CHAPTER 1

149 3 0
                                    

After one year

Walang klase ngayon, at naisipan kong yayain ang family ko na kumain sa labas tutal linggo naman ngayon. Agad din naman pumayag si mama at papa.

"Wake up Casi!" Sigaw ko sabay hampas ng unan sa kapatid kong si Casi. Panganay ako sa aming tatlo. Si Casi ang bunso namin. At si Rein ang aming pangalawa at nag iisang lalaki.

Agad din tumayo si Casi, sabay kaming bumaba ng hagdan, nakita ko na din si Rein sa baba at nag aayos na din.

After a few hours, all set na. Sumakay na kami ng kotse, as usual, maingay sa kotse ganito kasi kami, kumakanta kami ng paborito naming kanta na "Your Love by Alamid". Para kaming nag roroadtrip.

Hanggang sa dumating na kami sa mall, nag aya muna ako sa National Book Store para bumili ng mga kailangan sa school.

"Ate! Ganda nito oh! IM ALSO A VICTIM, bilhin ko ba?" Tanong ni Rein sakin.

"Hmm. Mukhang maganda nga. Sige bilhin mo." Sagot ko. Mukhang interesado tlga si Rein sa libro na yon.

Nakabili na ko ng mga kailangan ko, agad naman kaming dumeretso sa isang korean grill resto as always, paborito kasi ni Mama at Casi ang korean bbq although ako din naman.

*Kring kring* tumunog ang cellphone ko.

"Hello? Bakit Jach?" Tanong ko.

"Iris! Nasaan ka? Samahan mo naman ako bumili ng gown para sa event ng Org natin, wala pa kong nahahanap e!" Halata sa boses nya ang pangangamba at excitement.

"Nasa mall ako ngayon kasama sila mama! Gusto mo punta ka nalang dito." Sagot ko.

"Hala, nakakahiya kela tita, huwag nalang pala. Wrong timing ako." Nanlumo ang tunog ng boses nya.

"Hahahah! Baliw! Ok lang yon. Pati kasi ako wala pang susuotin. So sabay nalang tayo bumili. Papaalam ako kay mama na hindi na ko sasabay pauwe sa kanila." Sagot na my halong galak.

"Sige. Punta na ko dyan. Give me one hour. Byeee." Agad nyang pintay ang linya.

"Ma! Pa! Magkikita kami ni Jach ngayon,bibili kami ng gown para sa event ng org namin." Nahinahon kong sabi.

"May pang bili kaba Iris?" Tanong ni papa.

"May konti pa naman po ko sa savings ko, ibabawas ko nalangpo doon." Tipid kong sagot.

"Huwag mo na bawasan yun nak. Oh eto 10k ipambili mo ng gown, gusto ko maganda ang anak ko sa event ha." Sabay ngiti sakin.

Nagalak naman ako sa 10k na biyaya ni papa. Sabagay, halos lahat ng kailangan ko sa school tlga ibinibigay ni Papa at Mama. Kung tutuusin swerte na tlga ako sa buhay na meron ako.

Dumating na si Jach at nagpaalam na din ako kela Mama na mauuna na ko. Dumeretso kami ni Jach sa isang store ng mga gowns. Napakaganda ng mg gowns nila dito, ang ganda din ng presyo. Mukhang nakapili na si Jach ng susuotin nya.

Hawak nya ang isang gray na my pagka silver na gown, halatang kurbang kurbaang katawan mo kapag naisuot mo ito. Habang sinusukat ni Jach ang napili nya. My pumukaw ng aking mata. Isang itim at kumikintab na gown agad kong kinuha at sinukat. Pagtingin ko sa salamin, hugis na hugis ang aking kurba. Off shoulder sya na my kaunti paglabas ng clevage. My slit sya sa kanan bahagi ng aking hita.

"Ayy Perfect mo dyan." Sigaw ni Jach sa di kalayuan.

"Miss kunin ko na to." Sabi ko sa isang sales lady.

"Sige po Maam, sa cashier nalang po." Sagot nya.

Binayaran ko na ang nabili kong gown ganon din si Jach, dumeretso kami sa isang bilihan ng mga heels. May napili na kong bibilhin, di siya ganon kataas siguro mga 4 inches lang sya. Kulay silver. Simple langang design nya.

Napagdesisyunan na namin na umuwe na, naghiwalay na kami ni Jach dahil mag kaiba kami ng way pauwe.

Habang nag aantay ako ng bus pauwe sa bahay namin. My biglang bumungo sakin.

"Aray! Tumingin ka sa dinadaanan mo! Laki laki ng daanan oh!" Sigaw ko sa bumangga sakin.

Nagulat ako ng kausapin ako ng isa sa mga nagaantay ng bus.

"Miss, wala naman bumabangga sayo." Sambit nya. Agad akong lumingon sa kabilang gilid ko.

"Ehh! Sino!!! Bumu----- "Natigilan ako dahil nagulat ako, ako mismo sa sarili ko di ko ma-explain. Walang tao sa gilid. Pero alam kong my bumunggo sakin. Masakit pa nga balikat ko. Pero bakit nawala siya?impossible naman.

"Wala kang nakita kuya? Meron bumangga sakin." Paliwanag ko sa lalaking nasa gilid ko.

Ramdam kong lumalayo mga taong nag aantay ng bus. Naririnig ko din silang bag bubulungan. Na kesyo baliw daw ako.

Nanahimik nalang ako at nag dadasal na sana my dumating ng bus dahil sobrang kahihiyan ginawa ko.

Dumating na din sa wakas ang bus, agad akong sumakay at umupo sa pinaka dulo. Napatingin ako sa waiting shed kung saan ako nag aantay kanina, my isang lalaki na nakatayo at nakatingin sakin. Ang creepy nya. Di nya inaalis ang tingin sakin. Bigla ko napaisip, sya yung bumangga sakin. Sobrang tigas ng katawan nya kaya ramdam ko padin ang sakit sa balikat ko.

Hanggang sa umalis na ang bus at iniisip ko pa din kung bakit hindi nakita ng mga tao kanina yung bumangga sakin. Napaka creepy naman.

Nakaidlip ako sa bus hanggang sa narinig ko ang kundoktor sa sumisigaw na 5th ave na. Agad ako nag ayos at bumaba ng bus. Nag lalakad na ko pauwe ng bahay medyo madilim na din sa daan. My mga bukas pa naman tindahan kaya medyo maliwanag pa.

Habang nag lalakad ako my bumangga nanaman sakin.

"Aray!! Ano ba naman buhay to! Di kaba tumitingin sa dinadaanan mo." Sigaw ko habang pinupulot ang mga nahulog kong gamit.

Lumingon ako sa paligid ngunit wala naman tao. Sa sobrang kaba binilisan ko ng pag aayos ng gamit ko at nagmamadaling umuwe. Hindi na maganda nangyayare ngayon sakin ha.

Nasa bahay na din ako sa wakas. Makakapahinga na din ako.

"Ate! Let's play." Pag aaya ni Casi sakin.

"Casi Im tired. Go to Kuya Rein's room." Tipid kong sagot. At ramdam ko na ang pag pikit ng aking mga mata.

Casi POV

"Ate let's play."

Ate Iris rejected me. I want to play! I already went to Kuya Rein but he also rejected me, he is busy playing ML. I also went to Mama and Papa's room but they are sleeping.

I went to the living room. And someone knocks on the door. I check it to know who is it.

"Who is it?" I asked.

But nobody is answering me. So I sat on the couch and play alone. And the the door knocks again.

"Who is it?!" I shouted.

I went to the door to open, and here is a man. He gave me a bunch of candies and smile at me.

"Who are you?" I asked him. And he walks away.

"CASIIIIIIIIII!!!!! WHO ARE YOU TALKING TOO! AND WHO GAVE YOU THAT!!!" ate Iris is shouting from the second floor of our house.

I already close the door. And im happy because I have candies. Even ate Iris is mad at me.

----

A/N: englishera po si Casi, wag kayong ano! Hahahahahaha. Intindihin nyo nalang po sya. Ganon tlga kapag bata.

IRISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon