Chapter 15

26 10 0
                                    

15.

"Ha?"

Nakatitig ng seryoso sa'kin si Paulo na kulang nalang ay matunaw ako. Hindi magkandamay sa pagkabog ang puso ko sa sinabi at titig nya kahit marami akong hindi maintindihan.

"Nakikita sino?" Pag-ulit ko sa tanong ko.

Hindi tinatanggal ni Paulo ang titig nya at halos tumalon na ang puso ko sa kaba.

"Yung.." Panimula nya.

"Yung ano?" Tanong ko. Hindi ko napigilan ang mapalunok.

"Yung laging nakaputi at mahaba ang buhok na laging nasa likuran mo." Seryosong sagot nito.

Agad akong napaupo sa sinabi nya at aktong tatayo na. Napahinga ako ng malalim at napatingin sa likuran ko. Nilibot ko rin ang tingin sa buong paligid at napansin kong kaming dalawa lang ang tao. Malamig ang ihip ng hangin nang tumama ito sa balat ko. Biglang nanayo ang balahibo ko.

"N-nananakot ka ba?"

Magsasalita na sana ako ulit pero bigla syang tumawa. Gusto ko mang mainis o magalit, di ko magawa. Ang sarap kasing pakinggan sa tenga ng tawa nya. Ang ganda nya pang tingnan sa ilalim ng buwan.

Tumayo ako at dahan-dahang naglakad palayo sa kanya. Nadapa pa ako dahil lumusot na naman ang paa ko sa buhanginan pero mabilis akong inalalayan ni Paulo tumayo.

"Joke lang 'yon. Ang seryoso kasi ng atmosphere."

Napakangiti sya at napakamot sa batok nya. Wala naman akong nagawa kun' di ang mapakagat ng ibabang labi ko habang inaalala pa rin ang sinabi nya.

"Ikaw kaya ang nauna, sobrang seryoso mo kanina." Pagpapaalala ko.

"Kalimutan mo nalang 'yung mga sinabi ko kanina." Napakamot sya ulit ng batok nya. "Actually, nakainom ako ng isang bote ng beer."

"Kanina?" Tanong ko. What made him drink? Kaya ba gan'on ang mga sinabi nya kanina? Lasing ba sya? Dahil sa isang bote ng beer? Napailing ako.

"Oo, no'ng tulog ka."

Napahinga ako ng malalim. "Nga pala, hindi ko matandaan na humiga ako do'n."

"I carried you there," sagot nya.

Napaawang ang labi ko ng ilang segundo. Nablangko ang utak ko bigla. So, binuhat nya nga talaga ako? Hindi ko alam kung bakit nagwala na naman ang puso ko.

"Hindi na kita ginising," dagdag nya.

"Yung mommy mo at yung-"

"Gising sila kanina nang makarating dito."

Napakagat ako ng ibabang labi ko. "Ano--"

"What?" Tanong nya sa'kin.

"M-mabigat ba ako?"

Agad syang napangisi sa sagot ko. My lips parted.

"You should go inside," sabi nya sa'kin.

Napakagat nalang ako ng ibabang labi at napakamot ng ulo ko. Umihip ng malakas ang hangin at nanayo na naman ang balahibo ko. Gusto ko mang isiping biro lang talaga ang sinabi ni Paulo pero hindi ako mapakali.

"A-ayoko."

Kumunot ang noo ni Paulo sa sinabi ko na parang unang beses nya lang ako marinig magsabi ng salitang 'yon.

"Tinakot mo ko kanina at hindi ako mapapakali sa kwarto." Pagpapaalala ko.

"It's just a joke, Cassiene. Isa pa, kasama mo sila mom sa loob."

Remembering SundayWhere stories live. Discover now