Chapter 16

27 10 0
                                    

16.

Nagising ako na masikip ang dibdib at hirap huminga. Walang tigil sa pagbagsak ang luha ko at wala akong ibang nagawa kun'di takpan ang ang bibig ko para di makagawa ng kahit anong ingay. My heart screamed pain. Hinabol ko ang paghinga ko ng paulit-ulit.

Nagulat ako nang may humawak sa braso ko at nakita ko ang maamong mukha ng mommy ni Paulo. Naging tsokolate ang kulay ng mata nito dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. She gave me her sweetest smile.

Agad akong napapunas ng luha ko at umupo sya sa tabi ko. She didn't say a single word. Hinaplos nya lang ang likod ko at agad akong niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong napaiyak. Parang isang tahanan ang bisig nya kung saan pwede ko ilabas lahat ng nararamdaman ko.

Pinagmasdan ko sya at wala nga akong nakitang pagkahawig nya kay Paulo. Kamag-anak pa din ba sya? Tita? Pinsan? Maybe. Malaki ang epekto nito kay Paulo. Sobra itong mag-alaga.

Nang tumahan ako, pinunasan nya ang mga luha ko at ngumiti lang sa'kin. Maya-maya, nang magising ang nurse na si Leah, nagpasalamat at nagpaalam ako sa nanay ni Paulo na lalabas lang sandali. Napapikit ako nang tamaan ng sinag ng araw pagkalabas. Bumungad ang malakas na paghampas ng alon sa dagat, ang maaliwalas na langit, ang mga ibon na lumilipad sa alapaap, at ang sariwang hangin.

Marami nang tao at ang iba'y naliligo na sa dagat. Bumaba ako ng hagdan papunta sa mga cottage at naghanap ng mauupuan do'n. Napahinga ako ng maluwag nang makalanghap ng sariwang hangin. Hinanap agad ng mata ko si Paulo pero hindi ko sya makita.

Pinagmasdan ko ang mga tao na naglalakad, naglalaro at naliligo sa dagat. Nang makaamoy ako ng pamilyar na pabango, agad na nakipagkarerahan ang puso ko. Nakita ko syang dahan-dahang naglalakad papunta sa direksyon ko. Hindi ko alam kung bakit nakita ko ulit ang mukhang nakita ko no'ng nakaraang araw. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ibang mukha ang nakikita ko kay Paulo? Or is it just a younger version of him? Kahit ano pa 'yon, hindi ko alam kung bakit sobrang pamilyar sa'kin.

Hindi ko inaalis ang titig sa kanya hanggang sa makalapit sya sa'kin. Nagtaka sya sa reaksyon ko at sandaling napangiti. Huminga ako ng malalim at napansin kong namamaga ang mata nya.

"Umiyak ka ba?"

"Did you cry?"

Sabay kaming nagsalita at napakagat ako ng ibabang labi ko habang napakamot naman ng batok si Paulo. Agad nya lang ginulo ang buhok ko at ngumiti na parang walang nangyari.

"Let's go."

Nagulat ako sa sinabi nya at napagtanto kong tinutukoy nya ang pagligo sa dagat. Umiling ako dahil di pa ako ready pero nagulat ako nang bigla nya akong hilahin. Naramdaman ko ang malamig na tubig sa paa ko at agad akong napatili. Tinawanan lang ako ni Paulo at hinila pa ako palapit kung saan umabot na sa balakang ko ang tubig.

Maaga pa kaya ramdam na ramdam ko ang lamig ng tubig. Di naman alintana 'yon kay Paulo dahil langoy sya ng langoy. Napailing nalang ako at napangiti.

Lumangoy ako at pinakiramdaman ang maamong dagat. Parang musika sa tenga ko ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Matagal din no'ng huli akong nakaligo sa dagat na, muntik ko nang makalimutan kung gaano 'to kaganda at kasarap sa pakiramdam. It felt nostalgic.

"Marunong ka pala talagang lumangoy," nakangiting sabi ni Paulo.

"I've always loved the sea, and I' ve always loved to swim."

Nawala ang ngiti sa labi ni Paulo at ilang segundo syang nakatitig lang sa'kin na parang may mali akong nasabi. Umiling lang 'to at maya-maya'y ngumiti rin. Bumalik sya sa paglangoy na parang walang nangyari.

Remembering SundayWhere stories live. Discover now