Hell- 29

1K 31 13
                                    

Travis POV

Dalawang araw na ang nakakalipas at ganun parin ang sitwasyon ni Hail. Simula nung malaman kong wala itong maaalala ay tila may parte sa puso ko ang sumabog. Ang layo nito sa Hail na nakilala ko.

"Kuya, nasan sila kuya devron at aldous?" nakangiting tanong ni Hail kay Kuya Azarias.

"Nagt-trabaho sila ngayon. Wag kang mag-alala at dadalaw rin sayo yun, okay?" napangiti naman si Kuya Azarias ng tumango si Hail. Simula nung pangyayaring iyon ay napagdesisyunan naming walang babanggitin kay Hail na kung ano. Dahil hindi kami makilala ni Hail ay pinakilala kami ni Kuya Azarias sa kaniya isa-isa. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako dahil nginingitian ako ni Hail ng matamis o malulungkot dahil wala akong naririnig na mura sa bibig nito kada kita sa akin.

Pumasok narin sila Kenzo sa L.A dahil iyon ang inutos ko. Ako lang ang hindi pumasok dalawang araw na dahil gusto kong bantayan si Hail. Mabuti nalang din at pumayag si Kuya Azarias. Pagkatapos din naman ng klase nila Kenzo ay dumadalaw sila dito kasama yung kagang at kaibigan ni Hail.

"Travis, bakit ka nakatulala?" nagulat ako ng biglang nagsalita sa harapan ng mukha ko si Hail. Kahit papaano ay nakakagalaw na ito ng kunti.

Shit! Shit! Halos rinig ko na yung sariling tibok ng puso ko. Napansin ko ang nakangising si Kuya Azarias.

"Travis?" muling tawag ni Hail sa akin. Kinakabahang tumawa ako at umatras ng kaunti sa kaniya.

"Sorry, may iniisip lang kasi ako." pagrarason ko sa kaharap. Nangunot ang noo nito at painosenteng tumitig sakin.

Shit! Saglit akong umiwas ng tingin at binaling ang tingin sa mansanas na nasa side table.

"Ahh, hail! Apple gusto mo?" pagbabago ko sa usapan at tinuro yung mansanas sa kanya.

"Wala pa akong gana kumain." sagot naman nito. Napakamot ako sa batok at nag-isip nang maaaring sabihin. Ngunit bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Kuya Azarias.

"Hail, punta lang muna si kuya sa labas. Si Travis na muna magbabantay sayo, ah?" natigilan ako sa sinabi ito at kaagad na lumingon sa kaniya. Binalingan ako nito at ngumisi ng lihim.

"Saglit ka lang?" tanong naman ni Hail na may bahid ng lungkot. Pinisil lang ni Kuya Azarias yung pisngi nito ng marahan.

"Don't worry, i'll be back soon."

"Okay.... Bumalik ka ah?" gusto kong sumabog sa kinauupuan ko. Hindi ko makayanan ang kainosentehan ni Hail.

"Yep, promise." pagkasabi nun ni Kuya Azarias ay humarap ito sakin at tinap ako sa balikat. "Kaw muna bahala dito."

Tumango nalang ako. Bago ito tuluyang makaalis ay nahuli ko itong ngumisi sakin. Napailing nalang ako sa isipan. Maya-maya din ay binalik ko ang tingin kay Hail. Nakatitig rin ito sa akin kaya naman bahagya akong namula na hindi pinahalata dito.

"Travis... Can i ask you something?" natigilan ako sa sinabi niya.

Nag-alangan pa ako bago sumagot. "A-ano yun?" bwisit! Bakit ako nauutal?!

"Do you have a girlfriend?" muntik na akong atakihin sa puso ng marinig iyon. Seryoso lang itong nakatitig sakin habang ako ay hindi makapagsalita dahil sa pagkabigla.

"W-why did you ask?" i'm stammering again, geez!

Hindi siya sumagot agad at tumitig lang sa akin. Mas lalo ko tuloy naramdaman yung pagbilis ng tibok ng puso. Halos tila kakawala narin ito sa dibdib ko sa sobrang bilis.

Hell: The Heartless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon