalis na siya.
Simula ng nangyari kay Blue, naging seryoso na siya. Kung dati lagi niya akong binibiro ngayon ni HAHA wala ako naririnig sa kanya.
---A/N. Thank youuuu.
BINABASA MO ANG
IRIS
General FictionIris" Goddess of the Rainbow and messenger of gods. Iris was both a personification of the rainbow and a divine messenger. The Ancient Greeks combined these two functions in Iris, since, as a meteorological phenomenon, the rainbow appears to connect...