Chapter 11

32 11 5
                                    

11.

Unang nahagip ng mata ko si Marian pagpasok ng classroom. She was smiling but her eyes didn't. Pagkatapos bumalik ulit sa tinitingnan nya sa desk nya.

Matagal tagal na rin simulang nakita ko syang may sinserong ngiti. I know there's something wrong. Pero naniniwala ako sa kanyang sasabihin nya sa'kin lahat pag ready na sya, tulad ng sinabi nya. All I can do is to trust her.

"Good morning," bati nya sa'kin nang hindi tumitingin. Nang tingnan ko ang tinitingnan nya, napagtanto kong sulat 'to.

"Love letter?" tanong ko sa kanya. Napailing lang 'to ng ilang beses.

"Nagulat ako nang may nahulog sa locker. It was cute though."

Tinitigan ko nang matagal ang sulat. Hindi ko naiwasan ang kilatisin ito. Malinis na malinis ang papel at may magandang sulat. I don't know why it reminds me of something. A certain memory flashed in my mind. A bunch of letters and wilted roses. May pinaramdam 'to sa' kin katulad ng pakiramdam na binibigay ng mga panaginip. Sorrow, emptiness, longing. And I don't know why.

"Bakit ka umiiyak?" nagulat ako nang titig na titig na sa'kin si Marian.

Doon ko lang napagtanto na may tumulo na palang luha sa mata ko. Agad ko 'tong pinunasan. Kahit mismo ako, hindi ko alam kung bakit.

"A-ang sweet kasi," pagdadahilan ko. "CR lang ako saglit."

Agad akong tumayo at pumunta ng banyo. Pumasok ako sa cubicle at napayakap sa binti ko. Hindi ko alam kung bakit walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagtagal sa banyo. Naghilamos ako ng ilang beses para matanggal ang bakas na umiyak ako. Pinilit kong pumasok at mag-take ng exam kahit ang hirap.

Isa lang ang naiisip ko habang nagte-take ako ng exam, gusto kong sabihin kay Paulo. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya lahat-lahat. Pakiramdam ko kasi, sya lang ang makikinig at makakaintindi sa'kin. Isa 'tong sugal at hindi ko alam kung maniniwala sya, pero susubukan ko pa rin. He told me I should open up, so I'll try.

Tiningnan ko ang dahan-dahang paglubog ng araw at pinakiramdaman ang malakas na ihip ng hangin na magmumula sa bintana ng classroom. Tumayo ako agad at hindi nag-atubiling pumunta sa Room 204.

Napangiti ako ng maliit nang makita ko syang nag-aayos ng gamit nya. Wala nang mga estudyante at tanging sya nalang ang natitira. Kitang-kita ko kung gaano kaganda ang mukha nya lalo na nang natamaan 'to ng papalubog na araw. I can smell his perfume, and it made my heart skip a beat.

Pero nagulat ako nang may babaeng pumasok sa kabilang pinto ng classroom. It was the same girl I saw yesterday. Ang babaeng galing din sa room na' to kahapon. Nakangiti ito habang dahan-dahang naglalakad papalapit kay Paulo. Sobrang ganda nya, at para syang prinsesa.

"Akala ko hindi na matatapos," malambing na boses ng babae.

"You don't have to wait for me," umiiling pero nakangiti si Paulo. I've never seen that smile before, she must be special.

"Of course I'll wait for you."

May kirot sa dibdib ko nang makita kong nagsalubong ang mga labi nila. Parang gumuho ang mundo ko at nakikita 'to ng sarili kong mga mata. Agad akong tumalikod at naglakad ng mabilis.

Remembering SundayWhere stories live. Discover now