6.
Nagulat si Mommy nang ibang tao ang bumungad sa kanya pagkabukas ng pinto. Nakapajama na 'to pero hindi pa rin natatanggal ang pearl hairclip sa buhok. Halata sa mukha nito ang antok.
"Pasensya na po kung ginabi si Cassienne," sabi ni Mr. Eleavar.
"Pasok muna kayo."
Nang pumasok kami sa loob ng bahay, mukhang tulog na ang mga tao dahil nakasara na ang ilaw sa sala. Binuksan 'to ni Mommy at pinaupo kami sa sofa. Tiningnan nya ako nang may kabuluhang tingin pero umiling lang ako dahil baka kung ano ang isipin nya.
"Anong gusto mo? Kape o juice?" Tanong ni Mommy kay Mr. Eleavar.
"Ayos lang po. Hindi rin po ako gaano magtatagal. Mukhang antok na rin po si Cassienne.. at kayo."
Seryoso lang ang mukha ni Mr. Eleavar na nakatingin kay Mommy. Si Mommy naman, hindi ko mabasa kung anong ekpresyon ng mukha nya. Binalot ng katahimikan ang buong sala, dahilan para mas lalo kong marinig ang hindi magkandamayaw na pagkabog ng dibdib ko.
"Ako nga po pala si Paulo Ruiz Eleavar. Teacher po ni Cassienne sa Math, " panimula nya.
"Cassienne saved my mom. Alam ko pong mahirap paniwalaan, pero lagi syang hinahanap at gustong makita ng mama ko pagkatapos no'n."
Tumingin sa'kin si Mommy at bumalik ang tingin kay Mr. Eleavar.
"Ipagpapaalam ko po sana kung pwede pa syang magpunta ng bahay ulit?"
Nagulat ako sa naging tanong ni Mr. Eleavar. Pinagpapaalam nya ako? Mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
"I can give the address of my house, po. I can give my number too. Ihahatid ko rin po lagi si Cassienne. Makakaasa po kayong ligtas sya palagi."
Tumingin ako kay Mommy at hindi ko pa rin mabasa ang ekspresyon ng mukha nya. Binabasa nya ang bawat galaw ni Mr. Eleavar, at sinusuring maigi.
"Makakatulong po kasi sa recovery ng mommy ko ang presence ni Cassienne," dugtong ni Mr. Eleavar.
Ilang segundong naging maingay ang katahimikan sa sala. Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Ramdam ko rin ang pagtulo ng pawis sa noo ko. Maya-maya, tumaas ang kaliwang kilay ni Mommy at bigla na lamang tumango.
"Okay, wala naman pong problema. Can I have the address and your number?"
Tumayo si Mr. Eleavar at agad na pinahiram ang phone nya kay Mommy. Nag-usap sila ng kaunti at binigyan ng paalala si Mr. Eleavar.
"Just make sure din po na hindi 'to makakasagabal sa pag-aaral nya ha."
"Makakaasa po kayo."
***
Kinabukasan, umaga at ilang beses akong humikab. Maingay na hallway at classroom ang bumungad sa'kin pagpasok ng school. Sinalubong ako agad ni Marian sa pinto. Meron sa mga mata nyang hindi ko mabasa at may nag-iba sa kanya ngayong araw. Malungkot at malalim ang mga mata nya. Did she cry? Sa isang iglap, agad syang pumulupot sa braso ko.
"Na-miss kita!" Masayang sabi nito. Dahan-dahan nya akong nahila papasok sa loob ng classroom. Umiling ako at inilapag ang bag ko sa upuan.
"Isang araw lang tayong hindi nagkita. Bakit ka nga pala absent kahapon?"
YOU ARE READING
Remembering Sunday
Romance[ Completed ] Ang bawat ala-ala ay may kalakip na katumbas.