10.
Nang matapos ang buong araw na puro test paper ang nakikita ko, nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Bukas ang huling araw ng exam. The thought of seeing Paulo and his mom made me smile.
Napahinga ako ng malalim ng tumama ang malamig na hangin sa mukha ko. Tumingin ako sa bintana at palubog na ang araw. Naglalaban ang kahel, rosas at lila sa langit. Madaming estudyante ang nagsisilabasan na ng gate. Napag-isipan ko na ring tumayo sa upuan ko at lumabas ng classroom.
Umuwi ako na parang may kulang sa pakiramdam ko. Gano'ng oras, nakikinig kami ni Paulo ng music sa kotse nya habang binabaybay ang daan at konting minuto lang, kasama ko na rin ang mama nya, magkwekwentuhan sa bahay nila at sabay-sabay na kakain.
Pagkatapos kumain ng hapunan, dumiretso ako sa kwarto ko para magreview ng notes ko. Huminga ako ng malalim dahil naglalayag ang isip ko. Hindi ako makapagfocus. Ilang ulit kong binasa ang isang pahina ng notebook ko at kahit anong gawin ko, walang pumapasok sa isip ko. Parang dumadadan lang sila sa mga mata ko. Napailing ako ng ilang beses at napahawak sa ulo ko. Saglit akong humiga sa kama at naisipang kunin ang cellphone ko.
Sinubukan kong magbrowse muna sa Facebook. Sa ilang araw kong pagrereview, hindi ko na nache-check ang notifications ko. Tiningnan ko ang mga 'yon at biglang nagwala ang dibdib ko nang makita ang pangalan ni Paulo sa friend requests.
Paulo Ruiz Eleavar. Binasa ko ng ilang beses ang pangalan nya dahil baka namamalikmata lang ako. Nang hindi ako nagkakamali, pinuntahan ko agad ang profile nya.
Nakatalikod sya sa profile picture nya. Nasa isa syang museum sya kung saan nakatingin sya sa isang napakalaking painting.
Sinubukan kong tingnan ang ibang pictures nya. Mayro'ng nasa taas sya ng bundok, kung saan napapailaliman ito ng malalaking mga ulap. Meron ding nasa ibang bansa sya. Merong stolen pictures kung saan nasa classroom sya. It was like seeing the different sides of him.
I took a deep breath. Most of his pictures, he was smiling. He looked free.. and calm. Ibang-iba kung paano ko sya nakilala. Malaya nga ba talaga sya? Or he was just pretending? I know there was something about him.
Doon ko lang napagtanto na sobrang daming bagay pa pala talaga ang hindi ko alam sa kanya. Maikling panahon ko palang syang kilala at pakiramdam ko din ang dami nyang tinatago. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng takot. Mas lalo lang akong hinihila nito palapit sa kanya.
Ilang segundo akong nakatingin sa accept at ignore button. Ang bilis na naman ng kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung paano kakalma. Sandali akong napapikit nang pindutin ang accept. Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang lumabas ang chat head.
Say hi to your new friend, Paulo.
He's online. May berdeng bilog sa gilid ng pangalan nito. Binitawan ko ang cellphone ko at kinalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ang reaksyon ko sa mga bagay na may kinalaman sa kanya. Ganito ba ang epekto kapag ilang araw kaming di nag-uusap at nagkikita? Ganito ba ang epekto ng may crush?
Napagtanto ko na may mas ikakakabog pa pala ang dibdib ko nang mag-ring ang cellphone ko. Pangalan nya ang nakarehistro sa screen, at gusto nyang mag-video call. What am I going to do? Should I accept the call or not?
Nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ang cellphone. Sandali ko 'tong binitawan at hindi ko alam kung bakit dumiretso ako sa salamin. I looked pale and tired. I took a deep breath and ran my fingers through my hair. Dahan-dahan kong sinagot ang tawag.
YOU ARE READING
Remembering Sunday
Romance[ Completed ] Ang bawat ala-ala ay may kalakip na katumbas.