7.
Malamig ang hanging tumatama sa mukha ko. Hindi 'to gaanong maramdaman ng katawan ko dahil sa nakapulupot na kumot sa'kin. Humahampas ang hangin sa mga dahon ng puno at tanging 'yon lang ang gumagawa ng ingay sa paligid. Pumikit ako at dinamdam ang pagtama ng hangin, pagkatapos ay tumingala sa langit. Bilog na bilog ang buwan at nakakakalat ang maraming butuin.
Hindi ko alam kung anong oras na pero tanging kami nalang ni Mr. Eleavar ang tao sa park. Umupo sya sa bench, katabi ko. Hindi pa rin naaalis ang pag-aalala sa mukha nya dahil sa nangyari kanina at mukhang wala syang balak iwanan ako hangga't hindi sya nakakasigurado na magiging okay ako.
"Better?" Binasag nya ang katahimikang namamagitan sa'min gamit ang malalim pero kalmado nyang boses.
Nagdalawang isip ako bago tumango. Kita ko pa rin ang pag-aalala sa mukha nya pero tipid lang syang ngumiti. Binalik ko agad ang tingin sa di mabilang na bituin sa langit. Hindi ko alam kung bakit rinig na rinig ko pa rin ang malakas na tibok ng puso ko hanggang ngayon.
"Di magandang magsinungaling," dagdag nya.
Napakagat ako ng ibabang labi ko at hindi ko magawang makapagsalita.
"You can tell me everything. Remember what I've told you?" Tumingin sya sa'kin at tipid ulit na ngumiti. "Wag ka magdadalawang isip magsabi."
"I-i don't know, sir-"
"It's Paulo," pagtatama nya. "Wala tayo sa school. You can call me Paulo. "
Nagdalawang isip ako sa sinabi nya at parang nagdikit ang mga labi ko. Ilang segundo rin ang dumaan bago ko nabanggit ang pangalan nya.
"I-i don't know. We all have our own demons and I think, we have to deal with them on our own."
Seryoso syang tumingin sa'kin at parang nagulat sa sinabi ko. Hindi sya nagsalita at inantay ang mga susunod na sasabihin ko.
"Hindi lahat ng tao may kakayang umintindi at umunawa lalo na kung hindi pa nakakaranas ng mga bagay na nararanasan mo, at may mga bagay na ikaw lang rin ang makakaresolba," sabi ko at huminga ako ng malalim sabay yumuko. Naramdaman ko ang marahas na pagtama ng hangin sa balat ko.
"Isa pa, hindi rin ako sanay na nagsasabi. Nasanay akong kinikimkim ng mag-isa. Lahat rin kasi ng tao may pinagdadaanan na kailangan nilang resolbahin mag-isa. Dadagdag pa ba ako sa iisipin nila?"
Nang tumigil ako sa pagsasalita, tumingin ako kay Paulo at nakita kong seryoso lang syang nakatingin sa'kin. Maya-maya pa, nagulat ako nang ilagay nya ang kamay nya sa ulo ko.
"Are you really fifteen?" Tanong nya at ginulo ang buhok ko. Maingat kong inalis ang kamay nya at inayos ang buhok ko.
"I'm thirty yet you sounded like someone older than me," dagdag nya.
"Thirty ka na?" Gulat na sabi ko. Nagulat sya sa naging reaksyon ko kaya ngumiti sya.
"Bakit mukha ba akong bata?" Tinaas nya ang kaliwang kilay nya. Hindi ko alam na may ganito rin syang side.
"Oo, kapag hindi ka nagtuturo sa classroom." Sagot ko sa kanya. My lips parted when he laughed. Ito ang unang beses na nakita at narinig ko syang tumawa. May kung anong nagtatambol sa dibdib ko. It was like music to my ears.
YOU ARE READING
Remembering Sunday
Romance[ Completed ] Ang bawat ala-ala ay may kalakip na katumbas.