8.
Napapadalas ang pag-uusap namin ni Paulo tuwing nagagawi ako sa bahay nila. Lagi nya rin ako tinuturuan ng mga lesson na naturo nya na at mga lesson na ituturo nya palang. Lagi nya ring sinisigurado na nagagawa ko ang mga assignment at project ko bago umuwi. Pinapaalala nya sa'kin lagi na pagbutihin ko ang pag-aaral ko at baka hindi na daw ako payagan ni mommy na pumunta sa kanila kapag bumaba ang grades ko. Napapailing na lang ako at napapangiti kapag sinasabi nya 'yon.
"Patapos ka na ba?" Tanong sa'kin ni Paulo nang tingnan ang assignment na ginagawa ko. Halata sa mukha nya ang antok dahil napakusot sya sa mga mata nya at humikab.
"Patapos na rin," sagot ko at ngumiti.
Nakita kong tumango sya nang makita ang mga sagot ko. Sandali syang naglakad at pumunta ng kusina. Pagbalik nya, may dala na syang isang tasa. Nilagay nya 'yon sa harap ko. Nagulat ako nang makitang gatas ito.
"Mas active ang utak sa gabi at gumagawa ka pa ng assignment. Baka mahirapan ka matulog mamaya," sabi nya.
Umupo sya sa harap ko at maliit na ngumiti.
"Baka makatulog naman ako agad," sagot ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagsusulat. I don't want to sleep too, I might wake up crying in pain again.
"Maganda nga 'yon para makapagpahinga ka na. Kahit makatulog ka pa sa sasakyan, ayos lang."
Tumitig ako sa kanya ng ilang segundo. Ginulo nya ang buhok ko at hindi ko alam kung bakit hindi magkandamayaw sa pagkabog ang dibdib ko. Parang unti-unting bumagal ang paligid at tanging pagngiti nya lang ang nakikita ko, lalo na nang nailawan ng buwan ang mukha nya.
Nakabalik lang ako sa realidad nang magsalita sya ulit.
"Ubusin mo na 'yang gatas."
Ininom ko ang gatas at akala ko makakatulog agad ako nang gabing 'yon. Dahil nang makauwi na ako at humilata sa kama, hindi nya ako pinatulog. Hindi ko matanggal ang litrato nya sa isip ko.
Hindi ko alam kung nasasanay lang ako sa presensya ni Paulo kaya lagi akong napapangiti kapag sumasapit ang uwian. Ibig kasing sabihin no'n makikita ko na sya. Isang araw, mabilis akong naglakad palapit sa kotse at nakangiti akong pumasok pero nagulat ako nang makitang walang eskpresyon ang mukha nya. Mukhang malalim ang iniisip nya na hindi nya na nagawang lagyan ako ng seatbelt kaya ako na lang gumawa. Hindi ko rin maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.
At subukang languyin
Ang lalim ng aking pag-ibig
At subukang alamin
Ang pinahihiwatig ng
Pusong nananabik
Ika'y kumawala
'Wag ng mangamba
Walang mawawalaNapakagat ako ng ibabang labi ko nang hindi pa rin 'to nagsasalita. Tanging musika lang ang nagbibigay ingay sa loob ng sasakyan. May nangyari ba? Bakit ganito sya?
"Maganda," pagtukoy ko sa kanta. Sinubukan kong sirain ang katahimikan.
Doon lang napatingin sa' kin si Paulo at napatungo. Pilit akong ngumiti sa kanya. Pinaandar nya na ang sasakyan at nagmaneho. Napanatag ang loob ko nang magsalita na sya.
"Old songs are good," sabi nya. "Pero marami ring magagandang kantang bago, kailangan mo lang talagang maghanap ng maiigi." bumuntong hininga 'to. "Nahihilig na nga ako."
Napatango ako at napangiti. Mukhang hilig nya nga ang mga bagong kanta, gano'n kasi lagi ang mga pinakikinggan nya. 'Yon lagi ang bubungad sa' kin tuwing papasok ng kotse. Ang ganda rin ng mga kantang 'yon, unang beses ko lang narinig.
YOU ARE READING
Remembering Sunday
Romance[ Completed ] Ang bawat ala-ala ay may kalakip na katumbas.