Chapter 19

22 10 0
                                    

19.

"You're up."

Kinabukasan, nakangiti sa'kin si mommy nang mapansin ang presensya ko sa kusina. Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit mahirap.

Wala akong ganang kumilos o gumawa ng kahit ano, kaya imbis na tulungan sya sa paghahanda ng pagkain, naupo ako sa harap nya at humalumbaba. Pinagmasdan ko si mommy ng matagal at kinabisado ang bawat detalye na bumubuo sa kanya. Her skin looked so soft and white. Mahahaba ang pilik maya nya at nawawalan sya ng mata kapag ngumingiti sya. Maraming nagsasabi na para kaming pinagbiyak na bunga. Hindi rin sya nawawalan ng pearls sa katawan.

"Are you okay now? Hinatid ka ni Paulo kahapon."

Napaawang ang labi ko sa narinig ko. Tama ba ang pagkakarinig ko? Does it mean, hindi panaganip na nasa kwarto ko si Paulo kagabi? I told him something. Nangarera ang puso ko.

"Magang-maga yung mata mo kahapon, anong nangyari?"

"Dinala sa ospital yung m-mommy nya."

Excuse pero isa na ring dahilan. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam na naman ako ng sakit sa dibdib ko. Parang naungkat ulit lahat ng mga nalaman ko kahapon. Bawat ala-ala ay may kakambal na sakit, nag-ipon at dahan-dahan akong sinasaktan ng paulit-ulit.

Pansin ko ang gulat sa mga mata nya. Umupo sya sa harap ko at pinagmasdan ako.

"She's sick?"

Nangilid ang mga luha sa mata ko sa tanong nya. Ang pinakamasakit sa lahat, pakiramdam ko ako ang dahilan at punot dulo. Binigyan ko sya ng labis labis na sakit kaya sya nagkagano'n.

"I know you're not okay. May iba pa bang dahilan?"

Iniwas ko ang tingin sa kanya at yumuko.

"It's always bugging me. Pakiramdam ko ang dami mong hindi sinasabi sa'kin."

I didn't say a single word. She's my mom, ofcourse she knows. Hindi ko maiwasan ang mapangisi at malungkot na merom akong dalawang nanay. One from my past, other from this lifetime. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Are you still.."

Nagulat ako nang maramdaman  ang unti-unti nyang paglapit sa'kin. Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil ito. Her warmth melted me.

"Be honest with me, Cassiene."

Tears are falling from my eyes. Hindi ko alam kung napapansin nya 'yon pero humiling ako na sana hindi.

"Are you still having those dreams?"

Napatigil ako at napaawang ang mga labi ko. Ilang segundo akong natulala at hindi makapagsalita.

"I'm worried. Tell me."

"What do you mean, mom?"

Lumapit sya sa'kin at hinaplos ang likod ko. Tinitigan nya ako ng matagal at umiling.

"Nevermind, let's eat."

Hinawakan ko ang kamay nya nang aakma syang tatayo.

"Please tell me mom, what is it?"

Huminga ng malalim si mommy at umayos ng pagkakaupo. Tinago ko ang mukha ko at nanatiling nakayuko.

"I just have this weird feeling."

Napalunok ako. "Ang alin?"

Naging maingay ang katahimikan ng ilang segundo. She took a deep breath.

"Bata ka palang lagi mong sinasabi sa'min ng dad mo na matanda ka na, na nahulog ka sa isang mataas na building. Na hindi kami ang magulang mo. Paulit-ulit. Halos araw-araw.. Kapag gumigising ka, 'yon ang laging sinasabi mo. You even told us that the mark on your head was the proof." Naramdaman ko ang bigat ng sinasabi nya. Dali akong humawak sa likod ng ulo ko at kinapa ang malaking marka doon. Mabilis ang bawat paghingang ginagawa ko at nangangarera ang puso ko.

Remembering SundayWhere stories live. Discover now