Hell- 23

1.4K 40 0
                                    

Someone's POV

(UNO! WHERE ARE YOU, DAMN IT!) Hindi ako sumagot ng marinig sa receiver yung tinig ni Tres. Naririnig kong nagkakagulo na sila sa kani-kanilang mga pwesto.

I wasn't responding to them because my eyes were focused to the girl i saw hiding behind the bush. Medyo malayo ang pwesto ko mula rito. Nasa taas kasi ako ng isang puno na may kalayuan sa pwesto niya.

Kasalukuyang ni-r-raid namin yung ibang hideout ng assassin na sakop ng Kaeden Mafia. Nautusan kaming ubusin ang mga ito para mawalan ng sagabal ang heiress.

"Go after them. I'll follow you guys later." Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at pinutol ko yung linya ko sa receiver.

What is she doing here?

•••

Yvonne's POV

"Come on! Pick it up... Shit!" Balisa kong tinago muli yung phone sa bulsa ko. Bakit kasi kung kailan kailangan na kailangan ko si Hell ay hindi macontact. Bukas na sana ang uwi namin ni Zoey pero nadisgrasya pa.

"What should i do?" Hindi ko na alam ang gagawin sa mga sandaling iyon. Hindi ko magawang macontact sila Kuya Azarias pati sila Kylix. Siguro dahil sa signal sa lugar na ito.

Ngunit biglang akong natigilan ng may presensiya akong naramdaman sa likuran ko. Akmang lilingunin ko ito ngunit bigla nitong tinakpan yung bibig. Sisigaw na sana ako ng bigla itong nagsalita.

"What are you doing in a place like this? Are you dumb?" malamig na saad nito. Nagsalubong agad yung kilay ko at pinilit na tanggalin yung kamay niya sa bibig. Nang matanggal ko iyon ay tsaka ko ito hinarap. Nagulat ako ng mapansin ang suot nitong maskara na mata lang ang takip. Napalunok ako ng magtama yung mata namin. Masyadong malamig ang titig nito. Para akong tinutunaw na yelo.

"U-uhh... S-si--Yung kaibigan ko! K-kinuha siya nung mga lalaki kanina. Sinundan ko sila rito." Paliwanag ko sa lalaki. Tumingin ito sa harapang gate ng bahay at tsaka muling tumingin sa akin.

"Just stay here. Don't do anything reckless." utos nito sakin at akmang aalis ng bigla ko siyang pigilan sa braso.

"W-wait! What are you going to do?"

"I told you too stay here. Do as i say or you'll never meet your friend again." pagkasabi niya nun ay napatango nalang ako at binitawan yung braso niya. Ilang saglit lang ay nawala na ito na parang bula sa paningin ko.

Balisang napaupo ako sa lupa. Ngunit natigilan ako ng marinig yung pagtunog ng cellphone ko. Kaagad ko naman iyong kinuha at ganun nalang ang tuwa ko ng makita ang pangalan ni Hell sa caller. Kaagad ko yung sinagot at naluluhang nag kwento.

•••

Hell's POV

Pagkauwe ko sa bahay ay wala akong naabutan na tao. Nagpaalam kasi sila Kuya Azarias na uuwe sa bahay dahil pinatawag daw sila ng magaling nilang ama. Siguro ay related iyon sa wedding aniverssary ng grandparents ni Travis. Sila Kylix naman ay nakatambay sa bar.

Napabuntong hininga na lang ako at tinungo yung kwarto ko. Ang tahimik ng buong paligid. Parang hindi na ako sanay. Kung dati ay kaya kong mag-isa, ngayon ay parang hindi ko na kaya.

Naisipan ko nalang kunin yung phone ko. Napakunot noo ako dahil naalala kong napatay ko yung phone ko kanina. Binuksan ko iyon at maya-maya ay rumihistro yung number ni Yvonnes sa missed call. I have a bad feeling about it. Kaagad kong dinial yung number nito at wala pang ilang segundo ng sagutin nito ang tawag.

(H-hell... Help me.) Napahigpit ang kapit ko sa phone.

"What happened?!" Seryoso ngunit mariin kong tanong rito. Nag-umpisa na itong umiyak sa kabilang linya.

(They took Zoey. Nandito ako ngayon sa pinagdalhan sa kaniya. I followed them...) Kwento nito. (A-also.. There's a guy wearing a mask that help me a while ago.)

Mask?

"Anong kulay?"

(B-black. Mata lang yung natatakpan. T-tsaka parang may numerical symbol yung sa bandang noo ng mask.)

Uno?

"Okay. Yvonne, text me your location. I'm going there." Utos ko rito tsaka lumapit sa closet ko. "Stay safe, okay?"

(O-okay.) Pagkatapos nun ay kaagad nang naputol ang linya. Mabilis kong kinuha yung gamit ko. Hindi na ako nagpalit pa ng damit. Maya-maya lang ay nareceived ko na yung location ni Yvonne. Kaagad kong kinonekta iyon sa Tracker ng cellphone ko. Ginamit ko yung Koenigsegg Agera kong kotse. Mas mabilis kasi yun. Maya-maya pa ay tinahak ko na ang daan papunta sa lokasyo ni Yvonne.

Hell: The Heartless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon