5.
You: Naghintay ako ng ilang oras. Hindi ka manlang nagpakita.Stranger: What the hell are you talking about?
Tinapos ko ang conversation at nagsimula ulit ng panibago. Marahan akong napapapunas sa mga luhang tumutulo sa pisngi ko. Mabilis kong pinindot ang mga letra sa screen ng cellphone ko.
You: Bakit hindi ka manlang nagpakita? Naghintay ako ng ilang oras, hindi ka dumating.
Stranger: Horny M 20 Pasig
Hindi ko napigilang ibato ang cellphone ko sa kama. Hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha ko. Hindi ko na sya makita pa, hindi ko na sya mahanap. Hinintay ko sya ng ilang oras sa usapan naming lugar, pero hindi sya dumating. Kahit ayaw kong maramdaman, pakiramdam ko pinaasa at pinaghintay nya lang ako doon sa wala.
I'm looking forward for this day, hoping I could talk to someone. Mahirap kimkimin 'to ng mag-isa, mahirap sarilinin kaya naging desperado ako. Akala ko may mapagsasabihan na ako, akala ko may makakausap na ako na katulad ng kung anong pinagdadaanan ko, pero nagkamali ako. Nagtiwala ako agad.
Kinuha ko ang notebook sa drawer ko. Pinunasan ko muna ang mga luha kong walang tigil sa pagbagsak bago sinulat doon ang araw ngayon at ala-alang nagrehistro sa isip ko kanina habang binabaybay ang daan pauwi.
Isang dalaga, mukhang kaedad ko at nasa ospital. Walang malay.
Pagkatapos kong magsulat ay sinubukan kong tingnan ang ilang bagay na sinulat ko doon. Ang iba doon ay ilang linggo na ang nakakalipas, ang iba naman ay noong nakaraang buwan at may isa naman doon, ay sa araw ng birthday ko.
Huminga ako ng malalim at humiga na sa kama pagkatapos. Ilang ulit akong tumitig sa kisame, at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko. It hurts so much. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'tong sakit at kirot na nararamdaman ko. Parang hindi sila nauubos.
***
Ilang araw naging maingay at magulo ang classroom tuwing first subject. Ilang araw na rin kasing hindi pumapasok si Mr. Eleavar. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala at mag-isip kung anong nangyari sa kanya at sa nanay nya.
Isang misteryo pa rin sa'kin ang bigla nyang pagdating ng gabing 'yon at ang pagsabi nyang nanay nya ang babaeng binigyan ko ng pagkain. Para kasing hindi kapani-paniwala. Ano kaya ang nangyari sa kanila at nagkagano'n ang nanay nya? Anong nangyari ba't nahiwalay ang nanay nya sa kanya? At paanong sa saktong oras at pagkakataon, nando'n si Mr. Eleavar?
Napailing ako ng ilang beses. Huminga ako ng malalim at tinuon ang atensyon sa paglalakad palabas ng gate ng school. Makulimlim ang langit at nagbabadyang umulan, napaligiran ako ng mga estudyanteng nagmamadaling magsiuwi.
Magte-text palang sana ako kay Manong Ben nang may sasakyang nagbusina sa gilid ko. Hindi ko 'yon pinansin at tinakpan ang ulo ko gamit ang mga kamay ko dahil sa unti-unting pagbagsak ng ulan.
Maya-maya ay may nagbusina ulit, kinagulat ko 'yon kaya tiningnan ko kung sino ang may ari ng sasakyan. Hindi gaanong nakababa ang bintana nito kaya tumingin ako sa side mirror.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mr. Eleavar at nakatingin sya sa'kin ng mariin. Biglang hindi magkandamayaw sa pagkabog ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit.
Sumenyas sya na sumakay ako sa kotseng sinasakyan nya. Nagdalawang isip ako kung susundin ko sya pero no'ng sumenyas sya ulit, wala akong ibang nagawa kun'di ang sumunod. Isa pa, nababasa na rin ako ng ulan. Wala akong dalawang payong.
YOU ARE READING
Remembering Sunday
Romance[ Completed ] Ang bawat ala-ala ay may kalakip na katumbas.