Hell- 26

1.7K 53 23
                                    

Travis POV

*BOOOOOOOOOOOGSHH*

Lahat kami napako ang tingin sa sumabog na venue. Natulala ako bigla.

Si Hail..

"Travis!" narinig kong tawag ni Nath. Mabilis kasi akong bumaba sa yate. Hindi ko pinansin ang tawag nila at nagpatuloy lang sa pagtakbo papunta sa nasusunog na venue. Pagkarating doon ay walang takot ko na nilusob papasok yung loob para hanapin si Hail.

"HAIL!!" Sigaw ko sa pangalan niya habang tinatalunton yung mga kwarto.

"HAIL!! WHERE ARE YOU!?" Pumunta ako sa kwarto nila lolo at lola. Daig ko pa yung multo na tinakasan ng kaluluwa sa nasaksihan. Nakita ko ang nakahandusay at duguuan na katawan ni Hail. May nakadagan rin sa katawan niya na bitak ng kisame sa pagsabog kanina.

Patakbo ko siyang nilapitan at buong lakas na binuhat yung bitak na kisame. Nang maalis yun ay tsaka ko lang napansin na may dumadaloy na pulang likido sa tagiliran niya at ulo. Kaagad ko ring napansin yung hawak niya. Nang kunin ko iyon ay isa lang palang kwintas. Kaagad ko nalang iyong nilagay sa bulsa at muling dinaluhan si Hail.

"Shit! Shit! Shit! H-hail... Damn!"  napapamura nalang ako sa nararamdaman na kaba. Ngayon lamang ako nakaramdaman ng ganito. Kaagad ko siyang binuhat.

"Hang in there..." patakbo kong tinahak palabas. Medyo kumakapal narin ang usok sa apoy. Nang marating ko yung yate ay lahat ng atensyon ay napunta sa akin habang karga ang duguang katawan ni Hail.

"W-what the fuck!" gulantang na saad ni Kenzo ng makita ako.


"We need to leave now! She's in danger!" Malamig na utos ko rito. Taranta naman itong napatakbo. Maya-maya lang ay umandar na yung yate.

Mahuli ko lang talaga ang may gawa nito ay tiyak na ako mismo ang maglilibing sa kanila ng buhay!

•••

Nang makauwi kami ay kaagad naming isinugod si Hail sa pinakamalapit ma hospital. Kasama ko ngayon sina Kenzo at Nath. Kinakailangan narin kasing magpahinga ng mga magulang namin kaya hindi na ito nakasama pa. Nasa labas kami ngayon ng operating room. Kasalukuyan pa kasi siyang inooperahan. Sa tingin ko rin ay ilang minuto nalang ay maari na akong mabaliw sa pag-aalala sa kaniya.

"Travis..." Nag-aalalang tawag sakin ni Kenzo. Seryoso ko silang nilingon.

"May impormasyon na ba sa lumusob kanina?" tanong ko kay Nath. Umiling lang ito. Naikuyom ko yung kamao ko.

"Travis, sinubukan ko ng hanapin yung kamag anak ni Hail pero wala akong mahanap." biglang sabi ni Kenzo sa harap ko habang hawak yung phone nito.

Napakunot noo ako.

"Si Yvonne?" umiling ito. "Hindi ko ma-contact."

Shit!

"Pero alam mo... Kung iisipin wala tayong alam sa pagkatao ni Hail. Hindi ko nga alam ang buong pangalan niya." biglang saad ni Kenzo. Nagkibit balikat naman si Nath.

"Yeah. She's really mysterious." sang-ayon naman ni Nath.

Maya-maya lang ay natigilan ako. Bigla kong naalala yung kwintas ni Hail. Kaagad ko iyong kinuha sa bulsa ko. Lumapit sila Kenzo at Nath sa harapan ko.

"Kanino yan?" Tanong ni Kenzo.

"Kay Hail." sagot ko naman habang kinikilatis yung kwintas. May mga initials na nakaukit sa gintong simbolo. Parang pamilyar iyon. Hanggang sa bigla akong natulala.

S.N.D.R.S......

"H-hey... is that a Sander's emblem?" kinakabahang turan ni Nath sa harap ko.

Sanders... S-sanders?

"B-bakit na kay Hail yung symbol ng dating may hawak ng A.G.M world? D-dont t-tell m-me..." kinakabahang turan ni Kenzo.

Isa lang ang pumasok sa isip naming tatlo... Na posibleng kabilang si Hail sa Sanders.

"WHERE IS SHE!?"

•••

Azarias POV

Nang matanggap ko yung balitang nasa hospital si Einsha ay kaagad akong pumunta roon kasama ang kambal.

Nang makita ko sila Travis ay kaagad akong lumapit sa pwesto nila.

"WHERE IS SHE!?" Galit na tanong ko sa kanila. Natigilan naman silang tatlo at puno ng pagtataka.

"H-hey bro.. Chill." narinig kong tawag ni Devron sakin. Masama kong tinitigan si Travis.

"What happened to her?" Kalmado ngunit matigas na tanong ko rito. Hindi agad ito nakapagsalita at napansin ko yung pagkuyom ng kamao nito.

"She was lying there when i arrived... Hindi ko nahuli ang may gawa." mahinang sagot nito. Tinapik naman ni Aldous yung balikat ni Travis.

"B-bakit pala kayo nandito kuya Azarias?" biglang singit ni Kenzo. Lumingon ako kila Devron at Aldous. Tumango lang ang mga ito.

"Einsha... Is our sister." pagkasabi ko nun ay ganun nalang ang gulat na pumaskil sa mukha nila.

"H-hail was a Sanders.... And lacsamana?" natigilan ako sa narinig.

"How did you know?" malamig na tugon ko. May inabot itong kwintas sakin. Pagkatingin ko doon ay ganon nalang ang hinagpis ko.

"That was our mother's necklace given to Hail when she's still a child." mahinang sabi ko. 

"Kuya... Sigurado akong sila ang may gawa nito." galit na turan ni Devron.

I'll fucking kill those Kaeden!

"S-sino?" tanong ni Travis. Galit na nilingon sila.

"Kaeden Mafia." pagkasabi ko nun ay natigilan silang tatlo. Sa simula palang ay Kaeden na ang may kasalanan ng lahat. Sisiguradin kong magbabayad sila sa ginawa nila sa pamilya ko.

•••

Hell: The Heartless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon