Zoey's POV
Tahimik lang akong nagmamasid sa mga kalalakihan na nag-iinuman sa harapan ko. Hindi ko sila kilala. Pero nung nabangga nila kami ni Yvonne kanina ay bigla nalang nila akong hinatak. Wala akong ideya kung bakit. Wala naman akong nagawang atraso sa kanila o sa kung sino pa.
Napayuko nalang ako. Ginapos nila ako kanina. Hindi ko kayang tumakas mag-isa. Kahit na nandito kami para sa training na binigay ni Hail. Hindi ko parin magawang ipagtanggol ang sarili ko.
Ganito na ba talaga kasaklap ang buhay ko? Puro nalang ba kamalasan? Wala na nga akong magulang, maaga pang kinuha ang lolo at lola ko. Naramdaman ko yung butil ng luha na tumahak sa pisngi.
"Pre, Nilulusob yung hideout natin!" Nag-angat ako ng tingin sa harapan ko. Nagkakgulo sila.
"Sinong lumusob satin?"
"M-mga tao ng Velmont's Crest."
Nakikinig lang ako sa kanila. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero sa tingin ko ay nanganganib ang buhay nila. Ngunit nabigla ako ng biglang bumaling sa akin yung tingin ng isang lalaki. Ngumisi ito.
"Wag kayong mag-alala. Hawak natin ang kaibigan ni Heartless Queen." kinilabutan ako sa sinabi nito.
"Nacontact nyo na ba ang boss ng Kaeden?" Nangunot ang noo ko sa narinig. Pamilyar iyon sakin. Pero hindi ko maalala kung ano iyon.
*BLAAAAAAAAAG*
"A-ano yun?!" Bago pa sila makakilos ay biglang namatay ang ilaw. Sa takot ko ay napaatras ako sa pader na kinasasadlakan ko. Nakarinig ako ng mga putok ng baril at hiyaw ng mga kalalakihan. Ilang minuto ang nakalipas ay bumukas ang ilaw. Wala ng mga kalalakihan bagkus ay mga patay na katawan na lang ng mga ito na nagkalat sa lapag. May isang lalaking nakamaskara ang lumapit sa pwesto ko. Nanginginig akong nakamasid sa kamay nitong may mga bahid ng dugo.
"Don't be afraid. I come here to help." Kahit na malamig ang tinig nito ay nakaramdam ako ng kaligtasan. Ganito rin kasi ang tinig ni Hail noon. Napaluha nalang ako at tsaka ito tuluyang nakalapit sa akin para kalagan ako.
•••
Hell's POV
Pagkarating ko dun ay nakita ko si Yvonne na nakaupo sa lupa. Kaagad ko itong nilapitan at dinaluhan.
"Hell!" Tawag nito sakin at niyakap ako ng mahigpit. Yumakap rin ako dito at inumpisahan siyang pakalmahin. Nang kumalma na ito ay tsaka ako kumalas sa yakap niya.
"Where they took her?" tanong ko rito. Itinuro nito yung gate hindi kalayuan sa pwesto namin. Tumayo ako at hinarap si Yvonne.
"Kahit anong mangyari wag kang lalabas sa pinagtataguan mo. Naiintindihan mo ba?" Utos ko rito. Tumango ito ng sunod-sunod. Kinuha ko sa likuran yung isang baril at inabot sa kaniya. Nakakunot noo itong nakatingin sakin.
"Gamitin mo kung kinakailangan." Pagkasabi ko nun ay kaagad kong tinungo yung lugar. Sarado yung gate kaya umakyat nalang ako sa bakod. Maayos naman akong nakalanding sa lupa. Tinalasan ko yung pakiramdam ko. Kinuha ko yung isa pang baril at nag-umpisang tahakin yung likurang bahagi ng bahay. Madilim ang paligid at tahimik.
Kung hindi ako nagkakamali ay naririto ngayon ang Tesseris Feather. Tinatarget nila ang mga assassin na hawak ng Kaeden Mafia. Alam kong kakampi sila pero hindi parin ako sigurado kung bakit kailangan nila itong gawin. Mas lalong nakakagulo sa utak ko ang mga ginagawang hakbang ng boss ng Velmont's Crest. Sino ba talaga sila?
Bigla akong naalarma ng may narinig akong kaluskos mula sa likuran ko. Kaagad ko itong tinutukan ng hawak kong baril.
"H-hail!" Bigla kong naibaba yung hawak kong baril. Tumakbo palapit sakin si Zoey at niyakap ako. Nag-umpisa itong umiyak na parang bata. Ngunit wala rito ang atensyon ko kundi sa lalaking nasa harapan namin. Blankong tingin ang ibinigay ko sa kaniya. Ngunit ganun rin ito pero may nakita akong bahid ng ngiti ang sumungaw sa labi niya. Nangunot ang noo ko. Pamilyar na ngiti. Bago ko pa magawang tawagin ang pangalan nito ay bigla na itong naglaho sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
Hell: The Heartless Queen
AcciónHatred-The word mark to her heart and mind until she grew up. After being thrown out to their house, she found out that her father was living with his another family. She finally realized the reason why her father dislike her. Many years have passed...