Travis POV
Kinabukasan din ay napagagdesisyunan kong umuwi sa bahay upang kamustahin ang lagay nila lolo at lola. Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto nila lolo at lola. Saktong bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha nila dad and mom.
"How is she?" bungad na tanong ni mom sa akin. Umupo muna ako sa isang silya at saglit na sumulyap sa natutulog na matanda.
"She's out of danger. But she still doesn't regain her consciousness."
Napansin ko ang pagkalungkot sa mukha nito. Ngayon ko lang narealize kung gaano ang pagpapahalagang pinapakita nila kay Hail kahit hindi nila ito ganun kilala. Ngunit may isang parte sa utak ko ang gustong magtanong kung bakit ganun sila mag-alala para dito. Bago pa ako makapagsalita ay nilapitan na ako ni dad.
"Travis, do you have any idea what's goin on lately?" seryosong tanong ni dad sakin. Saglit akong sumulyap kay mom at muling binalik ang tingin dito.
Tumango ako. "I... I only found out yesterday."
Nawala na ang seryosong tingin nito at napalitan nang pag-aalala. Tumingin ito kay mom na tila may ibig sabihin tsaka gumanti ng tango si mom dito.
"To be honest with you son, nagulat kami nung dalhin mo si Hail sa party." pagsisimula ni dad. Hindi ako sumagot at nanatiling nakinig.
"When your grandfather realized that she might be hailsey's daughter, we almost got an heart attack." natawa ito saglit at tumingin kay mom. "Kamukhang kamukha siya ni Hailsey pero mukhang bulag si Enrio."
"Of course, Enrio won't recognize her. Pinalayas niya si Hail sa bahay nila nung bata pa sya." ramdam ko yung inis sa tono ni mom habang sinasabi iyon. Kaagad na kumunot yung noo ko.
"Pinalayas siya?" maang na tanong ko.
"I know that this might be confusing for you son, but they're family is a mess ever since Hailsey dissapeared."
"Maybe that's the reason why Enrio neglect her daughter." napatiim bagang ako. Hindi parin rason iyon para itakwil niya ang anak niya. Kaya siguro ganun nalang din ang galit nila Kuya Azarias sa ama nila. Mas lalo akong nakaramdam ng pagkaawa kay Hail. Kaya pala napakamisteryosa nito dahil sa nakaraan niya.
"May alam ba kayo kung nasan yung mama ni Hail?" tanong ko sa kanila. Ngunit parehas silang umiling.
"Hailsey was our best friend back in high school. Pero kahit na ganun kami kalapit sa isat-isa, wala siyang sinasabi tungkol sa pamilya niya." turan ni mom at halatang lumungkot ang mukha. Biglang pumasok sa isip ko yung kwintas ni Hail. Gusto ko sanang itanong sa kanila yung tungkol sa kwintas ngunit parang nawalan ako ng lakas na loob para itanong iyon. Panigurado ay wala rin silang alam sa bagay na iyon. Dahil kung meron ay sana nabanggit na nila sa akin ang tungkol sa Sanders Mafia. Ang tanging lead ko lang ay kabilang sa pamilyang sanders ang tagapagmana ng A.G.M world.
Saglit kaming natigilan ng biglang tumunog yung phone ko. Tumingin muna ako kila mom at dad upang magpaalam na sagutin yung tawag. Lumabas muna ako sa kwarto nila lolo at lola tsaka sinagot yung tawag ni Nath.
"Bakit?"
(Travis, pinapabalik ka ni Kuya Azarias sa hospital.)
Kumunot yung noo ko. "Did something happened?"
Mula sa kabilang linya ay may naririnig akong impit na iyak na nagmumula sa babae.
(Narinig mo ba?) tanong ni Nath sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Hell: The Heartless Queen
ActionHatred-The word mark to her heart and mind until she grew up. After being thrown out to their house, she found out that her father was living with his another family. She finally realized the reason why her father dislike her. Many years have passed...