Chapter 18

22 10 2
                                    

18.

Napatakip ako ng bibig at lumapit sa ilang paintings na nasa harap ko. I traced the painting with my fingers. Hindi ito tapos, kung saan kalahati lang ang araw at hindi kumpleto ang mga detalye. Mukhang painting ito ng papalubog na araw.

"Dalian mo naman, gutom na kami." Sabi ni Alice. She was smiling so bright.

"Matatapos na 'to, sandali lang. Ngayon lang kasi ako nagkaoras dito." Nakangiting sabi ng batang Paulo.

Magpipinta na sana ulit ito pero agad silang hinila patakbo na dalawa ni Sunday. Napalingon ang batang Paulo at nakita nyang hindi pa buo ang araw na pinipinta nito.

"Yung painting ko!" Sigaw ng binata.

Mabilis na nagrehistro ang naging panaginip ko at wala 'tong pinagkaiba sa napaginipan ko. Ito yung painting na hindi natapos ng batang Paulo. Sya ang nagpainting nito. It was real. They were real. Bumilis ang kabog ng dibdib ko.

Sunod kong tiningnan ang katabing painting. It was a girl, smiling. Nawawalan ito ng mata sa ngiti nya. Her smile was so bright, it could make flowers grow in an empty field. Napahakbang ako paatras. It was.. It was.. It was Sunday.

Saka ko lang napagtanto na halos lahat ng painting do'n ay sya ang nilalaman. Nakangiti, nakatawa, habang ang iba naman ay sa malayo nakatingin.

Nagrehistro ang batang mukha ni Paulo sa isip ko. Kung paano sya tumingin, kung paano sya mag-alala, kung paanong lagi syang nasa tabi nya.. It was all her. It was all about her. He's deeply madly in love with her.

Nagsimulang sumikip ang dibdib ko at nangilid ang mga luha sa mata ko. Gusto ko nang tumigil at lumabas pero may sariling buhay ang katawan ko. Napagtanto kong nililibot pa ang paningin sa buong kwarto at tinitingnan ang mga gamit na nando'n.

Napatigil ako sa malaking kahon sa gilid ng mga paintings. Dahan-dahan akong naglakad do'n at agad itong binuksan. Natuon ang atensyon ko sa ibang gamit sa kahon na 'yon at agad kong kinuha ang cassette tape na may nakadikit na note. Kumpara sa maraming lumang papel, mukhang bago lang ang note na nakadikit dito.

I thought of you and I know you'd love this one. I miss you.

Agad kong inusisa ang cassette tape at nabitawan ko ito nang maalalang ito ang binili ni Paulo kasama ang cassette player sa shop kung saan kami unang nagkita.

Tiningnan ko pa ang ibang gamit na nand'on at napansin ang maraming sobre na katulad na katulad nang sa panaginip ko.

"Why are you keeping it?" Tanong ng binata.

Mabilis na kinuha ni Sunday ang sobre, tinago at inipit ulit ito sa libro.

"Why not though?" Tanong nya. Huminga ito ng malalim.

"Actually... gusto ko nga syang makilala."

Ito ang mga sulat na laging natatanggap ni Sunday sa taong hindi nya pa nakikita o nakikilala.

The handwritings were all the same. Kahit ang nilalaman nito ay katulad na katulad sa panaginip ko. Galing ito sa iisang tao lang. Dahan-dahan kong dinikit ang sobre sa ilong ko at inamoy ito. Nananatili pa rin ang amoy. Fresh woody scent. It felt nostalgic.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko at nakaramdam ng mga bagay na hindi ko maintindihan. Ito ang pamilyar na pabango ni Paulo. It was him?

Mas lalong nagwala ang dibdib ko. Agad akong kumuha ng sobre at binuksan 'yon. Hindi ko gaanong mabasa ang sulat dahil namumuo ang mga luha sa mata ko. Huminga ako ng malalim at agad itong binasa.

Remembering SundayWhere stories live. Discover now