13.
Malakas ang ihip ng hangin na tumatangay sa buhok ng isang magandang dalaga. Nakaupo ito sa ilalim ng malaking puno, nakangiti habang gumuguhit sa isang malaking papel. Pabalik-balik ang tingin nito sa magandang tanawin na nasa harap nya at sa ginuguhit nito.
"Sabi ko na nga ba."
Nagulat sya nang may pamilyar na babae ang lumapit sa kanya.
"Alice," sabi nya sa babaeng nasa harap nya.
Napatigil sya sa ginagawa at tatakpan sana ang papel na hawak nya pero huli na. Wala syang nagawa kun'di mapakagat ng ibabang labi.
"Dalawang pangarap mo sa isang papel," nakangiting sabi ni Alice sa kanya. Umupo ito sa tabi nya. Huminga naman sya ng malalim at napangiti.
Isang binata ang nagpipinta sa harap nila sa di kalayuan. Pinipinta nito ang papalubog na araw. Katulad nya kanina, pabalik-balik din ang tingin nito sa tanawin at sa papel.
"To be an artist and to be his."
Dumaloy ang init sa mukha nya at ramdam nyang bigla syang namula.
"I envy you though," dugtong nito. Sa pagkakataong 'yon, kay Alice naman sya tumingin.
"You know what you want." sabi nito at may malawak na ngiti. Ilang segundong naging tahimik pagkatapos ay nagsalita rin sya ulit.
"Nagugutom ako, tawagin mo na kaya sya. Kanina pa yan nagpipinta," dugtong nito. Sumigla ang boses nito at tumayo para uminat.
Sa huli, si Alice rin ang tumawag sa binata at napatigil ito sa pagpipinta. Ngumiti ito at sumenyas na sandali lang. Nagulat sya nang hilain papunta sa kinalalagyan ng binata at nagsimulang bumilis ang tibok ng puso nya.
"Dalian mo naman, gutom na kami." Sabi ng dalagang kasama nya.
"Matatapos na 'to, sandali lang. Ngayon lang kasi ako nagkaoras dito." Nakangiting sabi ng lalaki.
Magpipinta na sana ulit ito pero agad silang hinila patakbo na dalawa. Napalingon sya at nakita nyang hindi pa buo ang araw na pinipinta nito.
"Yung painting ko!" Sigaw ng binata.
"Hayaan mo na, wala namang bibili nyan e." Sagot ng babaeng kasama nya habang tumatawa.
Napailing lang ang binata at natawa rin ito. "Magtae ka sana kakakain."
Saka lang nila napagpagtanto na wala na pala silang tigil sa asaran at tawanan na tatlo.
Agad akong napamulat at napaupo mula sa pagkakahiga. Nagsimulang mamuo ang mga luha ko at napahawak ako sa dibdib ko. Isa 'tong magandang panaginip, pero bakit ako nasasaktan ng sobra? And why am I dreaming of this? Ilang beses ko na 'tong napapaginipan at paulit-ulit lang din ang mga nangyari.
I spent an hour crying in pain. Saka lang ako napatigil nang dahan-dahang sumisikat ang araw. It's Friday already.
Ilang beses akong napasinghot at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Sinubukan kong alisin lahat sa isip ko kung anong napaginipan ko at pinili kong tumayo at bumangon.
Nang tingnan ko ang cellphone ko, chat ni Paulo ang bumungad sa'kin. Hindi ko na nareply-an pa ito kagabi dahil nakatulog na ako.
Paulo Ruiz Eleavar: Okay na ang mga gamit na dadalhin mo?
Dahan-dahang kong sinalubong ang screen ng cellphone ko.
Cassiene Domingo: Yep, ready na.
YOU ARE READING
Remembering Sunday
Romance[ Completed ] Ang bawat ala-ala ay may kalakip na katumbas.