20.
Naramdaman ko na kinakapos na ako ng hininga. Kahit gusto na ng katawan ko ang umahon, nanatili ako sa tubig. Hanggang sa nagrehistro ang mukha ng nanay ko sa isip ko. Mas lalong nanalantay ang sakit. Wala pa rin akong tigil sa pag-iyak kahit nasa ilalim ako ng tubig.
I'm making a big mistake, again. Mabilis akong lumangoy at umahon sa tubig. Nagtatalo ang lamig ng tubig at init ng mga luhang nanggaling sa mga mata ko. Yumuko ako at niyakap ang binti ko sa buhanginan. Umihip ang lamakas na hangin at dahan-dahang dumilim ang paligid.
Nanatili ako sa lugar na 'yon ng ilang araw. Lagi akong tinatawagan ni mommy at sinasabi ko sa kanyang okay lang ako at gusto ko lang magpahinga kahit sa loob-loob ko, paulit-ulit akong pinapatay.
Hindi na ako ulit nanaginip ng mga ala-alang 'yon. Gumigising ako araw-araw na hindi matandaan kung nanaginip ba ako o hindi na. Funny how it stopped when I already know the truth. Nakalaya na ako sa panaginip pero sa sakit, hindi. Para akong pinapatay araw-araw sa sakit pero alam kong bayad 'yon sa malaking kasalanang nagawa ko.
Halos ilang linggo na akong hindi pumapasok sa school at hindi nagpapakita kay Marian, Paulo o sa mga magulang ko. Gusto ko munang mapag-isa at hindi ko pa sila kayang harapin. Lalong lalo na si Paulo. I don't even know if I deserve to see him. Hindi lang ako sa nanay ko nagbigay ng sobrang sakit, sa kanya din. Bakit ko nagawang saktan ang mga taong mahal ko?
Naglakad ako sa dalampasigan at pinagmasdan ang papalubog na araw. Tinatangay ng hangin ang buhok ko. Malakas ang paghampas ng alon. Pumikit ako at pinakiramdaman ito. Tumulo na naman ang mga luha ko.
Pinanusan ko ang mukha ko at babalik na sana sa kwarto ko. Hanggang sa nagulat ako at napaatras nang makita si Paulo. Hinihingal ito at tumutulo ang pawis sa mukha. Nasisinagan sya ng papalubog na araw.
"Sabi ko na nga ba, nandito ka."
My heart skip a beat. Naamoy ko ang pamilyar nyang pabango at para akong bumalik sa nakaraan. Longing, pain, happiness. Lahat 'yon naramdaman ko bigla. Nakakapagtaka pa rin na binabalik ng pamilyar na pabango ang mga naramdaman mo nang maamoy 'yon. I didn't know the letters were from him. Naalala ko bigla ang batang mukha nya. Ang mga tingin, ngiti, at tawa nya. Lahat nagbago sa kanya, lalong lalo na ang mga mata nya. It shouted pain and longing. And it's really painful, seeing him.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
Napasapo sya sa ulo nya at napaatras. Napaisip ito sa naging tanong ko na parang saka lang nya napagtanto na hindi nya din alam kung bakit nando'n sya.
"I-i dont know."
Huminga ako ng malalim at napatalikod.
"Umuwi ka na," sabi ko at tumulo na naman ang mga luha sa mata ko.
"Ako dapat ang nagsasabi nyan."
"I don't want to go home."
Narinig ko syang bumuntong hininga pero nagmatigas ako.
"Fine, hindi rin ako uuwi."
Agad kong pinunasan ang mga luha ko at tiningnan sya. Nakapameywang ito.
"What?"
Nagsimula itong maglakad palayo sa'kin. "I'll look for a room."
Nanlaki ang mga mata ko at hinabol sya. Hinawakan ko sya sa braso at tiningnan nya lang ako.
"What are you doing?"
"Hindi ako uuwi nang hindi ka kasama."
"I don't want to go home."
YOU ARE READING
Remembering Sunday
Romance[ Completed ] Ang bawat ala-ala ay may kalakip na katumbas.