"Maam san po kayo baba?" Tanong ng driver na umiiyak padin ako ng malakas.
"Ay,maam, bakit po kayo umiiyak?, ayos lang po ba kayo?" Umiyak padin ako
"Ma'am, wag po kayong iiyak kalma ho muna kayo at san niyo pong gustong bumaba?,"
Tumaha ako at tiningnan si manong na concern
"Ibaba moko sa kung saan makakalimot ng sakit, meron ba manong?" Kinati ni manong ang ulo niya
"Ma'am ano kasi,"
"Ibaba mo nalang ako sa kung saan basta malayo dito," kalma kong sabi
"Ah,sige po," nag drive na si manong at ganon din ako na wala sa sarili masakit isipin kung bakit sa loob ng 6 years nagawa niya akong lokohin sana kung ayaw niya sinabi niya sa una palang ang tagal kong hinintay ang maging kabiyak at asawa niya kasi siya lang ang lalaking mahal ko. Ganito ba ang mga lalaki porket dimo maibigay ang gusto nila bigla bigla kana lang ipagpapalit? Kung alam kong masasaktan din ako sa huli pipiliin kong ang hindi na magmahal. Dina muli.-cut-
Saglit lang ay huminto na ang kotse na sinasakyan ko at bumaba nako na tila bitbit ang napaka laki kong gown kukuha na sana ako ng pera pamasahe ng maalala ko wala pala akong dalang bag at wallet or phone.
"Manong,," dipa ako tapos
"Ay miss ayos na sige na mukhang di matatawaran yang sakit na pinagdadaanan mo, libre kana sige na,"
Tumingin ako kay manong at ngumiti "salamat manong,"
"Sige mag ingat ka, eh pano sa pag uwi mo may susundo ba sayo?" Alalang tanong niya "Ah,ayos napo ako kaya kona sarili ko,salamat po"
Ng may kinuha sya saglit
"Eto kaunting pera tulong ko sayo baka gutumin ka o may gusto kang Bilhin,tanggapin mona,"
Gusto ko sanang tanggihan ng naisip ko wala pala akong pera kinuha koto ng walang alinlangan,
"Maraming salamat manong"
At umalis na siya ng tiningnan ko ang 500 na perang ibinigay sakin.
At ngayon tiningnan ko ang buong paligid ko hindi ko alam kung saan to ng may nakita akong seven eleven ng makita ko yun tsaka kong naramdaman ang pagka uhaw ko dahil siguro sa pag iyak humakbang ako papunta dun ng hindi ako komportableng gumalaw dahil sa suot ko una kong tinanggal ang veil ko pinunit at binawasan ko ang gown ko hanggang sa hita ko pinunit at tinapon ko yun naging messy tuloy ang buhok ko. Nag simula nakong maglakad patungo dun ng biglang natapilok ang paa ko dahil sa stick heels na suot ko "aray ko!," nadapa ako naramdaman ko ang sakit sa ankle ko sinubukan kong tumayo pero dahil sa masakit nadapa ako ulit. "Lecheng heels nato!natapilok pako!,aray ko,"
Sinubukan kong tumayo ulit
"Miss, ayos ka lang kailangan mo ng tulong?"
Ng may kamay tumapat sa mukha ko umangat ako para tignan kung sino yun.