Hell- 25

1.2K 38 12
                                    

Travis POV

Nakatayo kami nila Kenzo at Nath sa likuran nila Dad. Nasa harapan ngayon ang leader ng Lacsamana. Seryoso rin ang expression ng mukha nito. Mukhang alam ko na rin ang mangyayari.

"I know that this isn't the time to tell this, but i will take this opportunity since we've all gathered here." Pag-uumpisa nito. Napansin ko na napakunot ng noo ang mga anak nito sa likuran niya.

Tumayo ito at inakbayan ang anak niyang si Zane. Nagulat ang lahat.

"From now on, Zane will be the leader of Lacsamana Mafia."

Natigilan ako at nagkatinginan kami nila Kenzo at Nath.

"I will not accept this!" Mariin na sabi ng panganay niyang anak na si Azarias. Nakita ko kung paano ito pigilan ng dalawang kapatid na kambal.

"You'll regret this..." Sinamaan muna ng tingin ni Azarias ang ama bago ito tuluyang umalis. Sumunod naman yung kambal. Napailing nalang ako.

"Are you sure about this?" Tanong ni dad.

"I already made my decision since the last meeting. Is there any problem about that?"

Nagkatinginan ang mga leader ng mga mafia. Ilang saglit lang ay nabuo na ang sagot base sa mga reaksyon ng mga ito.

Pagkatapos din ng meeting na iyon ay nagpaalam muna ako kila mom para puntahan si Hail. Pagkalabas ko hindi kalayuan ay nakita ko si Hail na nakaupo sa buhanginan. Tila malalim ang iniisip nito. Lumapit ako rito at tinapik siya sa balikat.

***

Hell's POV

Maghahating gabi na at tapos na rin yung party. Pero may nagaganap ngayon na meeting sa pagitan ng mga mafia leaders. Syempre dahil outsider ako ay naiwan ako rito sa labas. Wala akong ideya kung ano ngayong nagaganap sa loob. Hindi  naman ako pwedeng pumuslit roon upang mag espisya dahil naroon ang mga matatandang Stratoss.

Umupo ako sa buhangin at niyakap yung tuhod ko. Nakatunghay lang ako sa dagat. Hanggang sa namalayan ko nalang na may tumapik sa balikat ko. Nang lingunin ko iyon ay ang nakanigiting si Travis ang bumungad.

"Tapos na kayo?" Tumango ito tsaka umupo sa tabi ko. Bumuntong hininga sya.

"Actually, i don't really get how the leader of Lacsamana think." Napakunot ako ng noo.

"What do you mean?"

"He appoint his son as the new leader." Kaagad akong natigilan at napatitig sa mukha niya.

Fuck!

"Are you okay? You look pale." Nag-aalalang tanong nito. Kaagad akong natinag at umiwas ng tingin.

Naikuyom ko yung palad ko sa inis.

Lumingon ako kaniya at tumango nalang. Nawala bigla ang mood ko. I didn't expect this to happen. Masyado yatang nagmamadali ang magaling kong ama. Siguro ay dahil nanghihina na ito at mamatay na? Nababuntong hininga na lang ako at tumayo sa buhanginan.

"San punta mo?" Tanong nito habang nakakunot ang noo.

"Cr, sama ka?" panunuya ko. Nakita ko kung paano mamula yung mukha niya. Nang hindi ito sumagot ay nagdiretso na ako papasok sa loob. Nang mahanap ko yung cr ay kaagad kong dinial yung number ni Kylix. Ilang saglit lang ay sinagot na nito ang tawag.

"Kamusta sila?" Tanong ko agad rito. Tinutukoy ko sila Yvonne at Zoey.

(Okay na sila, hera. Anong balita dyan?) humigpit ang kapit ko sa hawak na cellphone.

Hell: The Heartless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon