Hell- 22

1.5K 39 0
                                    

Hell's POV

Tumigil kami sa may tapat ng classroom at hinarap siya.

"Baliw kaba?" Sita ko rito. Nangunot yung noo niya. Tapos na yata sa kaka-daydream ang loko.

"Shouldn't be me the one asking that." tugon niya. "Muntik na akong mabulunan."

Inirapan ko siya tsaka nagtuloy pumasok sa classroom namin.

"Swerte di nabulunan."

"What did you say?" Tanong nito sa likuran ko. Sumunod pala ang loko. Pagkaupo ko ay nginitian ko siya.

"Hmm? Did i say something?" nakita kong nag blush siya ng kaunti. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil nanahimik naman siya.

"By any chance, do you happen to know them?" Napalingon ako kay Travis. Hindi muna ako sumagot at sumandal sa upuan ko.

"Why?" Tanong ko sabay nagkibit balikat. Kumamot lang ito sa ulo niya at umiling. Alam kong may hinala ito sa mga bagong salta.

Of course, someone could easily tell that. Ikaw ba naman na isang mafia prince ay kilala ng isang transferee student lang? How could that be happen?

I doubt it too. Something's fishy.

"Hail." Binalik ko yung tingin sa kanya. Nagsalubong yung kilay ko ng mapansin na tila may gusto itong sabihin.

"D-do you have time for weekend?" Pfffft!

Mabilis kong tinakpan yung bibig ko at tumingin sa kabilang side. Pinipigilan kong wag tumawa.

"T-tinatawanan mo ba ako?" narinig kong sabi niya. Nilingon ko siya at umiling. Tinanggal ko yung kamay ko sa bibig at pinilit na kalmahin yung ekspresyong ng mukha ko.

"You sounded like a gay."

"What?" Hindi makapaniwala ang mukha nito. Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Nung tumigil ako sa kakatawa ay nilingon ko siya ulit. Salubong ang kilay at nakasimangot.

"You made my day, seriously. I never knew that a person like you could be so gay sometimes." Saad ko habang nakangisi.

"I'm not gay, Should i proved it?" hamon pa nito. Seryoso na ito ngayon. Lalo akong na amused sa reaksyon niya.

"How?" Pagkasabi ko nun ay wala pang ilang segundo ay nasa harap ko na ito at nakapatong sa desk ko yung dalawang kamay niya. Ang lapit nung mukha niya sa mukha ko. Bigla kong narealize yung pwesto namin at naramdaman ko yung pamumula nung pisngi ko.

Nakatitig ako sa mata niya at ganun rin siya. Naalala ko tuloy dati yung ginawa kong paghalik sa kaniya nung nalasing ako.

"Ehem!" Bigla itong umalis sa pwesto ko at ako naman ay tumingin sa ibang direksyon.

"Nakaistorbo ba kami dude?" Narining kong kantyaw ni Kenzo.

Muntik na yun, shit..


•••

Travis POV

Sinamaan ko ng tingin sila Kenzo. Kahit kailan talaga mga wrong timing dumating. Tsk!

Bumalik nalang ako sa upuan ko at nangalumbaba. Lumapit sakin sila Kenzo at Nath.

"Hail, niyaya ka na ba ni Travis sa sabado?" Bigla akong natigilan at nilingon yung pwesto ni Hail. Nakakatitig ito sakin ng seryoso.

"Nope." Tugon nito. Nilingon ako ni Kenzo. Tinitigan ko lang siya ng masama. Mukhang nakuha siya sa tingin kasi napakamot ito sa ulo.

"So this is all about earlier? The one you are asking." Muntik na akong atakihin sa puso ng marining yung boses niya sa tabi ko. Napalingon ako sa kaniya at tumango.  Nagkibit balikat ito at umupo sa harapan kong desk.

"Anong meron?" muling tanong niya.

"Mag c-celebrate kasi ng wedding anniversarry yung grandparents ko." Nahihiyang kwento ko rito. "And my parents insisted to bring you there." Pagkasabi ko nun ay nilingon ko siya. Nakatitig siya sa akin at tila nag-iisip ng isasagot.

"Sure."

"Yun oh!/Nice one!" Sinamaan ko ng tingin yung dalawa. Tumahimik naman agad ang mga ito. Muli akong lumingon sa pwesto ni Hail.

"Susunduin nalang kita sa inyo."

"No. Dito mo nalang ako sunduin."

"Sige. I'll just text you kung anong oras." Pagkasabi ko nun ay tumango lang ito tsaka bumalik sa upuan niya.
Maya-maya ay umupo narin sa tabi ko yung dalawa.

"Ang weird parin. Hindi ako makapaniwala na mag-i-invite si tita ng outsider sa event na gaya nito."  Sabi ni Nath sa tabi ko. Tahimik lang ako na nakinig.

"Oo nga." sang-ayon maman ni Kenzo. Hindi kasi nila alam na one time nadala ko si Hail sa bahay at na meet ito nila mom at dad. Isa pa, hindi ko na trabaho ang ipaalam iyon sa kanila.

Ilang minuto pa ang lumipas ng biglang nag ring yung bell. Indikasyon na tapos na yung break time. Marami naring nagsibalikan sa room namin. Maya-maya ay biglang pumasok yung grupo ng magkakapatid na transferee. Pero nasa isang tao lang  nakapokus yung atensyon ko. Sa Van.

Nakatitig rin ito sa akin. Nung lumagpas sila sa pwesto ko ay narinig ko yung sinabi niya sakin. Naikuyom ko yung palad ko.

You won't have her?

Let's see.

•••

Hell: The Heartless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon