Hell-3

4.8K 175 1
                                    

Hell's POV

I calm myself before taking a leave. Tatayo na sana ako ng may nabangga ako sa likuran ko. Hindi ko na inabalang lingunin kung sino iyon. Nagdire-diretso na ako palabas.

Napahinto ako ng makita ko admin na papalapit sa akin. Pagkahinto nya sa harap ko ay may inabot sya sa akin na isang envelop at paper bag.

"Nandyan na lahat ng kakailanganin mo. Sabi ng Dean pwede kana pumasok." sabi nito habang di makatingin sa akin. Hindi nalang ako kumibo at kinuha  iyon tsaka umalis.

Habang naglalakad sa corridor ay binuksan ko ang laman ng envelop. Nakalagay doon ang schedule ko kasama ang I.D number at isang susi para sa locker ko.

Nagtungo muna ako sa cr upang magpalit ng school uniform. Matapos kong magpalit ay nagtungo ako sa locker ko tsaka nilagay ang damit na suot suot ko.

Hanggang ngayon ay okyupyado parin ang isip ko sa nangyari kanina.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magwala sa loob-loob ko. Pakiramdam ko ay nagising ang demonyo ko na matagal ng natutulog sa kaibuturan ng puso ko.

Pinilig ko nalang ang ulo ko tsaka naglakad patungo sa classroom ko. Tahimik sa loob ng marating ko. Walang katok na pinasok ko ang loob.

Napatingin sa akin ang lahat ng pagpasok. Nang ibaling ko ang paningin ko sa guro namin ay nakita ko ang pamumutla niya.

Ow? Dito pala siya nalipat.

Walang imik na lumakad ako sa bakanteng silya na malapit sa pinakadulo. Tumabi ako sa taong nakayuko. Mukha yatang natutulog.

Pansin kong nakatingin parin sakin ang lahat. Sinuot ko yung headset sa ulo ko tsaka binalingan ang gurong nasa harapan ko. Kitang kita ko sa mata niya ang takot at pamumutla.

Isa syang teacher sa dati kong school. Napilitan syang umalis sa school na yun dahil sakin. Biruin mo nga naman ang tadhana.

"A-ah, B-bukas na lang n-natin ituloy ang lessos. C-class dissmised." Bakas sa tono nito ang panginginig. Alam kong nakatingin sya sakin habang sinasabi iyon. Nang umalis ito ay may biglang lumapit sa harapan ko. Prente lang akong nakaupo habang nakadungaw sa labas ng bintana.

Naramdaman kong hinampas niya yung desk ko. Blangkong nilingon ko sila.

"Your new here?" plastik na tonong tanong nito. Hindi ako sumagot ngunit nakatingin lang ako sa kaniya. Nakita kong nainis yung kasamahan niya sa inasta ko kaya bigla akong kinwelyuhan nung isa.

"Sumagot ka pag tinatanong ka!" sita nung kumwelyo sakin. Hinugot nito yung headset ko tsaka pabalang na hinawakan yung mukha ko.

"Matibay ka ah? Let see." nakangising banta nito. Kanina ko pa inaasahan ang susunod niyang gagawin. Walang hirap na ginagap ko ang palad niya na dapat na sasampal sakin. pabalang na binitawan ko iyon tsaka tinulak yung kumwelyo sakin. Narinig ko ang pagingay nung mga tao sa loob. Hindi siguro nila inaasahan ang paglaban ko.

Tumayo ako tsaka nilingon sila gamit ang malamig kong pagtitig. Nakita ko ang pagbabago ng expression nila.

"SHUT UP!" Natigilan ako ng biglang sumigaw yung lalaking kaninang natutulog. Nakita ko ang malamig niyang pagtitig sa amin. Hindi naman ako nagpatalo. Maya-maya lang ay nagbaling siya ng tingin sa mga babaeng nasa gilid ko.

"Get lost!" Cold na turan nito. Nakita ko kung papaanong nagmadali ang mga babaeng iyong na tumayo. Yumuko pa ang mga ito sa lalaking nasa harap ko tsaka humingi ng tawad bago nagmamadaling umalis.

Muli niya akong nilingon gamit ang malamig nyang pagtitig. Wala lang sa akin iyon dahil hindi ako naapektuhan. Binalewala ko ang pagtitig niya sakin at muli akong umupo sa upuan tska sinuot ang headset sa ulo ko.

"Gosh! Di ba niya kilala si Travis? Patay siya!"

"Shh, Tumahimik ka nga. Baka marinig ka niya."

Lihim na napakunot ang noo ko sa mga bulong-bulungan ng iba. Ngunit dahil wala akong pakialam ay binalewala ko na lang.

Pinikit ko nalang ang aling mata tsaka umidlip.

●●●

Travis POV

Nilingon ko yung babaeng nasa tabi ko. Nakapikit ang mata nito at mukhang natutulog. Nagtatagis bagang na kinalma ko ang sarili.

Pagkarinig kong tumunog yung bell ay mabilis kong nilisan ang classroom.

Dumiretso ako sa Cafeteria at saktong nakita ko sila. Nakabusangot na nilapitan ko sila. Pabalang na umupo ako sa isang bakanteng upuan.

"Hey! What's up with that face?" Nagtatakang tanong ni Kenzo. Hindi ako umimik. Nakita kong sinarado ni Nathaniel yung binabasa niyang libro tsaka tumingin sakin.

"You look terrible." Biglang sambit nito. Nakita kong binatukan siya ni Kenzo.

"Shut your mouth before he kill you." Naiiling na sita ni Kenzo kay Nath. Binaling ko nalang yung tingin ko sa iba tsaka kinuha yung iniinom ni Kenzo.

"Hey! That's mine!" Saad nito habang masama akong tiningnan.

"Omigosh! look! magkakasama na naman silang tatlo!!"

"Sheeet! Ang hot talaga ni Travis pag galit!"

"Hoy! akin lang si Travis ko!"

"Waaaah! Ang cute magalit ni Papa Kenzo. Nakakakilig!"

"Mas cute si Nathaniel no!"

Napapailing nalang ako sa mga naririnig n bulungan ng mga babae. Lagi nalang ganito pag kasama ko tong dalawang to. Hindi ba sila napapagod?

"Tss." inis kong sambit.

"Travis, pupunta kaba mamaya sa meeting?" Biglang tanong ni Nathaniel. Nilingon ko lang siya tsaka nag nod.

"Sabay nalang tayong tatlo." nakangiti namang saad ni Kenzo. Hindi nalang ako umimik.

Maya maya lang ay nabaling ang tingin ko sa isang babaeng umupo sa harapan namin. Walang mababakas na emosyon sa mata nito at blangkong expression lang ang pinapakita ng mukha niya. She's the girl from the class.

"Woah! She just looks like you, but she's colder than you." amused na sabi ni Kenzo. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"I agree." sumang ayon naman na turan Nathaniel.

"Shut up or i'll gonna kill you two." Banta ko sa kanila. Bigla siyalang tumahimik at ngumiti ng pang-asar. Tsk!

"HEEEELLLL~!" Napalingon ako sa taong sumigaw. Nakita ko itong papalapit sa babaeng nasa harapan namin.

Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya nagiwas ito ng tingin tsaka umupo sa harap ng babae.

"Hell? Is that a name or what?" nagtatakang tanong ni Kenzo. Hindi ako nagsalita dahil maski ako ay naguguluhan.

Hell? What the hell is that!?

●●●

Hanggang dito po muna :D

Wait na lang ung Nxt Chap.

Thank u :)

Hell: The Heartless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon