3.
Ilang beses akong humikab habang tutok na tutok sa screen ng cellphone ko. Nasa kalagitnaan ako ng matao at maingay na hallway. Natigilan ako sa paglalakad nang makaamoy ng pamilayar na pabango kaya awtomatiko akong napatigil sa ginagawa ko.Mabilis na dumaan si Mr. Eleavar sa gilid ko. Naiiwan ang pamilyar nyang pabango at hindi ko alam kung bakit bigla na namang kumabog ang dibdib ko. Hindi man sya nakatingin sa'kin at hindi pa tuluyang nakakalayo, bigla syang nagsalita.
"Tumingin ka sa dinadaanan mo. May tamang oras ng paggamit ng cellphone."
Napatingin ako sa hawak kong cellphone at binaling ulit ang tingin sa likod nyang unti-unting lumalayo sa'kin. Umiling ako ng ilang beses.
"My Casienne!"
Hindi ko pa man nakakalma ang sarili ko, nagulat na ako ng biglang yumakap sa'kin si Marian kaya nabitawan ko ang hawak-hawak kong cellphone. Mabilis nya 'tong pinulot at ilang segundong tinitigan ang screen.
"Hm, kelan ka pa gumagamit ng site na 'to?"
Mabilis kong kinuha sa kanya ang cellphone ko at ilang beses nya naman akong tinusok sa tigiliran. "Ikaw ha! Sinong kausap mo dito?"
Hindi ko alam kung bakit ako tinutukso ni Marian. Is it a dating site? Ang pagkakaalam ko, hindi. Tsaka kausap lang naman ang hinahanap ko. Isip-isip ko.
"Male-late na tayo sa klase. Dumaan na si Mr. Eleavar," pagbabago ko ng usapan.
"Talaga? Dumaan na si sir?" Nagtatakang tanong ni Marian.
"Oo, kaya tara na."
Naglakad kami papunta sa classroom namin. Hindi pa man kami nakakapasok sa loob, rinig na rinig na agad namin ang ingay. Maya-maya din, pumasok na si Mr. Eleavar.
Ang maingay at magulong classroom ay laging nagiging tahimik bigla tuwing dumadating sya. Ang pamilyar nyang pabango ay lagi ring umiikot sa buong kwarto.
Sa isang ilang linggong pagtuturo nya, hindi ko pa sya nakikitang ngumiti o kahit magbiro manlang sa klase. Lagi syang seryoso at hindi kikibo kung walang kinalaman sa itinuturo nya ang sasabihin nya.
"Good morning," bati nya nang hindi tumitingin sa klase.
Ilang beses akong patagong humikab at nakita ko ang pagkunot ng noo nya. Agad-agad din syang nagpa-quiz katulad ng lagi nyang ginagawa.
Nakaramdam naman ako ng matinding antok habang nagsasagot at ilang beses napapahikab. Tuwing mapapatingin naman ako sa kanya, nakikita ko syang kunot lagi ang noo. Pansin nya kayang humihikab ako sa klase?
Halos kalahating oras nagturo at nagsulat sa board si Mr. Eleavar. Seryoso syang nagturo at mukhang alam na alam nya ang sinasabi nya. Sigurado sya sa bawat salitang binibitawan nya at halos buong klase, nakikinig lang sa kanya. Kung ibang teacher kasi, nag-iingay na ang iba o di kaya, hindi nakikinig. Meron sa kanya na kinukuha ang buong atensyon ng isang tao at kapag nakuha nya na, mahirap ng kumawala.
Hindi pa man tuluyang nakakalabas si Mr. Eleavar ng classroom pagkatapos nyang magturo at magklase ay nagsalita sya ulit.
"Ms. Domingo, follow me," kalmadong sabi nya.
Awtomatikong napunta ang atensyon ng mga kaklase ko sa'kin. Halo-halong ekspresyon ang nakita ko. Ang iba, nagbabanta ng takot, ang iba nag-aalala, ang iba nagtatanong. Nang tingnan ko si Marian, punong-puno rin ng pagtataka ang mukha nya. Umiling ako ng ilang beses bago tumayo sa upuan ko.
Mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ko habang sinusundan ang mga yapak ni Mr. Eleavar. Hindi ko alam kung bakit nya ako pinapasunod sa kanya at wala akong ideya kung anong nagawa ko para ipatawag nya.
YOU ARE READING
Remembering Sunday
Romance[ Completed ] Ang bawat ala-ala ay may kalakip na katumbas.